|
Post by applemiller on Oct 3, 2012 18:58:40 GMT 12
Hi All! Help po I am confuse , kasi from pinas kmi manggaling papuntang NZ , and ang visa namin resident na, please totoo ba na kailangan naming mag PDOS kami , ano pa bang needed na gawin or i complete? please advise po Apple
Added by aBiSh @admin 11 Sep 2014 12:18 p.m. Until now, we have not established any consistent procedure on who needs this. Their website instructions are most often inconsistent with what people will tell you when you call their office or when you get to their office. As a general rule, call CFO or POEA first to inquire if you need to get PDOS. Take note of the name of the person you talked to and the date and time you called. Follow their instructions. Have your notes ready in case you need to quote the person you talked to. I am not sure if this is the right place to put this post I found the latest version of the H Handbook for Filipinos Overseas. Ang dati ko na download was version 7 and may version 8 pala. I am not sure if there is a more recent version This was prepared by CFO and has important information on - rights and privileges as dual citizen, permanent resident, former Filipino citizen - free pala travel tax kapag PR ka and ang stay sa Pinas ay less than one year - definition of balikbayan and duty free privileges etc - income tax returns - when needed magfile - land ownership if you are no longer Filipino citizen but a former filipino natural born citizen etc - even if you are no longer a citizen, ano pwede mo invest sa Pinas etc Good to know these things rin. okay maraming salamat sa info medrion =) Inform ko na lang sa employer ko na padagdag ung Repatriation sa contract or kahit Addendum na lang na may pirma nila. Thanks! fyi, I just went to POEA earlier today, sabi ng babae sakin sa Window 6 kelangan daw ng Repatriation clause yung contract (eventhough nung tumawag ako previously sa hotline sabi nila for Middle East lang daw yun) She gave me an Addendum form to be signed daw by my employer which includes: a. Repatriation clause b. Termination clause (though meron ganun sa contract ko) c. clause sa plane ticket na dapat daw employer ang mag shoulder. Not sure if bakit pa kelangan ng clause na employer pa mag shoulder ng plane tickets eh hindi naman yun part ng initial agreement and I already paid and booked for my flight. I sent the Addendum form to my Employer pero I think nag hehesitate sila to sign it due to some of the clauses, and first time lang din kasi mag hire from overseas ng Employer ko. Long story short, nakakainis ang POEA at nahihiya na ako sa employer ko dahil sa dami ng red tape ng Pinas update: I got my OEC from POEA after getting an OFW Insurance from Paramount which covers the repatriation clause. Their office is right beside POEA and you can get the insurance in about 10 minutes (I won't be surprised if some government official has some stake in the "accredited" Insurance providers). Special thanks move2nz for the advice If you do not want to hassle your employer with the POEA document, and do not mind spending the $42 USD (about PHP 1850) you could get the insurance outright before submitting your documents. Thank you also to members of pinoykiwi for all of the info in this forum! Hi guys, katatapos lang ng PDOS namin. Basta po immigrant class visa kailangan mag-PDOS kasama po yung WTR. Suggest ko po be there at least 30-60mins before start ng seminar. Meron na po silang online pre-registration at sobrang bilis yung process pag nagpre-register ka. Kami siguro tumagal ng 10mins sa verification and payment. Kung magdadala kayo ng sasakyan, medyo limited po parking ng CFO manila. Sa side streets po ang parking. Medyo mahirap din puntahan yung office pag magko-commute. LRT Quirino station po ang pinakamalapit. Mas advisable po magpre-register kayo at i-print yung form para hindi na i-encode sa site. No need to bring 2x2 photo if you attached it to the pre-registration form. Sa amin po in-edit ko sa paint yung passport size photos namin tapos attached ko lang dun sa form. Wala po kasi kami webcam. Kung gagamit kayo ng webcam, siguraduhing maganda yung kalalabasang image or else you will need to provide photos. Sa mga may kids 12yrs and below, exempted po sila to attend the seminar. Photocopies ng supporting documents lang po ang kukunin sa inyo. Paki-check na lang po yung mga link sa ibaba: Philippine Exit Requirement (INZ) www.immigration.govt.nz/NR/rdonlyres/9B9E7590-0859-40C8-B805-D87C88906582/0/PhilippineExitRequirements2012.pdfPDOS requirements: cfo.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1347:for-filipinos-leaving-the-country-with-an-immigrant-visa&catid=139Pre-registration: pre-registration.cfo.gov.ph/CFO Manila Map: linkhello.. nag-inquire ako about PDOS. di kasi ako nagPDOS nung pumunta rito tapos... na resident ako dito so ang tanong ko. pag-uwi ko ng pinas for vacation, kailangan ko ba magPDOS... ito po ang sagot... Please be advised that immigrants who have adjusted their status in their host country and whose stay in the said country is for 2 years or more may vail of the exemption for attending the PDOS for New Zealand bound immigrants. However, you will still be required to register your resident visa with us before your departure from the Philippines. Registration can be done any day from Mondays to Fridays, 8am to 5pm. Requirements for the registration are the following: - Original and photocopy of the passport - Photocopy of the old visa label/s and the new permanent visa label - Photocopy of old landing stamps (NZ immigration landing stamps) - Photocopy of IDs issued in New Zealand (if available, i.e. driver’s license, company ID, etc) - One passport size photograph - Submission of duly accomplished registration form (downloadable at cfo.gov.ph/pdf/downloadable%20forms/registrationform.pdf- Payment of P400.00 registration fee Or you may opt to register at our CFO-NAIA Registration Desk by calling them at 879-5685 a day before your flight and submit the above requirements on the day of your departure. Look for Mr. Mario Francisco or Lita Samonte. You will need to provide your name, visa category, flights details and phone number. baka may gustong makaalam hehe share ko lang PDOS WITH JOB OFFER - WTRShare ko lng po. So andito kami sa Pinas & we have our "Work Visa" WTR na. Ang aga pa naman namin sa POEA. Bakit kasabi sabi sa amin we have to go to the 2nd floor at kakausapin kami ng atty doon. So heto pumunta kami 2nd floor leaving our "line" yung pila namin. Heto na naman sabi ng guard doon we have to make a handwritten statement how we got to have our visa & who is our employer etc. tapos daw we will just be informed kelan kami kausapin nung atty dahil dami daw kausap. Anong bagong policy ito? Accredited employer po namin sa POEA we are legit. Walang sinabi yung guard when basta tatawagan na lang daw...hays! aBiSh @admin we have already informed our accredited employer thru email that we have our WTR Visa so sabi namin asa POEA na kami para ayusin na nila ticket namin tapos ganitong bago na policy nangyari na dapat ka interview ng atty sa name hire bago ka maka proceed sa documents sa window ng skilled professionals. Dami talaga nainis sa ganitong bagong policy. Now my wife who is the primary made a written story paano siya na hire directly tapos iniwan nya contact number niya tatawagan na lang daw dahil busy si atty. So mga next week pa daw yun.
Congrats pala belmont buti nakatapos ka na. Ako aabutan na ng santo papa.
dagdag ko lang: yung visa namin is a work visa na may letter stating for resident visa kasi permanent position siya so one way ticket sa accredited employer na verified sa nz embassy. Yung mga naguusap na kasabay namin na pinoy na nakapila doon kinuha na niya yung documents niya at he opted na kukuha na lang daw siya ng agency sa Pinas dahil mas mabilis daw processing at magbabayad na lang siya ng 200k equivalent sa monthly salary niya. Kasi daw sa interview kapag hindi okay sa atty mapipilitan kang kumuha ng agency mo na accredited dito sa poea. Ano yun? directly hired tapos ikaw pa magbabayad ng expenses mo at kukuha ng agency para lang makapasa? kami since directly hired we do not spend sa lahat ng processing it is all shouldered by the accredited employer. Ginagamit tuloy itong "new policy" na ito para lang tuloy magkaroon ng anomaly na pagkakitaan pa ang mga pinoy na gusto mag work abroad kahit hirap na hirap na sa kakahanap ng trabaho niya. Asan na yung "NO PLACEMENT FEE" na policy? pinalitan lang ng pangalan.
I pray & hope all goes well next week kapag tinawag kami for our schedule kay poea atty. Haba ng pila sa 2nd floor tapos lahat i-sked pa para kay atty tatawagan na lang dahil madami daw applicants. By the way sabi nung poea oic admin hans cacdac bawal daw at illegal ayon sa labor code ang isang "direct hiring". aBiSh @admin belmont ModM thank you guys you all read my mind. If it fails next week kay poea atty. At kapag in-advice niya kami to get a philippine recruiting agency na recognised nila we will instead get all our legal documents and will proceed sa CFO. Pero for now let us see as i also consulted my legal atty regarding their so called poea labor code - that supposed to be a law protecting me and not the opposite di ba? Ito po ay galing mismo sa fb page ni poea administrator Hans Leo Cacdac Heto pa sabi ng poea administrator na si hans cacdac Panay tawag namin twice a day sa POEA laging sagot sa amin antayin na lang ang tawag nila. The last time ang sabi sa amin mukhang sick leave si atty Duquez na naman. Wala bang schedule tlga na ibibigay? Anyway tama ka sis puntahan na namin personal at i-follow kasi something is very much wrong here. Finally after exactly 14 days tumawag kami. Take note ha "kami" yesterday at sabi ng secretary sa new hire interview daw kami ni atty ng AIRB.Today sa wakas na interview si misis. After noon she passed, thank you Lord! Napagalaman namin na we are the last ones na maiinterview ng atty sa AIRB kasi after what has happened ibinabalik na nila sa OIC ng assesment sa 2nd floor ang task ng interview, hindi na sa AIRB 4th floor which is good news sa mga bago. So thank you guys at this week PDOS na si misis at ako naman CFO. Thank you Lord! And hope to meet you guys sa NZ. Finally okay na po PDOS namin. Share ko lang my wife is the principal. Direct Hire kami or "Name Hire". Si misis WTR: Talent, ako WTR: Open, anak namin syempre student. Si misis lang need mag PDOS sa POEA not CFO. Kami ng anak ko since may letter naman from NZ Embassy no need na CFO PDOS. We'll see you guys soon. Share ko lang po what am i going through sa Pag PDOS sa POEA. Basically may agency po ako sa Pinas, but pinagpoprocess nila ako sa direct hire instead na sila magprocess, the reason why hindi ko po maintindihan, anyway ito po yung step na napagdaanan ko na ( im not yet done) Sa POEA Main (Ortigas) 2nd floor name/direct hire unit PHASE 1 1. Go to 2/F name hire, pagpasok kuha ng number sa guard (front desk), sabihin direct hire, bigyan ka ng number para sa pila ng assessment. 2. Sa assessment window ipakita xerox at orig copy ng passport,visa, contract. Tinignan lang docs ko ng makitang NZ ako, binigyan ako ng questionnaire, sagutan ko daw in paragraph form, more on identity mo and the employer, tinanong din how did i found the job etc. 3. After ko macomplete, next instruction is for interview daw ni Mam Edna Hipolito (OIC direct hire unit) that day di ako umabot kasi madami pa daw di tapos nung pila the other day, so nireserve ako kibabukasan.(kay manong guard ulit pipila isusulat name sa paper yun ang pila sa interview) 4. The day of interview, so pinakita ko kay mam Edna yung documents ko, her questions are from my written answers na pinasulat sa akin. Sa una ok naman conversation kala ko lusot na pero kulang pala bala ko, kelangan ko daw ng mga sumusunod: ●Company profile (my employer) ●COE indicate ko daw yung total years sa right margin ●Diploma ●Training records, lagay din daw total time sa right side ●E-mail exchanges In short bigo ako makausad, after 3 days na ako nakabalik (inabutan ng weekend) 5.So i get back as soon as i completed the requirements.So diretcho kay madam, nakangiti nagdadasal na sana makalusot na,(in my 2 days kasi sa POEA madami akong nakilala na paNZ, most of us pabalik balik kay mam edna, and daming hinahanap na mga documents, most of them from province pa kaya yung isa inabot na ng 3 weeks, naatat na nga daw employer niya) well balik sa kwento, so pinakita ko mga documents na hinanap niya and then kwento ko paulit ulit, na galing na ako NZ kasi pinapunta ako for training so she felt convinced na legitimate talaga at big time employer ko kasi sinagot nila lahat ng expenses ko on my trip, kaya inOK na rin papers ko. She then endorsed me sa secretary niya, sabi ng secretary wait ko lang daw name ko sa labas tatawagin daw ako, inabot na ako lunch di pa din ako natawag so i decided to have a break. So again i waited till 3pm wala pa rin kaya pinuntahan ko na yung secretary,yung papers ko pala ibinalik niya ulit kay mam edna, kasi chinek pala ulit lahat ng papers ng paNZ. Luckily inuna daw ni mam edna yung sakin kaya pwede na daw akong painterview kay Dir. Doquez. Atty ROsemarie Doquez Director II -Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) under Licensing & Regulations Office (LRO) 4th Floor POEA Bldg. 6. So upon approval of miss Edna i proceeded to AIRB for another interview but again, pila na naman daw, tatawag na lang daw after 3 days. Ayun uwi pa ring bigo, but still happy na rin at least i move one step ahead. So after 3 days (March 19) tumawag ako ayun try daw akong isingit sa March 23, kasi 24 onwards leave daw si madam kasi magtratravel daw siya pa Cambodia, the reason i dont know, ang daming kailangan iinterview nakuha pang magtravel, omg! pano na lang kaming nadedelay sa pagalis dahil sa sistemang pinapatupad nila. And take note what if di maaprove yung documents sa kanya e di sayang yung pagaantay. In summary hanggang ngayon Phase I pa din ako. After passing kay dir doquez chaka pa lang maeendorsed na mag PDOS. Im still optimistic kaya tommorow balik ako POEA baka maisingit nila ako sa interview,kasi daming oras na ang nasasayang dahil sa makupad na sistema na pinapatupad nila. Sa tingin ko po sa amin na nangyari ang pinakamahirap na proseso ng pag PPDOS sa POEA. After ng interview ko sa lawyer i think it went well, pero pag balik ng papers ko sa name hire dumaan kay OIC, then sa Director II, after all of a sudden need daw na maverify pa sa higher level yung documents namin. So naforward yung documents namin kay Nini A. Lanto Director IV - Pre-Employment Services Office. Sa level niya di pa rin satisfied so dinala pa ulit kay Liberty T. Casco Deputy Administrator, Employment and Welfare.This day tumawag ako sa secretary ni DA Casco, binalik daw yung papeles namin kay Nini A. Lanto Director IV para gawan daw report, then ifoforward na kay Admin Hans Cacdac. May nabanggit yung secretary ni DA Casco na possible ipaverify yung contract namin sa Philippine embassy sa NZ. Nakakapagtaka din dahil pag nagtatanong ako walang sinasabi basta daw may problema, kako simple lang naman sabihin kung anong documents ang kailangan iprovide para masitisfy sila. Grabe close ko na lahat ng opisyal ng POEA hindi pa rin nakakapagPDOS. Inabutan na nga ng mahal na araw. Matindi na po ang mga pinagdadaanan ng mga NZ bound workers jan sa POEA, inconsistent po yung mga procedure. May papainterviehin sa Legal nila yung iba naman pinapakuha ng RED RIBBON, yung isang nakilala ko kailangan daw pumunta ng employer sa POLO Australia para iverify ang kontrata. Hindi na po malaman kung anu ba talaga ang tamang procedure para makapagPDOS. Grabe pong inconsistency, ang mangyayari po nito mawawalan ng trabaho ang maraming Pilipino. Dasal na nga lang po namin lahat na sana hindi mainip ang mga employer namin. May isa ding fellow applicant pala from CDO pa, 2 weeks ng nagpoproseso nawala daw nila papel niya so pinaguulit siya ng mga documents, anung klaseng serbisyo yun diba. We are all helpless sa kamay ng mga taong ito, hopefully they are doing their job righteously. Just want to share. My wife went to CFO this afternoon to attend PDOS after calling yesterday and have confirmed with the lady over the hotline that she is required to take one. Arrived before 2pm, the guard and the reception lady told my wife and insisted that JSV is not required. Upon telling them that we have called the hotline, the lady went to ask someone from inside about our case. After quite sometime, the lady told my wife that yes, it is required and disregard whatever they have said earlier. And then my wife now wants to join the seminar but guess what, the lady did not allow her to join the seminar as it has already started. The funny thing is that it is not my wife's fault why the seminar started without her. They just told my wife that since she do not have a flight ticket yet, she can comeback anytime. Their inconsistency cost my wife the trouble of travelling there and going thru the heavy traffic. We should have made out some meaningful things out of that "wasted" time instead. Kailangan muna sumakit ang ulo bago makaalis ng pinas. I hope this will serve as a lesson to others especially those JSV holders.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Oct 3, 2012 19:31:17 GMT 12
Opo. Kailangan nyo pong gawin. Please refer to this link.
|
|
|
Post by applemiller on Oct 3, 2012 21:37:52 GMT 12
@abish - thank you !!!
|
|
|
Post by Ano ni Moose on Oct 18, 2012 8:25:02 GMT 12
Add ko lang din PDOS also covers holders of Job Search Visa o yung dating tinatawag nilang WTR visa dahil migrant din naman ang intent ng visa na yun (although technically nakalagay sa Visa mo ay Work Visa)
I think sulit din mag attend ng seminar na to and hindi lang para perahan ng gobyerno yung mga mag-emigrate na mga Pinoy. Lalo kung first time mo pa lang pumunta ng NZ kahit papaano may good tips and warnings silang ibibigay. CFO agency ang responsible sa tracking ng mga Pinoy immigrants overseas, which is different from POEA na responsible naman sa Pinoy OFW.
Dinefine din samen nung nag seminar na mag kaiba yung Pinoy Migrant sa OFW, dahil ang OFW may intention pa rin bumalik ng Pinas kumpara sa migrant na talagang permanently na magrereside sa ibang bansa. Pag kumukha ka ng PDOS hindi mo na kailangan ng OEC na ang nag iissue naman ay POEA.
Minsan lang nakakalito kasi gaya sa case ng JSV/WTR visa na work visa ang nakalagay.. iisipin mo na OEC from POEA ang kailangan mo kasi nga "work" kaso isa sa requirements ng POEA ay job offer na wala ka kaya nga job search ang tawag sa visa kasi mag hahanap ka pa lang. In this case sa CFO ka kukuha ng PDOS kung san lalagyan ng sticker yung passport mo. Iba ito work visa na iniissue dahil may sponsor ka na employer or temporary lang talaga ang work mo sa NZ.. pag ganon sa POEA ka at ang kailangan mo ay OEC.
Make sure na maasikaso niyo to before you leave kasi may nakasabay ako na hindi pina-board ng airplane dahil walang PDOS sticker.. meron naman iba nakaka lusot. Sa halagang 400 (yata yun, not sure kung tumaas) mas mabuti ng sigurado kesa masayang ang pamasahe, oras at pagod pag hindi ka naka board ng plane dahil lang sa isang simpleng sticker.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Oct 18, 2012 12:19:57 GMT 12
Aba bago sa pandinig ko ito ah. Hindi pina-board ng plane dahil walang sticker. Good warning ito, maraming salamat anonimoose.
|
|
|
Post by db on Oct 18, 2012 12:28:30 GMT 12
plus good karma for you anonimoose sis abish - yup madaming cases na ganyan. hindi nakakaalis dahil walang pdos or iyong mga ofw naman, di nakakalipad kase walang OEC or hindi member ng OWWA. i think naman para dun sa mga papunta ng NZ na may work visa as in work permit talaga, iyon ang mga need ng OEC. correct me if i'm wrong. pero tama si anonimoose na pag JSV considered as migrant kase nga under siya pa din ng SMC na ang long term plan is to migrate talaga.
|
|
|
Post by cyphrick on Oct 18, 2012 14:48:12 GMT 12
Definitely plus karma to you anonimoose! Lahat ng mga posts mo so far ay very informative and so far it makes me more motivated and excited to pursue my application this Dec. (Plus yung promise na tour ni Abish sakin) LOL
|
|
|
Post by Ano ni Moose on Oct 18, 2012 21:29:40 GMT 12
You're welcome! Glad you found it helpful!
|
|
|
Post by qtzeri on Jan 18, 2013 16:15:47 GMT 12
Just to understand, does going thru registering with this exempt us from travel taxes like OEC? If not, what's the benefit of having this?
Trying to understand. Since currently I am an OWWA member and we can get OEC to be able to exit the country without paying the taxes.
Lastly, if lets say I am coming to New Zealand (feel na feel) from Singapore. Does that mean on my next trip back to the philippines I should do this or else I will not be able to leave?
|
|
|
Post by jade on Jan 18, 2013 18:57:40 GMT 12
Base from experiences from relatives and friends, it's a must to attend the PDOS, dito daw kasi inioorrient yung mga paalis na migrants (workers) about sa mga countries na pupuntahan nila, yung mga do's and don'ts. Although di siguro ganun kadetail, pero basically nung mga info eh dito sinasabi. As per travel taxes, magbabayad pa rin. Pero sabi nung friend ko, sabi sa kanya sa TIEZA, the next time na lilipad sila ulit (resident visa na magbabakasyon sa Pinas and paaalis na ulit) may exemption na sa taxes.
|
|
|
Post by liz5 on Jan 25, 2013 14:37:36 GMT 12
mga sis and bro, panu pag sa SG ka manggagaling, need pa rin ba natin ng PDOS? may problem ba incase umuwi ka s pinas para magbakasyon, tapos ka pabalikin sa NZ dahil walang PDOS?
salamat po!
|
|
|
Post by Ano ni Moose on Jan 25, 2013 15:03:53 GMT 12
Hi,
Di siya required if flying straight out of SG then to Auckland kasi para lang naman sa Pilipinas yun. Sa Philippine Immigration lang naman siya chinecheck.. pag aalis ka na minsan nga hindi pa.
Pero kung uuwi ka ng Pinas ang suggestion ko kay kumuha ka na din para wala ng problema pag paalis ka na.
-Anonimoose-
|
|
|
Post by liz5 on Jan 26, 2013 0:19:46 GMT 12
salamat anonimoose!
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Feb 11, 2013 8:33:46 GMT 12
Thank you for clarifying this anonimoose. Dahil plano naming umuwi ng Pinas sa December, palagay ko magp-PDOS kami.
|
|
|
Post by MRacer on Feb 28, 2013 11:45:01 GMT 12
Ang pagkaka-alam ko po ang PDOS ay para sa mga first time na OFW at mga new migrants.
Dati po kasi akong OFW at naging migrant na po sa New Zealand. Hindi na po kami hiningan ng PDOS noong nagbakasyon kami sa pinas last year (2012).
Sana nakatulong po ito. GBU
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Feb 28, 2013 12:54:19 GMT 12
Tama po kayo MRacer. Hindi kasi ako dating OFW eh kaya kailangan ko pa rin ng PDOS.
|
|
|
Post by Ano ni Moose on Feb 28, 2013 13:39:48 GMT 12
Ang pagkaka-alam ko po ang PDOS ay para sa mga first time na OFW at mga new migrants. Dati po kasi akong OFW at naging migrant na po sa New Zealand. Hindi na po kami hiningan ng PDOS noong nagbakasyon kami sa pinas last year (2012). Sana nakatulong po ito. GBU Hello, Basing from the website of Commision on Filipinos Overseas or CFO, there is no distinction between an immigrant leaving the country for the first time and immigrant leaving on their second, third, nth time: "As a Filipino emigrant, or those who have been granted an immigrant-class visa, you are required by the Philippine Government by virtue of Article 19 of Presidential Decree No. 442, , to register with the Commission on Filipinos Overseas before leaving the country to settle in a foreign land. An emigrant who has properly registered with the commission will have in his passport the CFO sticker which will be inspected by the Bureau of Immigration upon departure."This is something that should have been done when you leave for the first time, pero hindi ibig sabihin na pag hindi ka nakakuha before at dahil bumibisita ka na lang sa Pinas ay exempted na. I think the purpose of registering with them is to monitor the number of Filipinos migrants and other statistical purpose it may serve. Pero siyempre Pinas, this is something not strictly implemented obviously. Kaso nga because I know someone na na offload because he didn't have PDOS sticker, there's a possibility na magkaproblema pala talaga. In the end it's up to you.. puwedeng hindi ka mahingan or puwede din naman ma offload.. you take PDOS (or not) at your own risk hehe Source: www.cfo.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1347:for-filipinos-leaving-the-country-with-an-immigrant-visa&catid=139-Anonimoose-
|
|
|
Post by MRacer on Mar 1, 2013 10:06:42 GMT 12
Thank you anonimoose sa information. Baka siguro dahil may sticker na ako hindi masyadong tiningnan ng immigration at member pa rin ako kasi ako ng OWWA hanggang July 2013. Two years kasi yun. Iba na rin ang nag-iingat. TG buti ndi ako na-offload sa pinas. Sa mga hindi pa nakikita ang sticker ng CFO. Eto nga pala.. Attachments:
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Mar 1, 2013 22:33:14 GMT 12
Wow thank you for this image MRacer! Ganyan pala ang itsura nun. Salamat po!
|
|
|
Post by db on Mar 7, 2013 15:08:14 GMT 12
for the travel tax issue, kapag first time mong alis sa pinas, same payment pa din iyong 1620 plus terminal fee. pero pag bumalik ka na at nagstay lang ng less than a year sa pinas, 200php na lang ang travel tax plus terminal fee.
sa mga infants (2 years below, exempted sa travel tax and terminal fee pero magbabayad ng 200php for processing fee) ewan ko ba para san ang processing fee eh magbibigay lang naman ng resibo. oh well hehe
ok naman ang PDOS, madami silang ishashare na information pero mostly nabasa na natin dito sa pinoykiwi. hehe pero sulit pa din lalo na sa mga first timers na mag ooverseas talaga. more on pang novice kase eh. pag sanay ka na magtravel alam mo na mostly iyong mga dinidiscuss dun
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Mar 8, 2013 8:35:36 GMT 12
Thanks for sharing this sis db! Oo nagbayad kami ng pagkamahal-mahal na travel tax na yan. Mabuti naman at 200 na lang next time. Okay din yang PDOS. Baka meron akong bagong matutunan.
|
|
|
Post by db on Mar 9, 2013 0:47:58 GMT 12
no problem sis. during PDOS, naremind ako na dapat nga tanggalin na mga tags ng bagong damit kase baka isiping ibebenta. halos lahat ng dala naming mga damit kase ng kids bago. iyong mga luma iniwan namin. eh andami nilang gifts nun na damit so brand new pa talaga. so ayun pag uwi pinagtatanggal ko mga tags. baka isipin magnenegosyo ako ng damit. hehe
|
|
|
Post by Xuxan on Mar 9, 2013 11:30:00 GMT 12
Hi db! At last, nasa NZ ka na...All the best in your new life in NZ. You are such an inspiration to us na waiting, praying, and dreaming to live in NZ. God bless.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Mar 9, 2013 12:16:40 GMT 12
Korek sis db. Dapat walang tags yung mga damit. Hehe.. Tapos yung iba ang style nila nilalagyan ng names yung mga gamit as proof na ire-regalo sa friends at hindi ibebenta. Wow mukhang interesting nga ang PDOS.
|
|
|
Post by db on Mar 9, 2013 12:18:48 GMT 12
Salamat xuxan. Goodluck and Godbless Para pala sa mga may kids na teenager na may RV, need ng mga teenagers na mag attend ng peer counselling. Nasa related links iyong more information. Sa CFO Manila kami nag PDOS. Saglit lang naman iyon. 2-4pm. Usually di naman napupuno ang quota na 60/day. Mga 11:30 am kami nakarating. May mga pinamimigay din sila booklets and mga contacts ng pinoy communities sa Aus and NZ.
|
|
|
Post by wutangski on Apr 2, 2013 4:27:35 GMT 12
Napaka informative ng thread nato, and for someone who is confuse between OEC vs PDOS, Ano ni Moose explained it very well..
|
|
|
Post by markq on Apr 13, 2013 20:09:22 GMT 12
|
|
|
Post by donmaskulado on Apr 21, 2013 0:49:07 GMT 12
|
|
|
Post by itanalyst on Apr 21, 2013 2:30:32 GMT 12
Ask ko lang po kung saan makaka kuha nito for PDOS (Original and photocopy of letter of approval for Work to Residence visa (for New Zealand-bound emigrants)). Or binibigay na din po ba nila ito pag release ng visa. thanks. donmaskulado i believe this is the approval email you received from your case/visa officer if im not mistaken....or baka nga meron ksama ng visa?
|
|
|
Post by Sniff on Apr 21, 2013 11:40:02 GMT 12
Ask ko lang po kung saan makaka kuha nito for PDOS (Original and photocopy of letter of approval for Work to Residence visa (for New Zealand-bound emigrants)). Or binibigay na din po ba nila ito pag release ng visa. thanks. donmaskulado i believe this is the approval email you received from your case/visa officer if im not mistaken....or baka nga meron ksama ng visa? Yes this the letter sent to your email stating the conditions of your visa. You need to bring this document including your stamped passport w/ visa. Please see this thread pinoykiwi.com/thread/166/pdos-seminar-resident-visa CFO website
|
|