|
Post by amidala on Mar 8, 2013 14:24:54 GMT 12
sis belle, yun po yung ni-recommend mo na clinic sa akin. pero yung anak ko dun lang sa clinic na malapit sa amin (chai chee). mas mura po yung sa chai chee at ok din naman ang service. mabait yung doc. yung sa tampines po ang kids' medical aabot ng 100+, physical check lang naman po ang gagawin sa bata. dun naman po sa SATA sa bandang Bedok, may nabasa ako sa isang forum na OK naman daw. baka chamba chamba sis
|
|
|
Post by belle on Mar 8, 2013 14:50:58 GMT 12
sis amidala.. baka nga po, sis. sabado kasi kami andun eh natataranta yung mga staffs kasi halfday lang tapos dami tao. hehe. ung ibang SATA ok naman daw. me nabasa din ako, sis, ganun din negative din feedback sa SATA sa Bedok. siguro kasabay ko un dun.. gawa na lang tayo ng thread for medicals dito sa SG para reference nung mga taga rito
|
|
|
Post by blueangel32 on Mar 9, 2013 11:48:32 GMT 12
Salamat sa mga input! magsisimula na akong mag-inquire.. Balitaan ko kayo. Take care everyone!
|
|
|
Post by wutangski on Apr 1, 2013 17:29:56 GMT 12
Hmm question po, kasi yun nasa www.immigration.govt.nz na panel Doctor ang akala ko accredited lang. So pwede pala sa ibang clinic din. Meron po bang list nun mga clinic na pede kunan? thanks
|
|
|
Post by rockst@r on Apr 1, 2013 20:28:14 GMT 12
Hi wutangski. May accredited panel doctors ang INZ sa bawat country. Sa kanila lang pwede kumuha ng certificates unless yung bansa kung nasan ka ay wala silang accredited doctors. Anyway, you can check yung health requirements and guides sa website nila for more info.
|
|
|
Post by wutangski on Apr 1, 2013 22:31:20 GMT 12
Hi wutangski. May accredited panel doctors ang INZ sa bawat country. Sa kanila lang pwede kumuha ng certificates unless yung bansa kung nasan ka ay wala silang accredited doctors. Anyway, you can check yung health requirements and guides sa website nila for more info. Thanks man, kasi nun una ko chineck wala yun Abakkus Medical sa list, yun pala nasa second page hehehe, my bad
|
|
|
Post by rockst@r on Apr 2, 2013 17:07:57 GMT 12
Hi wutangski. May accredited panel doctors ang INZ sa bawat country. Sa kanila lang pwede kumuha ng certificates unless yung bansa kung nasan ka ay wala silang accredited doctors. Anyway, you can check yung health requirements and guides sa website nila for more info. Thanks man, kasi nun una ko chineck wala yun Abakkus Medical sa list, yun pala nasa second page hehehe, my badOk dyan sa Abakus. Dyan din ako nagpa-medical. Agahan mo lang punta mo specially on Mondays.
|
|
|
Post by kenshin on Apr 2, 2013 22:06:12 GMT 12
:)hello po sa lahat. Regarding lang po sa med exam. sobrang stict po ba sila sa result na kailangan within the normal level ka talaga or may allowance naman na konti let's say hanggang 3% higher or lower than the normal level. In our case po kasi, before we take the exam at Abakkus, we just want to ensure na normal sana lahat ng tests namin. So we had initial med exam sa company ni hubby. As a preparation, we've engaged ourselves in physical activities with matching diet. Now we have the results and the company doctor says everything is normal naman. Kaya lang when we checked the test results, there are some items na un nga may konting difference sa normal level, like yung sa cholesterol ang normal level is <200 mg pero ang result nung sa kin is 203mg kaya napapaisip kami ni hubby kung normal nga ba talga results namin if ang maganalyzed na is taga abakkus. Magpapasched na po sana kami ng medical exam this sat sa Abakkus. Thanks ulit in advance.
|
|
|
Post by jade on Apr 2, 2013 22:56:55 GMT 12
HI kenshin! We had our medical sa Abakkus. All the tests naman is within the normal range, but if in case na beyond sa normal range yung result niyo, I guessed (POV ko lang po), the doctor in abakkus will advise you with that. Mabait naman yung doctor don and for sure sasabihin niya agad sa inyo kung ano ang dapat gawin, in some cases may nabasa ako na pinaparepeat yung exam after taking some meds para manormalize yung result. Mas safe siguro kung nasa normal range yung mga results, we don't know kasi yung basis ng NZ with regards sa result ng medical exams but for sure yung mga accredited panel of doctors here ay alam ang mga yun. Wait din natin yung experiences nung ibang mga nag-abakkus dito (or elsewhere na same case sa iyo) Suggestion ko lang (POV ko lang ulit ha). Try to achieve muna yung normal cholesterol level. Tutal based sa timeline mo eh mahaba-haba pa yung ITA period ninyo. Don't rush po muna para sure na sa isang exam lang eh normal lahat agad, hassle free and economically wise din. HTH. GOD bless sa ITA!
|
|
|
Post by kenshin on Apr 3, 2013 0:38:22 GMT 12
:)Maraming salamat jade. continue na lang muna namin ang diet and exercise ni hubby para 1 take lang ang medical exam and no significant findings ang maging result. GBUA!
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Apr 3, 2013 9:22:23 GMT 12
Hi kenshin! Tama si sis jade. I highly recommend abakkus din. I really don't think the values would matter sa immigration. Ang titingnan lang nila yung recommendation ng doctor. - No significant or abnormal findings - Abnormal findings (not significant) - Significant findings Usually fino-forward sa immigration medical assessors kapag significant findings ang ni-check ng doctor mo. Sana naman hindi ganun ang matanggap ninyo. Tama, diet and exercise ng mabuti bago mag-medical.
|
|
|
Post by kenshin on Apr 3, 2013 9:36:59 GMT 12
Salamat @abish Gail
Sobrang helpful talaga input nyo...:-)
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Apr 3, 2013 9:47:16 GMT 12
And to add to that, kapag significant findings, doon magma-matter yung values. Hehe.. Kapag na-forward sa immigration medical assessors, usually humihingi sila ng additional or repeat tests. For everyone's information na rin.
|
|
|
Post by rockst@r on Apr 3, 2013 13:26:59 GMT 12
jade, physical exam lang yan. Basta walang sakit, ok lang yan. Dalhin mo baby book nya para at least mataas confidence level mo or proof mo sa doctor na titingin.
|
|
rheag
Manggagawa
Posts: 10
|
Post by rheag on Apr 11, 2013 19:15:16 GMT 12
hi...anyone here who have kids na nagkaroon ng primary complex? two of my kids kasi had primary complex and both were treated already. we had our medical exam and we declared na nagkaprimary sila aside sa nakalagay sa baby book better na transparent kami para walang problema. they were asked to have an xray exam and good thing is normal lahat ng results. nakalagay sa medical na me significant findings due nga sa previous primary complex. sabi ng immig adviser namin irereview daw ng inz yun and baka me further test pa. we have attached a med cert from our paedia before certifying na they underwent medication. any chances kaya na madeny visa nila dahil dito?
|
|
|
Post by jade on Apr 11, 2013 21:21:19 GMT 12
Hi rheag! My eldest daughter was diagnosed with primary complex when she was 2 years old (she's already 8 now). Sinabi rin namin sa doctor (Abakkus) na may history nga siya ng primary complex. Although magaling na siya hiningan pa rin siya ng xray.Nung una ang binigay ko is yung old xray niya (year 2009, nakahingi pa ako ng copy ng result), then humingi din ako ng Medical Clearance sa Pedia niya, ini-attached ko rin yun. But the doctor in Abakkus insisted to have my daughter x-rayed again para sure. So pina x-ray namin ulit siya then pinasa rin namin yun together with the plate pa. So when we submitted our ITA, 2 xray + Medical Clearance ng daughter ko ang pinasa namin. So far (and hoping) sa first assessment ni VO di naman niya nabanggit yung regarding sa daughter ko. Regarding your question, di ko rin masagot, sana nga di maka-affect yung history ng primary complex sa magiging result ng visa... Let's be positive
|
|
|
Post by jade on Apr 11, 2013 21:25:57 GMT 12
Siyanga pala, can you share your timeline rheag? Nasa anong stage na kayo ng ITA? Yung medical clearance nung Pedia namin is stating lang na healthy and fit yung daughter ko, di niya binanggit yung tungkol sa primary complex.But since siya na ang pedia namin eversince, makikita don sa history ng xrays yung name ng doctor namin.I'm not sure lang if this matter, anyway let's pray that everything will turn out positive
|
|
rheag
Manggagawa
Posts: 10
|
Post by rheag on Apr 13, 2013 5:15:12 GMT 12
hi jade, thank you for your reply. hmm...so better siguro if i can get the old xrays of my kids para they can compare it with the new one. sorry medyo nalilito pa ako sa mga terms niresearch ko pa sa net un ITA apply ako ng partnership visa and un mga kids ko student si hubby 3mos nasa nz na nakawork visa sya although nag apply na sya for residence and approve na so gather na din kami mga req'd documents hindi pa kami submit ng requirements kasi un sa medical ko medyo mataas lymphocytes ko although hindi pinaulit ng panel clinic dahil nakalagay e abnormal pero not aignificant pinapaulit nung agency sa nz na nag assist ng papers namin para daw sigurado. so baka magrepeat cbc pa ako next week before magsubmit ng requirements namin.
|
|
|
Post by tinker jhings on Apr 13, 2013 21:44:53 GMT 12
Hello po, kakatapos lang ng medical namin ngayon, as expected mataas ang blood pressure ko. May nakaexperience na po ba dito ng ganitong case? Na nagsubmiy ng medical na mataas reading ng BP? Waaaah sana naman di sya maging problema in the future. Hays
|
|
|
Post by belle on Apr 14, 2013 2:57:17 GMT 12
Hello po, kakatapos lang ng medical namin ngayon, as expected mataas ang blood pressure ko. May nakaexperience na po ba dito ng ganitong case? Na nagsubmiy ng medical na mataas reading ng BP? Waaaah sana naman di sya maging problema in the future. Hays hi, tinker jhings.. as long as may clearance naman ng doctor, wala pong problem dun. minsan pinapa-ulit un ng doctor para i-monitor kng normal lang sayo ung high BP. ung ofcmate ko po ganyan din pero may iniinom syang gamot as maintenance. nagnote lang ung doctor pero hindi naman sya considered as abnormal findings. sa kin naman ganun din high platelets so pinaulit ulit til nirefer ako sa specialist. still, ganun pa din findings pero may letter ung specialist na walang concern dun. so far, wala naman question sa medicals namin.
|
|
|
Post by tinker jhings on Apr 14, 2013 17:26:21 GMT 12
hi sis belle salamat sa reply. wala naman sinabi yun doctor na need ko ng additional test sabi lang nya pinirmahan na nya yun form ko pero di ko sure if may nilagay sya na comment. Kapag nakuha ko lahat ng result balitaan ko kayo. Actually before my pregnancy normal naman blood pressure ko kaya lang during my 7th month ayon nagspike un readings sa akin. Every checkup ko minonitor nila un bp ko at urine pero wala talaga silang makitang problema. I even gave birth via normal delivery with blood pressure of 220/120 waaaah. After I gave birth ayun parang naging normal na sa akin yun high reading 130-140/90. Year 2011 I consulted again reading my BP pero aun kahit blood test di talaga nila matrace na may problema. Di ako inadvice magmedication ng doctor ko since I am still young daw at wala syang makitang problema. Tapos ayun, simula nun di na talaga bumaba bp ko, suntok sa buwan na maka 120/80 ako, hehehe Sorry mejo napahaba, hahaha, napakwento pa ko. Sana talaga di magkaproblema or maging issue yun. Sana din maging oks result ng medical namin. After 1 week daw pwede makuha eh. Balitaan ko kayo Salamat ulit.
|
|
|
Post by jaredtamok on Apr 15, 2013 10:46:52 GMT 12
Hello po to all.. A blessed morning! We live at Yishun, meron po kayo irrecommend na clinic nearby for our medicals? Or pwde din Tampines - workplace po ni hubby. One more q, son ko po is 2yrs 4mos old, is he required to undergo medical din? Do u suggest to get it from his pedia or clinic pwede din? Thank you for any advise..
|
|
|
Post by MRacer on Apr 15, 2013 11:55:10 GMT 12
hello jaredtamok! Yung kaibigan namin na 3yrs old ang anak, pina medical pero limited medical checkup sa kanila. dapat accredited clinic din.
|
|
|
Post by jade on Apr 15, 2013 12:53:05 GMT 12
hi jaredtamok! Kids will also undergo medical exam. For them, mostly physical exam lang like weight,height,check ng mga rashes,lympnodes,teeth(ipapaopen lang ang mouth) and interview sa parents about history ng kids mo. About don sa isang question mo, wait nating mga SG peeps for their feedback
|
|
|
Post by tinker jhings on Apr 15, 2013 17:25:47 GMT 12
Hi jaredtamok, tama po si sis jade. Physical exam lang at kelangan po na panel doctor din ang titingin. Sa baby ko (2yrs 9mons) chineck yun spine, feet, hands, ears, eyes, teeth, heart, lungs, inoobserve yun marunong makipag-usap, papa identify ng letters, numbers, colors. At first ayaw ko pa sana ipamedical si baby kasi meron syang ubo't sipon pero sabi nun doctor wala naman daw kaso yun kasi more on physical exam naman. Kaya so far, lahat naman sa kanya naging ok ang test. All clear naman at nakita ko na nilagay nun doc sa comment nya na fit. Hehehe Share ko na din pala, ang mura lang ng pamedical namin. Hehehe iniisip ko nasa at least 20k in pesos based sa mga nabasa ko dito pero hindi kami umabot ng 10k. 500+ ringgit lang binayaran namin lahat lahat. Hehehe
|
|
|
Post by cyphrick on Apr 15, 2013 17:40:47 GMT 12
Hello po to all.. A blessed morning! We live at Yishun, meron po kayo irrecommend na clinic nearby for our medicals? Or pwde din Tampines - workplace po ni hubby. One more q, son ko po is 2yrs 4mos old, is he required to undergo medical din? Do u suggest to get it from his pedia or clinic pwede din? Thank you for any advise.. Hi jaredtamok! You can try "SATA CommHealth" meron sila branch sa Ang Mo Kio at Woodlands. Pero not sure kung tumatanggap sila ng weekend for NZ screening kasi yung sa Jurong branch nila ayaw dahil sobrang dami tao. For your son hanap ka ng mga childrens clinic para mas mura kasi technically po lahat ng Doctors dito sa SG pwedeng magbigay ng clearance as long as papayag sila. Meron kasing ibang ayaw dahil matrabaho daw yung pagfillup ng forms. Btw, yung son ko na 2yrs and 3mos ni-require ng urinalysis kasi stated daw dun sa form kaya mejo pahirapan kami sa pagcollect ng urine.. hehe
|
|
|
Post by pinoybizness on Apr 16, 2013 14:02:42 GMT 12
Pano po ba procedures sa forms? Nasa SG po kami. You give up the forms po ba tapos sila po ba mag foforward sa NZ or they will give you back yung form tapos tayo ang magpapasa sa nz? Kasi ang iniisip ko baka pag sumabit walang nang second chance - second chance. Di tulad sa pinas medyo lenient.
|
|
|
Post by cyphrick on Apr 16, 2013 17:55:12 GMT 12
ibabalik nila yung forms with all the results and significant findings. kaya kung bagsak ka pwede ka mag-second opinion pero syempre dagdag gastos yun at baka same result lang din. Whatever is the outcome, subject for review parin sya ng medical team ng NZ at eto po yung basic standard nila para pumasa: • unlikely to be a danger to public health • unlikely to impose significant costs or demands on New Zealand’s health services or special education services • able to perform the functions for which you have been granted entry. So kung mejo mataas lang cholesterol nyo then just follow whatever is advised by your Doctor. Like sa case namin lahat kami bagsak sa initial test and we have to go through another series of tests and a possible consultation to a specialist. Magastos pero mas magiging magastos kung mag-second opinion kami tapos same results din. So we will just wait for the final report and we're confident naman na pasok pa kami sa health standard ng NZ. For more information you can check the following: Medical RequirementsHealth Requirements
|
|
|
Post by kirbitots on Apr 20, 2013 16:03:05 GMT 12
blueangel32 from woodlands din kmi san k ng pa medical? Mga sg peepz ok lang po ba papost dn ng mga medical exprnce ntin and info sa sg community side nag gawa ako ng new tred duon po para mas makita nga mga taga sg po salamat po
|
|
|
Post by kcaps on Apr 23, 2013 1:37:29 GMT 12
Hi my medicals have been referred to the medical assessor. How long will it to take to be forwarded back to the immigration officer? Di naman po ako diabetic, kaya lang lampas ng .01 yung sugar level.
|
|