|
Post by aBiSh @admin on Nov 20, 2012 7:52:28 GMT 12
Hi gabrielle! Nung sa Pinas kami walang urinalysis kasi 4 years old pa lang anak ko. Di ko sure sa 5 and 8. Meron siguro.
Pinakamaganda tawagan mo doon sa clinic na pupuntahan ninyo para malamang kung anong requirement para sa mga bata.
|
|
|
Post by jezet27 on Nov 20, 2012 13:16:41 GMT 12
done with the medical good thing wala problem ang wife ko (principal applicant) at yung kids ko, kaso ako naman ang nagkaproblem mataas ang naging value ng HBA1C ko 6.60, dapat daw hindi lalagpas ng 6.5. So ayun I need to consult a endocrinologist/internist then kuha ng clearance.... Sana makakuha ng clearance para tuloy tuloy na.
|
|
|
Post by gabrielle on Nov 21, 2012 12:46:46 GMT 12
Hi gabrielle! Nung sa Pinas kami walang urinalysis kasi 4 years old pa lang anak ko. Di ko sure sa 5 and 8. Meron siguro. Pinakamaganda tawagan mo doon sa clinic na pupuntahan ninyo para malamang kung anong requirement para sa mga bata. Thanks ABiSH GaiL...
|
|
|
Post by fib on Nov 27, 2012 6:49:48 GMT 12
hehe guilty kami sa walang excersise at diet... pareho pa naman kaming medical technologist ng wife ko. araw2 yan ginagawa namin sa hospital... ang mag-test ng mag test... waiting pa ako ITA pero ibang usapan na pag sarili mo na i-memedical. ahehe...
yong mga medical center sa pinas maarte tlaga yong iba. nagtatake advantage na sila lalo kung dental issue sinasamanatala na nila para kumita. syempre kaw n applicant gagawan mo talaga ng paraan para matapos na lanag medical mo kahit ang mahal mahal ng procedure. pero sakin babagsak ka lang sa medical kung ang findings mo eh infectious diseases o communicable dse. kung curable.... nothing to worry....
ang problema ko naman dito sa libya ako naka-base yong panel doctor na authorize ng INZ is 1000+ kilometer away from our place... me and my wife tapos 2 kiddos ko 3 and 6 y/o. hirap mag byahe + fasting+ collection pa specimen (urine/stool) habang sa byahe. haist!
#dinamakahintayngITA
|
|
|
Post by medrion on Nov 27, 2012 7:40:29 GMT 12
mga kapatid tanong lang po....
Ok lang ba magkaiba ang panel doctors namin ni mrs at mga kids? Dito kasi kami ni mrs balak magpamedical tapos paguwi namin sa Dec yung mga kids naman sa Pinas.
Mura ata kasi dito sa Samoa. hehehe kuripot lang
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Nov 27, 2012 9:06:47 GMT 12
Hi medrion! Opo okay lang po kahit magkaiba. fib Goodluck sa ITA ninyo!
|
|
|
Post by monallyza on Nov 28, 2012 14:59:26 GMT 12
Hi Jezet27, yung HBA1C eh para saan po ba ito? sa lever po ba? sorry po di ko alam mga medical terms. So, sa pag kuha po ba ng clearance kahit saan doctor pwede po ba? or need pa rin sa panel doctor?
|
|
|
Post by fib on Nov 29, 2012 6:56:03 GMT 12
Hi monallyza.... HBA1c is 3 months history of your Blood Glucose Level.... Kung elevated na blood sugar mo o diabetic ka talaga dyan makikita sa loob ng past 3 months kung regulated ang blood glucose mo.
|
|
|
Post by jezet27 on Nov 29, 2012 18:57:17 GMT 12
tama si fib monallyza. Inadvise ako nung doctor kahit saan. tapos dalhin ko daw yung clearance pag nakuha ko na. Ngayon kakakuha ko lang nung clearance.
|
|
pruddymac
Mag-aaral
Dream BIG and keep the faith!
Posts: 7
Current City: Wellington
|
Post by pruddymac on Dec 5, 2012 14:39:35 GMT 12
Hi All,
Question lang sana baka meron na may experience.
Currently ok na medical ng wife ko and sa kids, kaya lang yung akin (primary applicant) ni recommend ako ng additional check sa Urologist. Currently nandito kami sa SG, and gusto nung Urologist na mag pa CT scan mejo mahal (700 SGD) at matagal din ang results bago makuha (2-3 weeks min) kasi outpatient lang ako sa hospital.
Ask ko sana if sa Pinas ko ipagawa yung CT scan, kailangan ba sa accredited na clinic pa ako magpapa-scan? Kasi currently dito sa SG, kahit sino Doctor ka pumunta ok lang according dun sa website ng INZ.
Clearance na lang from Urologist kulang ko for my medical, para ma pass ko na si WTR visa application namin ng family ko.
|
|
|
Post by cyphrick on Dec 5, 2012 15:26:42 GMT 12
Hi pruddymac, Welcome to PinoyKiwi! I can't advise much pero eto mga inputs ko based sa mga nabasa ko. First off, since dito ka sa SG nagtake ng initial med exam, you should first ask your doctor kung ok lang ba na sa Pinas ka magpa-CT scan. Kasi baka hindi nila ibigay yung full clearance if not from SG. Second, mas mura sa Pinas pero hindi lahat ng Hospital satin ay accredited but I think Makati Med is accredited tho. You can search them HERELet's wait for other inputs para mas klaro.
|
|
|
Post by monallyza on Dec 6, 2012 15:31:33 GMT 12
Hi fib at jezet27.. TY po sa mga reply...
jezet27, kumustan na po yung clearance mo ? OK na ba..
|
|
|
Post by jezet27 on Dec 6, 2012 17:24:46 GMT 12
monallyza: bibigyan naman ako ng clearance nung doctor, di ko pa lang nakukuha kasi dami ko ginagawa pero nung huling check up ko sa kanya sabi nya balikan ko na lang daw ung clearance ko.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Dec 19, 2012 15:08:03 GMT 12
Hi pruddymac! ;D Tama po si cyphrick. Kung sa SG yung panel doctor mo, palagay ko dapat sa SG rin galing ang results. Pero kung gusto mo sa Pinas na lang magpa-CT scan, bakit hindi ka na lang din sa pinas mag-panel doctor? Pwede mong gawing option yun. Sabihin mo cancel mo na lang yung medical mo dahil wala pa kayong pera. Mahal kasi sobra. Tapos pag-uwi tsaka ka mag-panel doctor. Baka hindi mo na kailangan magpa-CT scan kung sakali.
|
|
|
Post by gabrielle on Jan 7, 2013 16:59:45 GMT 12
Hello and happy new year! Anyone po na naka-experience ng magpa-medical sa Baguio City? Ano yung recommended clinic nyo in that area? Thanks in advance..
|
|
|
Post by joshuam on Jan 7, 2013 17:49:29 GMT 12
Hi Gabrielle...dun kami nagpamedical sa may Baguio Center Mall (BCM)...may maliit na street sa ilalim mismo ng BCM, kaya mahirap hanapin yung street, jacobo or bocobo st yata....kaharap lang ng kfc-bcm...yung clinic ay parang maliit lang kapag nasa labas ka...nasa second floor ito....madali na lang itong hanapin kapag nandun ka na sa BCM-Magsaysay area...nasa bandang dulo ito ng BCM
God bless....
|
|
|
Post by joshuam on Jan 7, 2013 22:11:27 GMT 12
Hi gabrielle, sorry hindi pala yun jacobo or bocobo street...nalito na ko yung sa manila pala yung bocobo street...pero sure ako sa tabi lang ng Baguio Central Mall yung clinic na yun...di ko lang sure kung nandun pa at this time kasi 2008 pa ng nagpamedical mga anak ko dun...
|
|
|
Post by gabrielle on Jan 8, 2013 13:42:35 GMT 12
Hi joshuam! Salamat po sa reply. Try namin hanapin yung clinic sa BCM. Nakapag-inquire din kami thru phone sa clinic ni Dr. Cacanindin of SLU Hospital. Balak namin mag-undergo ng medical exams this Thursday. We're really praying na maging ok sana ang lahat. God bless..
|
|
|
Post by monallyza on Jan 30, 2013 17:59:36 GMT 12
Hi po, base samga previous post dito sa thread na ito preparation sa medical should include "fasting". Tumawag ako sa Abakkus at sabi based sa bago nilang medical package no need na daw ng fasting. Anyone here po na di na nag fasting? kasi pagkaka alam ko need fasting para sa mga blood test. Pero kung no fasting na baka naging loose na sila sa mga test? or may mga binawas na test? any reactions po?
|
|
|
Post by rockst@r on Jan 30, 2013 18:20:11 GMT 12
hi monallyza, much better if you call them again and inform them na for nz immigration ang purpose. alam ko standard talaga yung fasting before blood test. make sure i-timing mo yung 8-10 hours fasting mo vs actual blood test. for example: you took dinner at 10pm, dapat 6-8am the next day makuhanan ka ng dugo. www.helium.com/items/797945-the-importance-of-fasting-before-a-blood-test
|
|
|
Post by jade on Jan 30, 2013 18:36:25 GMT 12
Hi monallyza. We had our medical sa Abakkus. Like you, when I first inquired about Medical for NZ Immigration, sabi rin nila no need for fasting. Pero para makasiguro kami, kahit sabi nila na no need magfasting, di pa rin kami kumain ng breakfast the day we had our medicals. Bale nagdinner kami ng mga early, mga 8 PM the night before, then wala na kaming kinain hangga't di kami natatapos sa medical namin. Siguro better skip muna yung breakfast para mas sure. HTH!
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 30, 2013 19:22:58 GMT 12
Hi monallyza! Siguro hindi na sila strict sa fasting dahil pwede naman talagang hindi. Dito sa New Zealand walang fasting required. Ite-take note lang yung time that you last had your meal (as far as I can remember).
|
|
|
Post by gabrielle on Jan 30, 2013 20:24:45 GMT 12
Hi monallyza! We just had our medicals last January 10 sa Baguio. Isa yung fasting sa pina-clarify ko nung tumawag ako sa accredited clinic prior to our schedule. They have confirmed hindi na kailangan mag-fast. Pero tinanong nila ako kung may medical history ako or yung family ko ng diabetis (i.e., ide-declare naman yun sa medical history part ng form). Since may history ng diabetis sa side ng mother ko, I was advised na mag-fast(for the fasting blood sugar test) to clear na walang diabetic manifestation sa akin. Thank God, wala namang naging problema sa mga tests na ginawa sa amin. Good luck..
|
|
|
Post by monallyza on Feb 1, 2013 19:55:23 GMT 12
Hi, TY sa mga reply. Fasting na lang para sure. Pa medical kami tom (sat) sana maging OK lahat. Tenx sa mga advice.
|
|
|
Post by jade on Feb 2, 2013 15:31:37 GMT 12
|
|
|
Post by blueangel32 on Mar 8, 2013 13:51:47 GMT 12
Tanong lang po.. Sa mga nakapagpamedical na dito sa SG, saan po ang marerecommend nyo at magkano po ang per head (adult)? TIA
|
|
|
Post by amidala on Mar 8, 2013 13:56:52 GMT 12
san ka banda nakatira blueangel32? sa may tampines po ako nagpamedical umabot ng almost $265.
|
|
|
Post by blueangel32 on Mar 8, 2013 14:10:16 GMT 12
Hi Amidala! sa woodlands kami e.. Any clinic ata pwede pag dito sa SG, tama ba?
|
|
|
Post by amidala on Mar 8, 2013 14:15:26 GMT 12
yes any clinic po ay pwede. pero i suggest po to call and ask din. based on my experience, dun sa dalawang doctors na naka-duty sa same clinic, yung isa po hindi daw sya nagpeperform ng medical exam for migration..pero yung isa sa kanila ang nagcheck ant pumirma sa form ng anak ko.
HTH
|
|
|
Post by belle on Mar 8, 2013 14:20:38 GMT 12
blueangel32, average po nasa $200 per adult. nakow di ko po ire-recommend ung sa min (SATA sa bandang Bedok) hehe kasi chaka ung service nila. magulo ung sistema. pinagsuot na ko ng robe para sa x-ray tapos hawak hawak ko ung cup ng urine nag-aantay ako sa labas ng room na ang daming tao (halo babae at lalaki). san ka pa di ba? hehe.. dun ka na lang sa nirecommend ni sis amidala
|
|