|
Post by divhon on May 31, 2016 18:01:15 GMT 12
annac sa pinas sino po ang nagdeliver ng padala from NZ Post papunta sa kapatid niyo? if Phil Post nagpadala po ba sila ng notice to pick up a letter sa nearest phil post office? tinanong ko sa NZ Post sino ba sa pinas ang magaabot ng sulat sa pinas hindi daw nila alam eh.
|
|
|
Post by allune on May 31, 2016 18:02:30 GMT 12
|
|
|
Post by divhon on May 31, 2016 18:07:23 GMT 12
sa pinas po bossing. actually napadala ko na NBI ko through NZ Post problema kasi walang house number bahay naming. Although lahat naman ng padala from Phil Post, LBC, DHL nakakarating naman. allune
|
|
|
Post by ModM on May 31, 2016 18:38:00 GMT 12
divhon yung sa akin yata na NZ Post tracked documents yun DHL ang naghatid from NZ post dito. Yung LBC naman from Pinas DHL ang naghatid dito. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by divhon on May 31, 2016 18:45:11 GMT 12
ModM aba that could be a pinoykiwi life hack kung DHL ang magaabot ng docu from NZ Post to pinas. If you go direct sa DHL website NZ $67 ang sinisingil saken sa docu ko to be brought sa provided address. I went through with NZ Post they charged me $32 lang tracked and signature, so more than 50% savings if DHL nga magaabot ng docu sa Pinas.
|
|
|
Post by annac on May 31, 2016 20:42:30 GMT 12
divhon d ako sigurado pero naalala ko dati nung nagpadala ng documents ang partner ko mula NZpsot punta Pinas, DHL ang naghatid. d rin alam ng kapatid ko kasi d sya ang nagreceived, company address kasi pinagamit nya para siguradong matanggap. tingin ko as long as my tracking number matatanggap naman ng family mo
|
|
|
Post by winriver on Jul 4, 2016 15:33:35 GMT 12
Just been to the Consul General's office in Kingsland for NBI form fingerprinting.
Tips: 1. If you already have the NBI Card Form, fill it out already before going to the ConGen's office. That will speed you up for sure. Kanina 4 kaming magpapa-fingerprint. Inuna ako kasi na-fill-up-an ko na ang NBI Card Form ko na hiningi ko sa Wellington embassy via post.
2. Bring your passport as well as a photocopy. Matutuwa sa yo ang staff kasi nakahanda na lahat.
3. Bring $37.50 in cash as payment. Wala silang EFTPOS. In case wala kang dalang cash, me malapit na Westpac ATM (tawid ka lang from the ConGen office) sa Kingsland Pharmacy.
4. Bring 1 piece of your latest passport-size photo.
5. Walk-in is allowed. No need for prior appointment.
HTH!
|
|
|
Post by celyn on Jul 4, 2016 16:04:25 GMT 12
Hello! Check ko lang kung meron na ba ditong nakaexperience na kumuha ng Police Clearance sa Saudi at Qatar? Pano ang process if outside Saudi at Qatar na at nasa singapore na ung taong kukuha ng police clearance? Kailangan kasi ng husband ko kumuha ng NBI kasi nagwork sya sa dalawang countries na un. Unfortunately andito na kami sa Singapore nagtatrabaho ngayon.
Thanks.
|
|
|
Post by allune on Jul 22, 2016 19:28:34 GMT 12
Note lang when sending documents to the Philippines, International Courier is enough as this is what a person I know used before. This will be processed by EMS. Napamahal kasi ako ng mga 20 dollars pa nu'ng pinili ko 'yung International Express sa NZ Post. Siguro DHL equivalent na 'to sa Pinas pagdating pero baka EMS pa rin ang magdeliver...
|
|
|
Post by winriver on Aug 9, 2016 22:53:04 GMT 12
Nakiusap ako sa kaibigan ko sa Pinas to get an NBI Renewal clearance on my behalf. Ipinadala ko lahat ng requirements via mail at natanggap naman lahat. Pumunta sya sa NBI Galleria kahapon only to be told na sa NBI Main / Taft pina-process ang NBI Renewal if subject is overseas/abroad. So pumunta sya today sa NBI Taft diretso sa 3rd floor - Subject is Abroad section. Yung unang nakausap nya ay nanghihingi ng additional P1,000 para makuha ang clearance same day. Yung pangalawa ay P600. Kesa bumalik pa sya a week later, nagbayad sya ng P600....
|
|
|
Post by annac on Aug 10, 2016 0:10:59 GMT 12
kapag same day makuha ang clearance mahal talaga
|
|
|
Post by ModM on Aug 10, 2016 0:33:07 GMT 12
Kapag for visa purposes or international travel they require one week bago irelease kahit personal na ikaw pa kumuha. Yan ang dating policy nila.
May online renewal/appointment pa din ba?
Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by allune on Aug 10, 2016 13:09:21 GMT 12
ModM may online appointment pa rin. You can pay online din (local bank online payment)
|
|
|
Post by ModM on Aug 10, 2016 19:29:13 GMT 12
allune ah okay. Dati by GCash nakakabayad ako. Kapag may online appointment parang 10 minutes lang tapos na.
|
|
|
Post by Iamlove on Sept 4, 2016 11:55:11 GMT 12
Hello pinoykiwi, kaka submit ko lang po last thursday requirements for renewal of NBI ni hubby heto po yung ginawa ko sana makatulong
NBI clearance application for renewal applicants abroad:
1. Post office- purchase a postal money order amounting 115pesos with THE DIRECTOR, NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION TAFT AVENUE MANILA as payee.
2. LBC- Send postal money order, latest nbi clearance with photo attached, passport photocopy and an lbc prepaid return pouch (available at lbc) regular size only to this address:
 SANDRA P. SOBIDA
 MAILED clearance section 
 NBI taft avenue manila
|
|
|
Post by allune on Sept 4, 2016 12:13:45 GMT 12
Iamlove saan pabalik yung return pouch? Overseas ba?
|
|
|
Post by Iamlove on Sept 4, 2016 12:19:34 GMT 12
allune dito lang po sa address namin sa pilipinas additional po indicate the address of the ofw doon po sa requirements need din po nila yung address nung applicant overseas
|
|
|
Post by spiky_meteorite on Sept 6, 2016 1:34:07 GMT 12
Hello po. Tanong ko lang kung may gumawa na nitong naiisip kong way: renew online tapos yung authorised rep sa Pilipinas ang pupunta sa main nbi branch with my authorisation letter. Medyo nasa liblib na lugar kasi ako sa South Island New Zealand at napakalayo ng Wellington or police station para magpafingerprint. May online record na kasi ako nung nagapply ako bago ako umalis ng Pilipinas. May nakagawa na ba nito or posible ba ang way na ito? Maraming salamat.
|
|
|
Post by dylanlove on Sept 28, 2016 17:41:42 GMT 12
hello annac thanks sa info sobrang helpful, ask ko lang kung yung authorization letter na ibinigay mo sa nbi, notarized ba? thank you
|
|
|
Post by allune on Sept 28, 2016 18:55:30 GMT 12
|
|
|
Post by iamricg on Jan 4, 2017 21:22:50 GMT 12
Hello po, I just went to PH Embassy here in SG for Fingerprinting and they had advised me to send the forms to my representative in Manila for processing sa NBI Taft main office. Question po, hindi pede i-online application ko to then collect sa NBI Taft or kailangan personal appearance at i-request face to face sa head office? Meron pa bang fee until now to expedite the processing? Appreciate your advice po. thanks
|
|
|
Post by terebern23 on Jan 4, 2017 23:47:19 GMT 12
Hi guys, gusto ko lang e-share yung experience ko regarding NBI. Kumuha kami ng NBI sa Pilipinas noong umuwi kami noong June 2015 from Singapore kasi tansya namin maka pag lodge kami ng ITA by November 2015 at makamura pa ng NBI. Nangyari eh yung iba naming documents ay aabutin pala ng January 2016 dahil nga December holiday. Pag nag lodge kami ng January 2016 sigurado paso na ang NBI namin. Nag pa appoint kami for fingerprint sa embassy at yung available slot lang nila ay January 8, 2016. No choice kami nag appoint na lang kami baka kasi humingi nga si IO ng NBI. Since uuwi din yung kakilala ko sa Pilipinas para magbakasyon pinadala ko na lang sa kanya para makatipid ng courier noong January 15. Pinadala nya yung fingerprint namin sa Bacolod kasi wala kaming kakilala sa Maynila na mag pa process ng NBI. Pagdating doon hindi tinanggap ng NBI-Bacolod dahil aabutin daw ng 1 month pag sila ang nag process at MAIN office lang ang nag pa process nito. Nakahanap ako ng kakilala sa Maynila at pinadala yung fingerprint at natanggap nya noong January 26 at ito din yung date na nag lodge ako ng ITA namin kasi yung medical ko mag e expire ng January 31. Gumawa ako ng appointment ng January 28 at ina apply kami at sabi daw nya February 1 makukuha. January 29 nag email si IO na expire nga daw yung NBI namin at binigyan ako ng deadline ng February 2 kailangan nya yung bagong NBI dahil daw mag e expire na ITA ko sa February 14. Tinawagan ko agad yung kumuha ng NBI sa amin na sigurado ba na sa February 1 makukuha at sabi nya oo. February 1, pumunta sya para kunin yung NBI namin pero di nya napansin na FEBRUARY 10 pala yung collection PAKTAY! Tinawagan ko sya at sa kabutihan may nakausap sya doon sa loob na mag a assist daw sa kanya (ALAM NA!) ayon nakuha nya yung NBI namin at tig Php250 sila pang meryenda (Php500 lahat) at agad nya pinadala da DHL at natanggap naman ni IO noong February 2. GASTOS: Fingerprint SG-embassy: SG$85 = Php2,850 Appointment: Php140x3 = Php420(x3 nagkamali yung isang appointment first time eh) LBC: Pangasinan-Bacolod-Manila = Php585 DHL: Php1,296 Lagay: Php500 Suhol sa nag asikaso: Php1,500 TOTAL: Php 7,151 :-( salamat sa pag-basa at hope na makatulong ito sa inyo :-) iamricg , need mo e online apply yung nbi mo for appointment tapos yung branch na piliin mo ung sa NBI main (taft). e send mo ung fingerprint sa representative mo manila.... bring valid id ng representative..... advice mo yung representative mo na magtanong dyan kung pwede e urgent pero medyo may pangkape ka dapat sa kanila.... ewan ko lang kung pwede pa yung pangkape dahil "change is coming" na di ba at pa check na lang sa kanya kung kelan kunin baka mabilis na ngayun... "tuwid na daan" pa ako kumuha ng nbi
|
|
|
Post by iamricg on Jan 8, 2017 19:20:57 GMT 12
Thank you terebern23. I did the online application for appointment then sinend ko na fingerprinting to Manila. Hopefully mag okay lahat
|
|
|
Post by lhibay on Feb 14, 2017 15:32:13 GMT 12
Hello po
Just want to ask if meron same case na NO CRIMINAL RECORD ang remark sa nbi clearance nila. Usually kasi NO DEROGATORY RECORD ang remarks. Is there a negative impact ba yun on your visa application.
|
|
|
Post by ConorMcGregor on Feb 14, 2017 20:53:28 GMT 12
It's basically wording. The gist is still the same. Binago lang siguro ng NBI ang remarks.
Mas nakakatakot kung may makitang criminal record, pero hindi naman pala ikaw yun. Kaparehas mo lang ng pangalan tapos sa'yo napunta yung record nya.
Mas mahirap na paliwanagan yun. Mas mapapatagal na makuha mo ang NBI clearance.
|
|
|
Post by lhibay on Feb 14, 2017 23:18:16 GMT 12
Hi thank you for your reply.
Actually my husband had a dismissed case regarding a car accident year 1999 or 2000 (nothing serious happened but both sides won't admit the fault kaya nagkaroon ng case kasi ang nakabanggaan pala niya is apo ng Judge or General). Then 2010 na dismissed yung case because inayos before coming here in the UAE and he got a No Derogatory Remark at that time. So akala namin ok na. But then kumuha kami ngayon ng Nbi clearance needed for the work visa (he's under partnership visa with my WTR visa)and meron pa din siya HIT and he got a NO CRIMINAL RECORD remark on his NBI Clearance.
Pero sana maging ok naman even ganun ang remarks because I have read somewhere that... he was declined a NZ work visa because he had a remark of No Criminal Record on his NBI clearance.
That's why I was asking if someone has the same case/experience as we're having now... might give us a heads up on what will be the circumstances ahead. Please share po your experience.
Thank you for your time and sorry for the long post.
|
|
mikeljyms
Panauhin
Resident
Posts: 3
Current City: Auckland
|
Post by mikeljyms on Feb 23, 2017 22:28:10 GMT 12
Hi @ihibay! Sorry di pa ako marunong mag-tag.
Kami ng partner ko magkaiba yung comments sa NBI clearance. Ako "no derogatory record" tapos siya no "no criminal record". Kakatanggap lang namin ng email from our CO stating na my partner would need to get an NBI Clearance Status Certificate from the Information Records Bureau in NBI Main sa Taft.
Gusto niya ma-extract lahat ng records ng partner ko. May hit siya since DOST scholar siya.
Andito ako looking for a similar case na hinanapan din ng ganyang certificate kasi aasikasuhin pa lang namin.
I hope this helps.
|
|
|
Post by ModM on Feb 24, 2017 20:43:55 GMT 12
mikeljyms oh wow! nakakainis nga yang DOST/PSHS scholarships na yan pagdating sa Travel dati I had to go to Bureau of Immigration Office to make sure na cleared ako sa lahat ng "bans" dahil sa PSHS Scholarship. Yung ibang friends ko na DOST naman kailangan mo kumuha clearance sa DOST tapos ipa clear records sa BoI and NBI Sent from my SM-G930F using proboards
|
|
|
Post by genosaur on Mar 7, 2017 15:08:17 GMT 12
Meron kami kasamahan dito sa house na ang ginawa is nag email lang sa representative ng copy ng hindi expired na nbi clearance, Passport and authorization letter. Na renew naman ang nbi clearance nila. Anyone naka experience ng ganito? Thanks
|
|
|
Post by allune on Mar 7, 2017 15:10:21 GMT 12
|
|