|
Post by aBiSh @admin on Oct 20, 2015 9:30:13 GMT 12
Kung hindi talaga nila tinatanggap yung maidensurname-husbandsurname mo sa NBI, sa tingin ko wala kang magagawa. Alam mo naman government offices natin eh. Pero pag submit mo ng WTR, I'm sure magkakaroon ka ng chance to explain bakit hindi nagma-match. Just tell the truth.
|
|
|
Post by ModM on Oct 31, 2015 2:36:16 GMT 12
graceygray1110 I think it will not be a major problem naman kasi ang nbi clearance lumalabas naman ang middle name mo which is actually your maiden surname so makikita naman both names. Submit mo lang. If magkaproblema sa INZ saka ka submit statutory declaration duly notarized that x name is the same identity as y name. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by graceygray1110 on Nov 13, 2015 14:22:11 GMT 12
Thank you very much for the reply.
|
|
|
Post by allune on Jan 18, 2016 10:39:46 GMT 12
Question po. Anong dapat ilagay na address sa clearance? Address sa Pinas or yung overseas address na?
Thanks!
|
|
|
Post by shashing on Jan 18, 2016 12:24:12 GMT 12
allune depende sayo. Yung Sa case Kasi namin yung husband ko dito Sa SG-Phil Embassy Siya nag process Ng NBI clearance ang ginamit niyang address is our SG address. Ako naman although based din ako dito Sa SG Pero Sa Pinas ako nag process Ng NBI clearance yung PH adress ko ang ginamit Ko. So far tinanggap naman Ng IO nung nag submit Kami Ng ITA.
|
|
|
Post by allune on Jan 21, 2016 15:52:30 GMT 12
|
|
|
Post by terebern23 on Feb 3, 2016 18:35:30 GMT 12
Hi guys, gusto ko lang e-share yung experience ko regarding NBI. Kumuha kami ng NBI sa Pilipinas noong umuwi kami noong June 2015 from Singapore kasi tansya namin maka pag lodge kami ng ITA by November 2015 at makamura pa ng NBI. Nangyari eh yung iba naming documents ay aabutin pala ng January 2016 dahil nga December holiday. Pag nag lodge kami ng January 2016 sigurado paso na ang NBI namin. Nag pa appoint kami for fingerprint sa embassy at yung available slot lang nila ay January 8, 2016. No choice kami nag appoint na lang kami baka kasi humingi nga si IO ng NBI. Since uuwi din yung kakilala ko sa Pilipinas para magbakasyon pinadala ko na lang sa kanya para makatipid ng courier noong January 15. Pinadala nya yung fingerprint namin sa Bacolod kasi wala kaming kakilala sa Maynila na mag pa process ng NBI. Pagdating doon hindi tinanggap ng NBI-Bacolod dahil aabutin daw ng 1 month pag sila ang nag process at MAIN office lang ang nag pa process nito. Nakahanap ako ng kakilala sa Maynila at pinadala yung fingerprint at natanggap nya noong January 26 at ito din yung date na nag lodge ako ng ITA namin kasi yung medical ko mag e expire ng January 31. Gumawa ako ng appointment ng January 28 at ina apply kami at sabi daw nya February 1 makukuha. January 29 nag email si IO na expire nga daw yung NBI namin at binigyan ako ng deadline ng February 2 kailangan nya yung bagong NBI dahil daw mag e expire na ITA ko sa February 14. Tinawagan ko agad yung kumuha ng NBI sa amin na sigurado ba na sa February 1 makukuha at sabi nya oo. February 1, pumunta sya para kunin yung NBI namin pero di nya napansin na FEBRUARY 10 pala yung collection PAKTAY! Tinawagan ko sya at sa kabutihan may nakausap sya doon sa loob na mag a assist daw sa kanya (ALAM NA!) ayon nakuha nya yung NBI namin at tig Php250 sila pang meryenda (Php500 lahat) at agad nya pinadala da DHL at natanggap naman ni IO noong February 2.
GASTOS:
Fingerprint SG-embassy: SG$85 = Php2,850 Appointment: Php140x3 = Php420(x3 nagkamali yung isang appointment first time eh) LBC: Pangasinan-Bacolod-Manila = Php585 DHL: Php1,296 Lagay: Php500 Suhol sa nag asikaso: Php1,500
TOTAL: Php 7,151 :-(
salamat sa pag-basa at hope na makatulong ito sa inyo :-)
|
|
|
Post by quincedev on Feb 3, 2016 21:31:51 GMT 12
Hi terebern23, I had thesame case rin, kasi from Bacolod din kami. Sinabihan na kami dito pa lang in Singapore, phil embassy na mas mabuti if sa main(Manila) ipadala ang Doc with finger-printing. Naghagilap pa kami nang kakilala (College classmates) sa Manila para sila na yung magprocess ng NBI namin. Umabot ng 5K Pesos yung nagastos namin, sa NBI manila lang. Kasi kesyo matatagalan daw pag hindi mag under the table. Sad to say, nagbayad na lang talaga kami para lang maprocess yung NBI Clearance namin. And in just 1 Day, nakuha kaagad, yun nga lang sa maling paraan naman.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Feb 4, 2016 11:34:19 GMT 12
Ouch ang mahal naman ng NBI clearance na yan terebern23 at quincedev. Can we do something about this under the table NBI transaction? File a complaint or something? Mukha kasing namimihasa na sila. Parang nagiging LTO lang eh. Nagiging trend ngayon ay kailangang maglagay para makakuha ng NBI through a representative. Siguro we can create a proper timeline or range on when to obtain it para sakto yung validity. Hindi talaga ako happy sa ganyang klaseng sistema na wala tayong magawa kundi maglagay para lang makuha yung papeles na kailangan natin.
|
|
|
Post by quincedev on Feb 4, 2016 12:59:47 GMT 12
Hi aBiSh @admin , tama ka, wala nang sistema satin. Asside sa nagbayad na kami sa Phil Embassy in Singapore pa lang nang Php2,850 para sa NBI Card Finger Printing, Nung pinadala na sa Manila (nakisuyo lang kami sa kaibigan namin), sinabi sa NBI may kelangan pa daw na bayaran na 2000 pag kuha, pero matatagalan pa daw ang pagrelease so kelangan magbayad nang 3000.(Which is alam naman namin na hindi na ito normal na transaction), kaya nag Go na lang kami dahil malapit na ang deadline at nakikisuyo lang kami. Isang reason rin marahil ay dahil nakasaad kasi dun sa NBI Card Finger Printing yung reason na magmamigrate sa NZ at Nanggaling pa sa SG ang card. Alam nyo naman sa atin(hindi ko nilalahat), pag abroad, kala nila maraming pera. Naisip ko nga rin, masarap iset-up yung mga ganyan, to think na NBI pa naman sila. Kaso nga lang need rin namin na.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Feb 4, 2016 13:13:02 GMT 12
Maganda siguro kung i-document ninyo lahat ng experience ninyo, complete details tapos sumulat tayo sa NBI for complaint. Kapag hindi sila nag-respond positively i-publish natin through a campaign. Nakakainis na eh.
|
|
|
Post by robstejones on Feb 14, 2016 15:45:40 GMT 12
Hello po sa lahat. Tanong ko lang.. Ok lang ba na scan na lang mga documents tapos ipadala sa pilipinas para sa pagaapply ng NBI Clearance? Thanks po sa magrereply. God Bless!
|
|
|
Post by ModM on Feb 14, 2016 18:24:45 GMT 12
robstejones kailangan yung original na fingerprint form ang ipadala Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by robstejones on Feb 14, 2016 18:32:19 GMT 12
|
|
|
Post by zorlac on Apr 19, 2016 20:46:57 GMT 12
Thank you po
|
|
|
Post by Ae ♥ Batanes on May 11, 2016 19:03:36 GMT 12
Grabe naman ang NBI sa Manila - hay
|
|
|
Post by annac on May 12, 2016 11:18:23 GMT 12
ang ginawa ko to renew my nbi
1. kumuha ng nbi form #5 sa embassy sa Wellington. pero pwede ring tumawag ka sa embassy tas ipapadala nila ang form. nakalimutan ko lang kung may fee, parang meron ata. (correct me if I'm wrong)
2. filled up the form at pumunta ako sa Hastings police station para magpafingerprint. dala ko rin passport for ID. nagsign ang police at sinulat nya rin ang passport number ko sa form.
3. gumawa ako ng letter of authorization para sa kapatid ko. address to NBI-Manila.
4. pinadala ko sa Pinas ang verified and fingerprinted nbi form, authorization letter, 1 passport size picture, at my old nbi clearance. isali ko dapat ang photocopy ng passport ko kaya lang nakalimutan ko. pero less worried ako kasi na verified naman dito ng police.
5. natanggap ng brother ko. then dinala nya sa nbi, nagbayad sya ng P115. Nung Tuesday ang release kaya lang may work sya kaya hopefully sa Monday makuha nya.
at sana ala ng ibang fee na babayaran.
update lang, nakuha ng kapatid ko ang nbi clearance at ala na syang binayaran
|
|
|
Post by aBiSh @admin on May 19, 2016 13:41:58 GMT 12
Thanks for this annac. Will post this on first page.
|
|
|
Post by onad on May 23, 2016 18:59:45 GMT 12
Hi, tanong lang po, ung NBI form #5 ba available lang Embassy in Wellington? Can we get this form in consulate general here in Auckland? Thanks!
|
|
|
Post by allune on May 23, 2016 19:05:43 GMT 12
onad yes po makukuha niyo yan sa Auckland
|
|
|
Post by divhon on May 24, 2016 21:58:56 GMT 12
annac what a simple list, pwde malaman returned gastos sa pa DHL? so pwde pala passport size photo not 2x2?
|
|
|
Post by annac on May 25, 2016 9:35:16 GMT 12
divhon binayaran ko pagpadala Pinas $35 thru NZ post, tas ang returned $41 (depende sa palitan ng peso to nz dollar) LBC pinili ko kasi mas mahal ang DHL. oo, pwede passport size, tinanggap ng NBI eh. kakacheck ko lang sa website ng Phils. Embassy sa Wellington may fingerprinting service na sila. kelan kaya ito nagsimula? ok yan atleast d na kailangan puntang police station. Sinabihan pa man din ako ng police officer na ng assist sa kin na baka I-implement na rin nila yung sa NZpost ang fingerprinting gaya sa Auckland. $50 ata ang fee! waaahh! kaya good one! yang fingerprinting sa embassy
|
|
|
Post by divhon on May 25, 2016 11:17:44 GMT 12
annac salamat sa info, $65 nga balak hingin ng DHL saken. Nagbabalak na rin ako sa NZ post kaso kako baka lalo pako mapamahal kasi hindi makarating. Grabe naman ang mahal nung NZpost fingerprinting $50 pala. Pero it would really make sense kasi kulang manpower ng police, kaso hindi nman kasi lahat malapit sa wellington
|
|
|
Post by allune on May 25, 2016 11:20:20 GMT 12
annac libre ba yung sa embassy? I don't think it is. Noong may mobile consular services sa Ashburton NZD 37.50 yung fee. Dito sa Christchurch sa Canterbury Central Police Station lang, libre pa.
|
|
|
Post by annac on May 25, 2016 22:48:09 GMT 12
divhon oo, siguro reasonable na rin yung presyo ng NZpost, Lalo na sa malalayo nakatira. may tiwala ako sa NZpost kaso pagdating sa Pinas ibang story na pero may tracking number naman ang NZpost kaya ok na rin allune d ko alam kung libre ang pagfingerprinting sa embassy baka nga may fee. nung pumunta kami nung April binigay lang sa kin ang form ng nbi at yung instruction paper. ala ring sinabi yung staff na may fingerprinting na sila. kahit nung dati nagchecheck ako sa website ng embassy ala pang ganyan. siguro bago lang ang service nila na fingerprinting. pero sana nga libre kasi yung Japan Embassy ala akong binayaran sa fingerprinting nila. Wala ring bayad sa Hastings police station dito. Sinabihan lang kasi ako nung officer nun na baka gayahin na rin nila yung sa Auckland. pero sana hindi maimplement
|
|
|
Post by ModM on May 26, 2016 0:43:43 GMT 12
35 NZD ang fingerprinting sa embassy at consul. Sa Auckland Police di na yata pwede kasi they know na you can do it sa Consular office.
Mahal noh?
Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by aBiSh @admin on May 26, 2016 9:40:15 GMT 12
Grabe ang mahal naman. Buti pala nakalibre pa ako sa Auckland Police.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on May 26, 2016 9:40:52 GMT 12
... four years ago. LOL
|
|
|
Post by annac on May 26, 2016 12:35:55 GMT 12
kamahal naman! sana libre na lang gaya sa Japan embassy
|
|
|
Post by amidala on May 26, 2016 12:43:16 GMT 12
nakalibre din kami 1 week before na-implement na di na pwede sa AKL police. nakahabol pa
|
|