|
Post by malemond11 on Aug 31, 2014 15:10:56 GMT 12
Original title: dapat at di dapat ginawa bago napunta ng NZ
curious lang po..sa mga experience po ninyo na nasa NZ na ano ano po ba ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang nagbabalak pumunta ng NZ para mas gumanda po ang career nila.. tnx po..
format :
MGA DAPAT GAWIN O GINAWA
MGA BAGAY NA HINDI KO DAPAT GINAWA
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Sept 1, 2014 15:57:27 GMT 12
Must Do:
- Full dental check up and treatment
- Buy prescription eyeglasses that will last long
- Shop for high quality clothes, shoes and bags
- Speak to your children in your native language and teach them to speak it as well
- Travel the Philippines when you can
- Make lots of good memories
Don't:
- Red ribbon your documents - Red ribbon doesn't mean anything in New Zealand. Bring all originals.
- Get an international driving permit - Your pro/non-pro PH (or other country's) license would do in NZ.
- Tell your family and friends you'll be rich in NZ
I'll add more as I remember. Pwede ko rin ba itong idagdag? DO bring lots of Pei Pa Koa lozenges. Hahaha.. Check customs limit! May Pei Pa Koa syrup dito pero yung lozenges ay sa Pilipinas lang nabibili. Mag-stock up kayo kasi sobrang effective sa ubo tuwing winter. Favorite siya ng mga workmates ko rito na hindi Pinoy. Kaso pag nalalaman nilang galing pa sa Pinas, nalulungkot sila kasi di sila makabili. Madalas siya mabibili sa Watsons sa atin.
|
|
|
Post by itanalyst on Sept 2, 2014 11:58:52 GMT 12
sis aBiSh @admin, natawa nman ako dito: --- Tell your family and friends you'll be rich in NZ --- hahaha binalikan ulit ng mata ko kung tama basa ko hehe
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Sept 3, 2014 12:54:08 GMT 12
Hahahah.. Sis itanalyst kasama siya sa DON'T kasi never yata mangyayari yan sa atin ng sobra-sobra rito. Haha.. We'll be blessed and comfortable but not exactly rich yet pero malay mo. Pero richness comes in different forms -- family, friends, good health, career, spirituality, yan mga importante. Yung richness in moolah, bonus na lang yun. Haha..
|
|
|
Post by malemond11 on Sept 9, 2014 1:17:55 GMT 12
nyahahaha lakas ng tawa ko dito sa portion na to "Tell your family and friends you'll be rich in NZ"...ano yun ipapangalandakan ko na yayaman ako sa NZ , baka naman manganib buhay ko nyan pag nagkataon hihihi..sabagay tama si aBiSh @admin ang pagiging mayaman ay hindi lang sa pagkakaroon ng maraming pera..parang ako lang, bigla akong nagkaroon ng mga fiends na yung iba di ko nakikita, sa forum ko lang nababasa mga mensahe nila hehehe..
|
|
|
Post by Ano ni Moose on Sept 9, 2014 21:37:20 GMT 12
DAPAT GAWIN: - Set the right expectations (more like lower your expectations) so when things don't go as planned, you won't be disappointed/frustrated. - Appreciate the remaining time you have in Philippines (if you're about to leave), spend heaps of time with your friends and family. It's not cheap to travel back for holiday and if you ever do, it will feel like the holiday is not enough, lalo kung kailangan mo bumalik at may work ka at nag leave ka lang.
DI DAPAT GAWIN: - Assume that everything will be better/easier. Some things will be and some won't, may advantages/disadvantages ang pag move sa NZ, the earlier you become aware of them, the better.
Anonimoose
|
|
|
Post by malemond11 on Sept 10, 2014 3:20:06 GMT 12
thank a lot Ano ni Moose...parang nakaka kaba tuloy na ewan ang pag plano sa NZ lol...
|
|
|
Post by malemond11 on Sept 10, 2014 23:32:19 GMT 12
how about po sa programming language na dapat alam muna bago kapa magpunta ng NZ?
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Sept 11, 2014 11:45:59 GMT 12
Hi malemond11. Sa totoo lang kahit aralin mo yung mga main programming languages na sa tingin mo ay kailangan, titingnan pa rin nila yung work experience mo talaga. I guess it's good to have a background or knowledge on other languages pero if you want them to really matter sa job hunting, mas maganda kung makakakuha ka ng real job experiences. Create projects that can be used by clients in those languages that you want to study. Sa company namin PHP pa rin ang main language kasi small-medium business kami. Kung ang target mo ay big companies, usually Java or .Net and the likes yung ginagamit. Check seek.co.nz to get a better understanding on the demand for programming.
|
|
|
Post by malemond11 on Sept 11, 2014 13:15:41 GMT 12
ok po aBiSh @admin..dapat pala sa inyo ako mag apply kasi PHP rin ginagamit ko hahaha...pero pag aaralan kuna rin ang .Net tapos gagawa ako ng program tapos ibibigay ko sayo then pakita mo sa mga kakilala mo tas irecommend muna rin ako para ma hire ako hahahahaha kapal muks ko tlaga as in lol....how about CMS (joomla,drupal,wordspress,etc..)
|
|
|
Post by Genean on Sept 12, 2014 12:57:12 GMT 12
I think I want to add this. Huwag over confident na makakahanap agad ng trabaho kasi if you do baka madismaya ka at bumaba tingin mo sa sarili... baka magkadepression at magka problema pa ang buong family. hehehehe=) Accept things as they come. After all we cannot choose the blessings and trials we receive, we only have to be ready for everything. Have more faith! =)
|
|
|
Post by Ano ni Moose on Sept 12, 2014 14:37:38 GMT 12
That's a very good point Genean, lalo na sa mga tipong mataas na ang posisyon sa trabaho nila sa Pilipinas, don't expect that NZ owes you because you spent X years working for certain multination company, kasi you might just end up being disappointed dahil kahit simpleng entry level hindi makapasok, pano pa kaya yung bossing level nila. I mean don't get me wrong, it doesn't mean magpakababa ka but you have to understand na ibang bansa, ibang culture, so set the right expectations and be prepared for all scenarios. I understand it's unfair for some companies to not give merit to experience pero wala ganon talaga, tayo yung dapat mag adjust sa country nila. Usually overtime naman they find na masipag talaga mga Pinoy and they do acknowledge and give where credit is due. If you find yourself an equally paying/fulfuilling job like before or even a better one, then good on you! But majority of the stories we hear requires some sort of adjustment. Ano ni Moose
|
|
|
Post by itanalyst on Oct 1, 2014 11:39:42 GMT 12
minsan lang ako magbasa ng mga emails from AKL yahoo group but this morning I just randomly opened an email with subject: Same experience you have in NZ. It's all about negativity about their experience in NZ. Well ang totoo hindi lahat ng pumupunta sa NZ ay "sinusuwerte" , QUOTE and ENDQUOTE kasi hindi naman dahil yan sa swerte kundi dahil sa ano expectations nyo pagpunta at mag-migrate sa bansang ito. Kung madaming naging maayos ang pagsettle dito, madami din ang umuwi or lumipat sa ibang bansa. I guess at first we all had the same experiences nung tumapak tayo sa airport ng NZ, nung nahirapan tayo maghanap ng work kahit ilang CVs na ang nasend natin at kadalasan unsuccessful/rejection emails... pero nagkakaiba iba yung experience ng bawat isa later on kasi we have different views, opinions at goals. sabi ng isa, racist daw ang bansang ito at para sa puti lang ang mga trabaho - maaaring matindi at naging mahirap ang nangyari sa kanya pero hindi naman lahat, marami pa din ang mababait at maaayos na kiwi. Expectation is the key, sabi nga sa mga nabanggit sa itaas ng forum na ito, lalo na sa sinabi ni sis Genean . kung sa paglipat mo ng ibang bansa ay natupad ang mga gusto mong mangyari, you deserve it at malamang it's your destiny.
|
|
|
Post by db on Oct 1, 2014 12:19:21 GMT 12
sis itanalyst, mainit init nga ang issue na iyan at ako man ay malapit ng magpost din dun at magbigay ng dalawang centimo ko. Nagmula na din sa bibig nya kasi na mataas ang expectations nila nung pumunta sila dito. Gusto ko na siyang hiritan ng "Gusto mo pantay pantay ang tingin ng mga tao. Ayaw mo ng Kiwi first policy pero ikaw mismo, hindi rin pantay ang tingin mo sa mga kapwa mo. Why would you say na degrading ang mga trabaho ng caregivers, cleaners, etc.? Professional ka so masyado mo ng minamaliit ang ibang trabaho? Pare-pareho lang tayong ipinanganak ng nakahubad. Konting tapak sa lupa, masyado ka ng mataas. Oh by the way, hindi talaga ang profession ang pinakabasis dito. kahit na gaano kaganda credentials mo and kahit ikaw na ang pinakahenyong tao, kung sablay ang attitude mo, hindi ka nila magugustuhan dito sa NZ. To sum it up, please google HUMILITY." (db nahighlood lol) DO your research DO be humble and have the right attitude, be positive DO reflect on yourself. DO ask questions (why?) DO network DO live frugally especially if your just starting (when you arrive here in NZ) DO set your goals, plans and back up plans DO show appreciation with the opportunities that come along your way DON'T expect too much DON'T be negative DON'T bring your pride (chicken!) DON'T be maluho (extravagant) DON'T get too much excited "Life isn't about having good career. Being successful doesn't depend on having a great profession. Being successful means you are contented with your life, you help other people to succeed, you spend valuable time with your loved ones and you enjoy each and every day that God has given to you. Be appreciative. Everything happens for a reason. If there are failures or hardships that go along the way, think of them as blessings in disguise. Smile. Be happy. May all your dreams come true!" - Yangkaru Yangkaru is the poetic, dramatic and frustrated writer side of db hehe
|
|
|
Post by itanalyst on Oct 1, 2014 12:29:28 GMT 12
hehe nakakainit lang ng ulo talaga sis db. mukha naman sya talagang edukadong tao pero bakit ang babaw magisip at ang kitid ng utak!
|
|
|
Post by jade on Oct 1, 2014 13:29:59 GMT 12
Yay! nakita mo rin pala yun sis itanalyst. Kahapon ko pa nga gusto patulan eh. Hay naku, basta kung ano ang pinagkaloob ni GOD para sa family meaning yung ang nakakabuti para sa inyo. Grabe no, sobrang hate niya ata ang NZ, sana na lang magunsubcribe na siya sa group, hehehe
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Oct 1, 2014 13:50:48 GMT 12
Yay! Thank you for all your input mga sis! For sure marami ng mapupulot ang members natin niyan. This is a must read thread for our new residents and migrants. Sana makita nila ito. I'll sticky for a couple of weeks then add a link to our SMC thread.
|
|
|
Post by cyphrick on Oct 1, 2014 14:41:37 GMT 12
That's the PinoyKiwi style of posting!
We are not inviting everyone to come to NZ and live, work or study. But if you will decide to take this path then We're here to remind everyone to equip yourselves with the right expectations and plan for everything.
Here's another DON'T - if you want to have a beautiful morning then don't read from other groups relating to NZ especially that yahoo group.
DO - Better read PinoyKiwi first before you visit other group. hahahaha
|
|
|
Post by move2nz on Oct 1, 2014 15:53:58 GMT 12
Sis db ramdam ko ang pagka high blood mo maski hindi ko nabasa yung email. At hindi ko din pala sya mababasa kasi hindi ako nakasubscribe don lol. It just makes me appreciate more the kind of support and encouragement that we get from this community itanalyst we miss yoooooo! Sorry OT
|
|
|
Post by db on Oct 1, 2014 17:28:37 GMT 12
Haha sis move2nz, madaming nahighblood dun sa post na iyon. Pero so far di pa ako nagrereply dun sa group. Madami naman na nagreply sa kanya hehehe.
|
|
|
Post by papakoks on Oct 2, 2014 10:56:42 GMT 12
Sis db damang-dama ko ang init ng ulo mo sa nagppost sa group na yun....and yes, mukhang malalim galit nya sa NZ...nakakainit lang talaga ng ulo...pero siguro huwag na din natin patulan at sayang lang oras natin kahit nakakatempt mag-reply...grrrr...
|
|
|
Post by ModM on Oct 2, 2014 12:35:52 GMT 12
Chill db ramdam kita. I think dagdag ko DO share your good and bad experiences before coming and arriving in NZ so others may learn from them. DO reflect on what went wrong and how you could have done better if you had another chance. DO your research. At this day and age where almost everything is online, you have less reason to be ignorant DO not blame NZ or its policies on prioritizing Kiwis. You would wish the same for the Philippines. Lastly, the saying below says a lot. Sent from my GT-I9505 using proboards Attachments:
|
|
|
Post by db on Oct 2, 2014 12:58:24 GMT 12
Sis ModM, chill na ako kahapon pa hehe. Gusto ko ding ilagay yang mga posts mo sis kaso iyong TS na si malemond11 ay nag ask kung ano ang mga Do's and Don'ts before going to NZ hehe. Gawa tayo ng bagong thread sa mga andito na and nakaalis na ng NZ? papakoks, nakakainis kasi iyong way ng pagpost nya, mostly mga assumptions lang like iyong 10% lang ang sinuswerte, iyong mga nandito sa NZ ay nagtitiyaga at nakikipagsapalaran na lang dahil wala ng ibang choice. Pero napansin ko na ganoon naman na siya kahit pa noong nagbebenta siya ng mga gamit nila bago sila umalis. Halos araw araw nangfloflood ng mga ads nya and kung tratuhin mga readers parang mga ignorante. Tapos ginamit na niya gusto pa nyang ibenta sa same price na nabili nya. Tapos nagkaila pa siya na siya nga iyong nagbebenta ng mga bagay bagay. How absurd! Pero huwag na natin siyang pag aksayahan ng panahon please. masyadong negative ang aura nya kaya pati tayo nahihigh-blood. Inhale exhale tayo, let it go. Let's all pray for him na sana mag-iba na ang pananaw nya and makapagmove on na siya. BTT: DON'T believe easily on hearsay. Mag research nga or kung hindi researchable, give benefit of the doubt. DON'T believe na lahat ng tao especially kapwa Pinoy ay handang tumulong. Madami ding mga manloloko. Totoo iyong mga nagtatake advantage lalo na kung baguhan lang kayo sa ibang bansa. Mayroong mga nagpapa rent ng mahal, so again back to DO your research well. DON'T let anyone bring you down. DON'T provide false expectations to other people. Ipaalam sa kanila na hindi mamumulot ng pera dito. Huwag mangako na magpapadala ng sustento, huwag muna kukuha ng size ng sapatos. DON'T put your hopes to Batman. hehe DO follow you passion or dream. Ano bang career path ang gusto mo? Again, ask yourself. Reflect. DO write down your priorities. Career ba ang priority mo? long term goal mo na ba ito na career ang nasa number 1 lists mo? Habang tumatanda tayo, nag iiba priorities natin. DO expect worst case scenario. Kapag hindi ako naging successful sa ganito, ano ang puwede kong gawin? Willing ba akong gawin ito? DO bring back up funds. Kung kaya, mas maganda kung madaming back up na pera. DO bring skills na puwedeng gamiting pang raket (e.g. kung marunong kang manggupit ng buhok, manicure/pedicure, mag masahe, manghula(lol), magpintura, magkumpuni, atbp) DO pray, pray, pray and PRAY!
|
|
|
Post by Genean on Oct 2, 2014 13:08:54 GMT 12
sis db gusto ko yung sinabi mong DON'T let anyone bring you down! =)
|
|
|
Post by ModM on Oct 2, 2014 13:53:22 GMT 12
I'm not sure if everyone would agree with me on this.
DO NOT sell everything you have nor get yourself into big debt just to come to NZ. DO think of the worst that could happen so you can prepare plans A to Z or better yet plans 1 to infinity.
|
|
|
Post by malemond11 on Oct 6, 2014 15:25:00 GMT 12
musta na uli, ngayon lang uli ako nakadalaw sa PK, buti na lang delayed flight namin ppuntang tuguegarao ,..highblood? pa check up pag may time hehe..calm down, hayaan nyo lang ang mga taong walang alam kundi isisi sa iba ang mga kamalian nila..
|
|
|
Post by hpsyen on Oct 27, 2014 6:25:06 GMT 12
Hello sa inyong lahat na nag comment RE sa msg sa group na yon…. may nabasa din kasi ako minsan na negative doon kaya parang affected ako pero nag relax lang ako at nakalimutan ko na. Pero nde muna ako nag check ng msg ulet doon.
Hi Sis db, gusto ko ang comment mo. Magaaral ako manghula bago kami lumipat ng NZ… part of my backup plans…. joke!
|
|
|
Post by beansent on Nov 17, 2014 12:30:24 GMT 12
Good morning everyone... Greetings from Singapore... I've been reading a lot of forums lately and I must admit, this is one of the most organized forum (Top 5) that I've joined. Just to share some thoughts about the topic, mukhang sa lahat ng lugar na pwede po natin puntahan eh may mga kalahi tayong Pilipino na may hindi maayos na character. There are some of our fellow countrymen na ganyan din ang mentality dito sa Singapore and everywhere else siguro. Nakaka-lungkot lang kasi nasisira ang imahe ng mga kababayan natin na nagpapakabuti sa kanya-kanyang lugar na pinuntahan para makipag-sapalaran. I wish to join you guys there in NZ soon.
|
|
|
Post by db on Nov 17, 2014 12:48:47 GMT 12
SOT: hpsyen - Nyahahaha. Sige, magiging customer mo ako dahil mahilig ako sa mga hula hula na yan. Basta bigyan mo ko ng friendly discount. hihi beansent - Thanks for sharing your thoughts. Good luck and God bless sa mga plans BTT: Emphasize ko lang iyong mag research and magverify. Lalo na iyong mga nakakabasa ng mga ads re: May work sa NZ or study in NZ. Marami ng manloloko ngayon. Mga too good to be true. Kapag masyadong naeexcite sa mga sinasabi nilaand malaki ang offer, pikit mata, inhale exhale tapos isip isip. I remind ang sarili ng "Kalma ka lang, huwag ma excite masyado. Check mo muna kung totoo."
|
|
|
Post by beansent on Nov 17, 2014 13:14:37 GMT 12
Hello po Mam db. Salamat po sa advice. I am actually hesitant to just dive in to offers circulating here in Singapore from our fellow filipino's saying na "they can land you to AU, CA and even NZ by letting them process the documents and applications" I've been doing a lot of reading and i have a housemate that just got their PR Visa approved last this month. Maybe because his sister helped him but I am happy for my friend's accomplishment to bring his family to NZ. Hopefully this January 2015 i can send my EOI to see if it gets selected.
|
|