|
Post by belle on Jul 6, 2012 15:17:21 GMT 12
ay sinabi mo pa. actually natetempt nga kami mag-agent nun kasi last year mahirap makapasok yung mga engineers kasi need pa na Washington Accord chuchu, so nag-usap kami ni hubby na sige mag agent na lang kami baka mas mapadali ung apply namin. downpayment pa lang 3000NZ dollars na hinihingi sa min para sa EOI processing yun ah. tapos sakto last Dec 5, 2011 may changes sila at mejo lumuwag for Engineers. so sabi namin sayang naman yung pang agent's fee. with God's grace kahit panu umusad naman yung application namin without the need for agent. saka madami palang helpful websites na gaya nito. tulong tulong na lang makakarating din tayo dun in God's perfect time
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jul 7, 2012 15:02:40 GMT 12
Korek sis belle. Marami pa rin talagang mababait tayong kababayan na handang tumulong. ;D Ako talaga hangga't meron akong pwedeng gawin na sarili ko lang at nakakatipid eh gagawin ko. Iba-iba talaga ang style. Yung iba mas kampante talaga sila na may agent wala rin namang problema. Ang gastos lang talaga.
|
|
|
Post by monallyza on Jul 21, 2012 14:57:37 GMT 12
Hi db, tanong lang po sa post mo..
Re=Certification of documents (for SMC) P1500+
In particular ano po ba ito? sa notaryo ba?
Tnx po
|
|
|
Post by belle on Jul 21, 2012 17:27:57 GMT 12
hi monallyza... sa notaryo po yun (sis db, correct me if i'm wrong )i heard nasa 100pesos per page yung sa notaryo sa Pinas siguro yung iba mas mura... ung sa min dito sa SG nasa $2 per page (pinakamura na ata yun) so more or less nasa $200 ung nagastos namin sa certified true copies:)
|
|
|
Post by belle on Jul 21, 2012 17:50:55 GMT 12
ang laki ng natipid mo dun, Jim. uu, 200 dollars nagatos namin sa notaryo. tagal ko pa hinanap ung murang notary public na yun ung iba kasi first page $10, succeeding pages per document type yun ah ay $2 each. mahal di ba? wala kaming sinubmit na original (except ung mga police at medical reports), napamahal kami sa passports kasi all pages un tapos dalawa pa kami. hay buti tapos na yung gastusin, nabutas yung bulsa namin. hehe..
|
|
|
Post by joonegi on Aug 2, 2012 21:12:22 GMT 12
@jim
Ano yung mga original na documents na sinubmit mo?
|
|
|
Post by joonegi on Aug 4, 2012 9:48:47 GMT 12
Maraming Salamat Jim!!! Nasa completing requirements stage ako ang hopefully masubmit ko
|
|
|
Post by db on Aug 4, 2012 16:37:01 GMT 12
Hi db, tanong lang po sa post mo.. Re=Certification of documents (for SMC) P1500+ In particular ano po ba ito? sa notaryo ba? Tnx po yup notaryo. mga certificate of employments, diploma, tor, etc etc tig 50php per page pero dahil madami tig 30php na lang.
|
|
|
Post by Deleted on Aug 15, 2012 5:35:53 GMT 12
sis db hehe kakaback read ko lang ng thread na to, napa basa ako dahil sa usapan natin sa pm. ang taas pala ng medical dyan sa atin, kasi yung katumbas ng adult fee mo, kaming 4 na dito(2 adults, 2kids-6 & 4).
|
|
|
Post by knightking08 on Aug 15, 2012 18:22:05 GMT 12
Hello pla sa mga taga rito....im newly here...mabuti at may ganito ring forum pra sa mga nagbabalak mag-migrate sa NZ. Tagal kong naghahanap ng ganto n halos laht pinoy unlike sa Aussie forum napakarami. Hi pla kay aBiSh GaiL, ikaw bah founder nito? salamat sa mga katulad mo hehehe @jim/db, salamat mukang e2 nga ung thread n dapat nireplayan ko. Dito k b naun sa pinas db? or nsa SG ka? Tanong ko lng bat pla hindi mo naisabay ung additional form dun sa courier first batch? tsaka anung document pla yun? Courier through DHL/Post office P1500+ - first batch DHL P130 – additional forms via post office na lang (tipid mode) P988 – second batch DHL
belle salamat pla seu ikaw ung nag refer sakin d2 na mula p sa kabilang thread....special mention bah? hehehhe
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Aug 15, 2012 18:35:27 GMT 12
Ayos yan knightking! ;D Mababait mga moderators natin dito talaga.
I don't consider myself a founder. Admin lang. Para sa atin po talaga ito. ;D
|
|
|
Post by db on Aug 16, 2012 4:17:37 GMT 12
Hello pla sa mga taga rito....im newly here...mabuti at may ganito ring forum pra sa mga nagbabalak mag-migrate sa NZ. Tagal kong naghahanap ng ganto n halos laht pinoy unlike sa Aussie forum napakarami. Hi pla kay aBiSh GaiL, ikaw bah founder nito? salamat sa mga katulad mo hehehe @jim/db, salamat mukang e2 nga ung thread n dapat nireplayan ko. Dito k b naun sa pinas db? or nsa SG ka? Tanong ko lng bat pla hindi mo naisabay ung additional form dun sa courier first batch? tsaka anung document pla yun? Courier through DHL/Post office P1500+ - first batch DHL P130 – additional forms via post office na lang (tipid mode) P988 – second batch DHL
belle salamat pla seu ikaw ung nag refer sakin d2 na mula p sa kabilang thread....special mention bah? hehehhe knightking08 - kase nung isend ko na ang ITA ko, wala pa iyong police certificate ko from Australia. nagwork kase ako dun. so inihabol ko na lang kase malapit nang abutan iyong deadline ng submission ko so pinauna namuna nilang padala iyong ITA. bale iyong police clearance iyon iyong pinadala ko via post office lang. sakto naisabay ko din dun iyong additional forms. basta halos kahawig lang nung sa ITA. mga tanong about passport held tsaka iyong mga have you ever been to a country blah blah. tas iyong pangalawang batch na pinadala ko via dhl, iyon iyong hininging additional requirements after ng first assessment, hiningi copies ng work pass ko from SG and work visa from AUS, mga additional proofs ng partnership, etc, nasa pinas na po ako. sis agnes, ang mura naman ng medical dyan,
|
|
|
Post by db on Aug 16, 2012 4:23:21 GMT 12
need ko na pala i update to:
additional expenses namin: 1000 - xray ko 2500 - medical ni baby 900+ - courier via dhl 100 - notaryo ng BC and passport ni baby 1200 - passport ni baby (rush) <300 - nso BC 2 copies 1500-2500 - pang gas, toll, tsaka kung ano anong gastos papunta manila for medical (baa mas mahal pa kase twice kami lumuwas. during medical and pagkuha ng results)
ano pa ba? iyon na muna
|
|
|
Post by knightking08 on Aug 16, 2012 13:00:22 GMT 12
db ah ok pde pla ung ganun, nagtanong n rin pla ako sa DHL halos same lng din 900+, kaso one way lng daw cla, pano kung may gusto kang ipabalik, cno gagastus nun?
|
|
|
Post by db on Aug 16, 2012 15:29:24 GMT 12
Knightking - depende po sa kausap nyo sa INZ officer na kausap nyo. Kase nung may kausap ako through email, inexplain ko na baka madelay mga documents ko and kung puwede i extend deadline or kung padala ko na muna tas isunod ko iyong aus police cert. So ang advice nya ipadala ko na muna tas padala din ako ng proof na naapply ko na iyong police cert at iprint ko din iyong conversation namin at isend together with te ITA para malaman nga nung mag aaccept ng application ko na pumayag siya ng ganun.
Minimum ng dhl ang 900plus pa shanghai. Pero iyong ITA lodgement mas mahal kase madaming documents un. Titimbangin nila. I suggest para makatipid, magprint ng back to back.
Pag mag lodge ka ng ITA at magpapadala ka ng original docs, usually hingan ka ng 25$USD ng inz para ibalik nila orig docs mo. Dun sa additional requirements ko naman, rinequest nila na magpadala ako ng self addressed envelop na paid para ibalik mga docs ko. Kaso di naman ata uso un sa pinas , unlike sa aus at sg, kaya sbi ko, no need to return the documents. Mostkly kase pinanotaryo ko na lang.
Kung gusto mo magtipid sa pagpapa notaryo at prefer mo ipadala mga orig docs mo pag hiningan ka ng additional requirements, puwede mo kausapin ang sa dhl. Babayaran mo ang dhl para dun sa return courier pero hindi naka address sa yo kundi dun sa dhl branch na pinuntahan mo. For pick up nun yun. Iaadvicr ka nila pag dumating na ang parcel mo. Kaso ganun din kase, tipid ka sa notaryo, gastos ka naman sa return courier.
|
|
|
Post by knightking08 on Aug 16, 2012 16:56:13 GMT 12
db Thanks sa info, ang iniisip ko lng kc what if ang instruction ay ipadadala mo n ung original passport mo, pano makakabalik seu yun? Base dun sa nkausap ko n tga DHL wka raw clang service n ganun n two way.
|
|
|
Post by Deleted on Aug 16, 2012 17:26:44 GMT 12
hi knightking, yung tinatatanong mo ba eh pag papadala mo na yung passport mo for visa stamping? may choice po silang binigay don na magbabayad ka pabalik sayo if thru dhl ang gusto mo. but if you prefer not to pay, they will send your passport back to you thru postmail(registered naman), medyo may katagalan din nga lang.
|
|
|
Post by knightking08 on Aug 16, 2012 17:40:38 GMT 12
@agnes ah ok may instruction nmn pla galing sa kanila...thanks thanks!
|
|
|
Post by db on Aug 16, 2012 17:53:20 GMT 12
Yup knightking meron yun instructions. Basta communicate with them. Then pag merong mga hindi clear sa iyo puwede mo sila tanungin. Iyong sa akin kasi nun, nakasulat sa ITA letter na original or certified copy of ALL pages ng passport. Tas nng ag rmail ako sa inz and nag ask kung puwedeng iyong page na may picture na lang at mga pages na may stmps na lang padala ko kase masyadong madami kung papanotatyo ko lahat kahit blanko naman ibang pages. Ayun pumayag iyong nakausap ko. Ayoko kase padala orig passport ko nun kase umaasa ako na baka biglang magtravel kami out of country ni hubby hehe. Hmmm now i wonder, sino sa inyo mga nagpadala ng orig passports nang magsubmit ng ITA? At sino mga nagpadala ng naka notaryo lang? - teka gawan ko ng bagong thread toh
|
|
|
Post by eischied21 on Sept 3, 2012 4:35:16 GMT 12
knightking08 - kase nung isend ko na ang ITA ko, wala pa iyong police certificate ko from Australia. nagwork kase ako dun. so inihabol ko na lang kase malapit nang abutan iyong deadline ng submission ko so pinauna namuna nilang padala iyong ITA. bale iyong police clearance iyon iyong pinadala ko via post office lang. sakto naisabay ko din dun iyong additional forms. basta halos kahawig lang nung sa ITA. mga tanong about passport held tsaka iyong mga have you ever been to a country blah blah. hi db, tanong ko lang about police clearance mo sa australia. Nun binasa ko yun EOI application, may nakita nga ako dun na counties you have lived within 10 years. Nagwork din kasi ako sa AU for 6 months lang kasi pinadala ako ng employer ko. Does it mean kelangan ko rin ba kumuha ng police clearance sa AU? If yes, pano po? TIA By the way, nagbabasa lang muna ako and hindi pa ako nagaaply for EOI. Gusto ko muna basahin lahat ng thread na informative bago magapply online. Ang laki rin pala ng magagastos sa application. Akala ko NZD440 lahat lahat na yun. Yun pala meron pang SMC Application - $1, 845. Eto ang mabigat. Keri pa ang NZD440. At what stage pala kelangan magbayad ng SMC Application - $1, 845?
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Sept 3, 2012 9:32:58 GMT 12
Hi eischied21! Welcome to PinoyKiwi! ;D Yung EOI 440. Kapag na-select papadalhan ka ng Invitiation To Apply for Residency, tinatawag naming ITA at meron kang four months to complete all the requirements. Kapag ready ka na mag-pasa at ila-lodge mo na ang application mo, doon ka magbabayad ng limpak-limpak na 1845 (at tataas na yata). Hindi pa yon. Kapag na-approve na ang residency magbabayad pa ng migrant levy 310 per person, as far as I can remember. Malaki rin yun. Wala pa doon ang gastos sa living expenses. Yun ang pinakamalaki. ;D Pero ang pinakamaganda doon, kapag nakahanap ka ng stable work, manageable na lahat.
|
|
|
Post by eischied21 on Sept 3, 2012 18:36:20 GMT 12
Hi aBish GaiL. I want to personally say thank you for making this forum lively and for being the moderator as well. Nun naghahanap ako ng forum sites about Pinoys In New Zealand wala ako masyadong makita. Buti na lang andyan ka. Thanks ulit! Wait rin ako ng reply ni db about sa police clearance for AU.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Sept 3, 2012 20:18:44 GMT 12
You're welcome eischied! Pero siyempre dahil din sa lahat ng lahat nagiging lively ang forum. ;D About your question, I'll answer it. Baka kasi busy pa si sis db. Yes, kailangan mo ng police clearance for Australia. Lahat ng countries that you lived in for the past 10 years. Please read the full text here and here.
|
|
|
Post by belle on Sept 3, 2012 22:54:12 GMT 12
Korek po, jim , at least 12 months, khit cummulative basta nkabuo ng 12months sa isang country ay need po ng police clearance...
|
|
|
Post by eischied21 on Sept 4, 2012 2:05:51 GMT 12
oo nga nabasa ko sa link na binigay ni abish gail na at least 12 months stay sa isang country. thanks sa inyo.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Sept 4, 2012 10:34:07 GMT 12
Togoinks. Sorry eischied. Hindi ko nabasang mabuti yung 6 months. Kasi naman nakisabat pa ako eh. Hahahha.. ;D
Good for you! No need for police clearance. ;D
|
|
|
Post by db on Sept 4, 2012 15:03:47 GMT 12
eischied21 pasensha na now lang nakapag online. busy kase sa mga babies and magpapart time wok na kase ako hehe. sayang kase at bagot na bagot na ako maging yaya este full time mommy.
|
|
|
Post by db on Sept 4, 2012 15:06:31 GMT 12
tama sila jim and belle. no need for police clearance. pero for other's sake kung kelangan nila ng Aus police clearance, nag download lang ko ng form, finill upan together with finger prints (na nakuha ko sa SG that time. kase nasa SG pa ako nun and sakto nag aaply ng COC sa SG, kumuha na rin ako ng finger prints) tas ni-snail mail ko papunta sa AFP (Australian Federal Police). nasa INZ website naman mga links how to get police clearance sa mga different countries.
|
|
|
Post by eischied21 on Sept 6, 2012 21:17:55 GMT 12
thanks to all...jim, belle, db, and abish gail
|
|
|
Post by nielnjacq on Sept 11, 2012 19:17:48 GMT 12
Here is our list of expenses naman, for those in sg who want to have idea. Almost the same din sya ng kay sis db, syempre dun lang sa bank rates medyo nagkakaiba. Since inuna namin ang mga docs before mag EOI: Police CertsSG COC = $100 (mine and hubby) Phil NBI = c/o processed by my bro, i forgot the cost (mine and hubby) Birth CertsMine and hubby = around P600 (yata, c/o Kuya also) 3 copies for each of us PicturesMine, hubby and daughter = 6 copies for $10 each (we got 12 copies for each of us) taken at Cez Studio (Lucky Plaza) EOI submissionNZ$440 - ( payment by credit card) Medical Exam (repeat lang ng other post ko)SATA AMK - weekend rate: Hubby (Main Applicant) - $201.16 Mine - $201.16 Daughter (4yrs old) - $77.04 Family Clinic at Towner (Highly recommended!) Near Boon Keng MRT Hubby (Main Applicant) - $198.00 Mine - $198.00 Daughter (4yrs old) - $33.00 Certification of documents (for SMC)Thanks to a recommendation by a friend = $50 + a KFC meal Additional certification for the succeeding documents = $28 (Adelphi notary public office) SMC Application (ITA lodgement) - DBS Telegraphic Transfer aka bank draftApplication Fee = US $1, 845 Bank Handling Commission = SGD $10 Telex Charges = SGD 20 Return Courier Fee = US$25 Courier through DHL/UPSUPS - sent the NBI Application Form to my bro in Manila - $26.70 *mabusising kumuha ng NBI from embassy dito* DHL - ITA Pack submission - almost 2kg - $152.25 DHL - Additional Evidence for Proof of Partnership - 600grams - $68.48 DHL - CTC of SSS and CPF - less than 500 grams - $44.10 NZQA PAR - $138 IQA - next week!!! Add ko na rin ba ang migrant levy??hehe!! positive dapat di ba?! Salamat po. @ jhen2nz - Hi, tanong ko lang po 1. Ano yung COC 2. pictures as lp - para saan po yun? 3. Nagpa medical na ba kayo before nyo na-narecieve yung ITA? Thanks, Jacque
|
|