|
Post by CheeseCurlz on Dec 9, 2014 16:09:51 GMT 12
May special requirement or evidence po ba na kailangan i-submit sa NBI pag kapag for "IMMIGRATION PURPOSES"? Like yung ITA letter? Kase sa ITA sa principal applicant lang naka-address yung letter, baka maging issue sa partner pag sya naman ang kumuha ng NBI Clearance.
|
|
|
Post by ModM on Dec 9, 2014 21:11:02 GMT 12
CheeseCurlz wala naman requirement na special. You need to specify the country Immigration -New Zealand yata. They will ask for it anyway parang hindi na sila payag ng generic na immigration purposes or international travel nung nag-apply ako ng 2013. Dati kasi pwede medyo generic. Kahit wala kang hits, they will not release same day kapag for visa or immigration purposes ang clearance. Usually pababalikin ka after one week. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by md on Dec 10, 2014 5:46:46 GMT 12
Nung kumuha kami earlier this year sa NBI main branch, nakuha naman ng partner ko yung clearance niya on the same day. Sinabi na rin namin na for NZ Immigration gagamitin. HTH!
|
|
|
Post by CheeseCurlz on Dec 10, 2014 12:10:15 GMT 12
Thank you po
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Dec 11, 2014 10:15:03 GMT 12
Ang natutunan ko talaga for faster NBI clearances is to make sure sobrang unique yung names ng mga magiging anak natin para walang kapareho at walang hit. Tapos tuwing nag-NBI kami, natutunan ko rin na napaka-importante na may kamag-anak tayong nagta-trabaho doon sa loob para mas mabilis. Haha..
|
|
|
Post by delacrum on Jan 23, 2015 17:19:45 GMT 12
if may representative ako nag mag submit ng NBI clearance ko sa Taft, ano po best way na ipadala nila ung clearance ko sa Auckland?
|
|
|
Post by ModM on Jan 26, 2015 15:58:10 GMT 12
delacrum pinadala yung sa amin via LBC. Parang meron sila express so halos next day or within 48 hours natanggap namin. Sa side dito DHL na ang naghatid. Mabilis siya considering na probinsiya pa nanggaling yun. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by jrlego on Mar 8, 2015 22:55:23 GMT 12
Hi Guys,
Nag-pa NBI Clearance kami ng aking spouse through our representative while we are here in Malaysia. After the processing, 2 different purposes ang lumabas sa aming clearance, yung sa akin "Immigration Requirement" purpose, then yung sa spouse ko: "VISA New Zealand" purpose.
Sa inyo ba, anong "purpose" na nagka-roon kayo sa NBI Clearance nang itinuloy ninyo ang ITA lodging?
I'm thinking to push through sa ITA lodging kahit na magka-iba ang "purposes" sa NBI Clearance namin ng spouse ko.
|
|
|
Post by iceman08 on Mar 9, 2015 1:11:58 GMT 12
Sa amin nung kumuha kami ang nakalagay is Immigration new zealand. jrlegoI think d naman siguro magkaproblema yun since and purpose naman is for police clearance
|
|
|
Post by jrlego on Mar 11, 2015 20:30:25 GMT 12
Salamat Iceman. You're correct, ganun nga din ang iniisip ko. Ang main purpose is to get you cleared from the police.
|
|
|
Post by ohyeah on Jul 12, 2015 1:23:25 GMT 12
Hi po sa admin at sa lahat po ng members!!! Mang aabala Lang po at mag iinquire. Aq po c Oye, kakagraduate ko LNG po sa isang school dito sa auckland at ng apply na po ng working visa. Ang kaso po, binalik ng immigration ang nga documents ko kasi raw po kulang ng NBI clearance. Kc raw po expired na yung una kong pinasa nung nag apply po ako ng student visa sa pinas. Pero my letter po Kasama nun bumalik ang sabi if Hindi raw po ako makapagprovide ng NBI cert. pwede raw po na evidence that I applied for a new one at statutory declaration Mula sa justice of peace na Wala po akong nagawang Krimen. Nakakuha po ako ng request for NBI at declaration at pinasa ko ulit sa immigration. Maaari po Kaya na mabigyan ako ng work visa dahil po na provide ko po ang conditional documents o kelangan ko po muna mag provide ng NBI clearance bago po cla mag release ng result? Maraming Salamat po!!!!
|
|
|
Post by ModM on Jul 12, 2015 6:44:43 GMT 12
ohyeah I think that they will make a decision using your alternative documents. Since sila naman nagsuggest nun. Otherwise the letter would have simply said your application will not be processed until they receive the NBI clearance. If I were you I'll secure the NBI clearance pa rin while waiting for the results.
|
|
|
Post by ohyeah on Jul 13, 2015 11:35:28 GMT 12
Maraming Maraming Salamat po ModM sa payo. Inaasikaso ko na po cya. Sana po mag release po cla Kahit Hindi ko pa naisasubmit. Thanks po ulit ng marame : )
|
|
|
Post by edenc on Sept 8, 2015 2:15:27 GMT 12
Hi po! Question po regarding sa NBI Clearance, Kailagan po ba sa Main office pa kumuha? My husband got ours sa Mandaluyong NBI office purpose is Travel Abroad. Please advice po kung ok na ba ito, kasi po pupunta kami bukas ng NBI Main office , nagdadalawang isip po kami kung ok na ba ang nakuha namin from NBI Mandaluyong.
|
|
|
Post by gracia on Sept 8, 2015 2:24:45 GMT 12
Hi edenc samin ay nakuha namin sa recto branch.. Ok lng yan kahit saang branch.. For travel abroad din ang sa amin.
|
|
|
Post by winriver on Sept 13, 2015 15:08:45 GMT 12
New tip for getting NBI Clearance in PH. Do Step 1 under Ganito Ngayon. 1. Go to clearance.nbi.gov.ph/2. Fill out the form. 3. Make the necessary payment. 4. Go to NBI just for fingerprinting and photo capture. 5. If no hits, pede na makuha on the same day.
|
|
|
Post by Deleted on Sept 14, 2015 3:54:57 GMT 12
May question po ako in behalf of my wife:
Yng lumang-luma nyang NBI clearance is under her maiden name. If we want to get an NBI clearance now as part of the requirement, will the application be "New" or "Renew" but under her married name?
Thanks in advance!
|
|
|
Post by winriver on Sept 15, 2015 0:56:05 GMT 12
Lahat yata ngayon ay NEW application na.
|
|
|
Post by saudi on Sept 15, 2015 18:54:02 GMT 12
hello po..just for clarificstion sa mga kumuha ng nbi from overseas especially dito sa middle east. Sa manila lang ba pwedi mag process or pwedi sa mga regional offices?Thanks
|
|
|
Post by Deleted on Oct 7, 2015 2:33:02 GMT 12
May naka-experience na po ba sa inyo na kumuha ng NBI clearance for immigration sa Duty Free Fiesta Mall sa ParaƱaque for Immigration purpose? Kumusta po ang experience? Mahaba/maikli ang pila? Mabilis/matagal ang proseso? Kelangan pumunta ng sobrang maaga? Etc.
Thanks in advance.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Oct 8, 2015 14:30:12 GMT 12
Baka matagalan bago makahanap ng saktong experience mo @terence.
Para sa akin lahat ng proseso sa gobyerno sa Pinas ay matagal at kailangang agahan. Hehe..
|
|
|
Post by ModM on Oct 9, 2015 0:19:39 GMT 12
@terence magonline ka para di ka na pumila. Kapag nakaonline kasi you already input all your details tapos iba ang pila mo sa mga walk in. Diretso biometrics ka na. Since ang purpose is Immigration kahit wala kang hit, babalikan pa rin after one week. Policy daw nila yun. Ewan ko kung nabago na. Here is the link for online renewal - www.nbiclearance.com/how-to-apply-nbi-clearance-online/I usually apply sa Galleria Mall na NBI renewal center and ang haba na agad ng pila kahit 6am pa lang eh 9am ang bukas ng mall. Pwede ka hindi mabigyan ng service kasi may quota. Sa Galleria noon usually up to 500 applicants per day lang. The other trick we do if hindi mag online is we park sa mall and diretso sa NBI pagpatak ng 9am or is it 10am ba opening. Hingi agad ng number - pacute lang sa andun. Number 300 or so ibibigay sa iyo so babalikan mo na lang yun mga after lunch or mga 230pm yung number na yun. Pero mas okay pa rin ang online talaga. Kasi mas maikli pila and you can complete the process in 30mins or less. My record time noon was 15 minutes out na ako. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by Deleted on Oct 9, 2015 0:25:45 GMT 12
Thanks aBiSh @admin and ModM for the replies. Nakapag fillup na kami ng online form. Di lang ako makapili kung saan branch kukuha na malapit samin. Sabi nga ni aBiSh @admin, matagal ang proseso at pipila din naman kami kahit saang branch pumunta dahil norm na yun sa Pinas. Haha. Sige salamat uli.
|
|
|
Post by ModM on Oct 9, 2015 1:32:19 GMT 12
@terence mas maikli ang pila kung may online form and paid ka na plus may appointment. Kahit sa DFA mas mabilis ang may appointment kaysa walk-in pila.
Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by iyaiyayoh07 on Oct 16, 2015 4:01:09 GMT 12
Hello! I am new here. I am from riyadh with ongoing application to NZ. Im preparing to get NBI clearance. Ask ko lng po, kase nabasa ko website ng phil embassy riyadh na kung renewal ng. NBI no need for appearance in consulate, ipapadala lng sa pinas ang copy ng old NBI clearance, 2x2 picture, copy of passport front and back and copy of page with stamp of my departure plus authorization letter. So balak ko na ipdala sa pinas sa sister ko na mgpprocess nun, pero ihhonor po ba sa nbi taft un as renewal? Kase baka mamaya need pa rin tlg ung NBI form no 5 with fingerprint from phil embassy riyadh. Please anyone who can clarify this for me. Thank u so much.
|
|
|
Post by ModM on Oct 16, 2015 9:01:47 GMT 12
iyaiyayoh07 AFAIK need mo pa rin talaga ng NBI Form 5 with fingerprint from Phil Embassy. Nagrenew din kami from NZ naman pero need pa rin Form 5. Ipinadala namin ito together with photo ID (passport copy na naka CTC ng JP), copy of old NBI clearance and authorization letter sa magpipick-up/process. Check this thread - Obtaining NBI Clearance Abroad
|
|
|
Post by iyaiyayoh07 on Oct 17, 2015 3:18:39 GMT 12
thank you ModM...better to secure nga nun rather than isend ko sa pina with old nbi lng. anyway thanks! god bless.
|
|
|
Post by akosimichelle on Mar 13, 2017 14:31:03 GMT 12
May question po ako sa nbi. May kaibigan ako na may problema sa nbi niya. May kaso siya na nasangkutan nung bata pa lang siya kaya hinde siya mabigyan ng nbi clearance. Kahit sa pinas pa lang siya nagtratrabaho, hinde siya nakapagbigay sa HR ng company niya. Nakapunta po siya sa New Zealand under partnership based work visa pero nag under the table po siya sa mga taga NBI kaya nabigyan po siya ng nbi clearance. Ngayon ay nasa proceso sila ng residency. Kailangan po ba siya kumuha ng bagong nbi clearance? If yes, sa bagong nbi clearance niya, makikita po ba dun ang dati niyang kaso?
|
|
|
Post by ModM on Mar 20, 2017 6:55:21 GMT 12
akosimichelle required mag NBI clearance for residency application not happy to hear under the table transactions to hide truth. Alam ko medyo common fixer sa Pinas for speeding up process pero to hide criminal records is different Sent from my SM-G930F using proboards
|
|
|
Post by kiwiwiki on Oct 24, 2017 14:22:01 GMT 12
hello! Me and my husband just got our NBI clearances renewed but when I received them mali ung address na nalagay dun. The friend who helped us get our NBI clearance somehow got the address wrong. He used the adddress which was on the envelope where our docs were mailed to him. I don't know why NZ Post put the wrong address in the first place. Our address is Mt Wellington pero nakalagay sa envelope is Pukekiwiriki Place East Tamaki. I'm not sure if address to ng NZ Post itself. Anyways, long story short ung Pukekiwiriki ngayon ang nakalagay sa NBI namin. huhuhu Has anyone tried updating their NBI (change address) from overseas? If yes hope you can help. Do you need to pay the same fee as renewing? Or pwede bang magamit ung clearance kahit wrong address? Pero feeling ko hindi ata kase dapat consistent sya sa current address mo. Any help is appreciated!
|
|