|
Post by DocMacabebe on Jan 30, 2015 16:21:40 GMT 12
Finally okay na po PDOS namin.
Share ko lang my wife is the principal. Direct Hire kami or "Name Hire". Si misis WTR: Talent, ako WTR: Open, anak namin syempre student.
Si misis lang need mag PDOS sa POEA not CFO. Kami ng anak ko since may letter naman from NZ Embassy no need na CFO PDOS.
We'll see you guys soon.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Feb 2, 2015 13:21:15 GMT 12
Thanks for updating us DocMacabebe. God bless sa inyo! This is it.
|
|
|
Post by DocMacabebe on Feb 2, 2015 17:55:15 GMT 12
Yes this is it! Sis aBiSh @admin may new update po ang employer sa amin. They need my wifes expertise sa Auckland Office so i guess sa Auckland kami & will cancel our reservations sa Welly. We'll see you Auckland!
|
|
|
Post by anakngduke on Mar 20, 2015 3:59:22 GMT 12
Share ko lang po what am i going through sa Pag PDOS sa POEA.
Basically may agency po ako sa Pinas, but pinagpoprocess nila ako sa direct hire instead na sila magprocess, the reason why hindi ko po maintindihan, anyway ito po yung step na napagdaanan ko na ( im not yet done)
Sa POEA Main (Ortigas) 2nd floor name/direct hire unit
PHASE 1 1. Go to 2/F name hire, pagpasok kuha ng number sa guard (front desk), sabihin direct hire, bigyan ka ng number para sa pila ng assessment.
2. Sa assessment window ipakita xerox at orig copy ng passport,visa, contract. Tinignan lang docs ko ng makitang NZ ako, binigyan ako ng questionnaire, sagutan ko daw in paragraph form, more on identity mo and the employer, tinanong din how did i found the job etc.
3. After ko macomplete, next instruction is for interview daw ni Mam Edna Hipolito (OIC direct hire unit) that day di ako umabot kasi madami pa daw di tapos nung pila the other day, so nireserve ako kibabukasan.(kay manong guard ulit pipila isusulat name sa paper yun ang pila sa interview)
4. The day of interview, so pinakita ko kay mam Edna yung documents ko, her questions are from my written answers na pinasulat sa akin. Sa una ok naman conversation kala ko lusot na pero kulang pala bala ko, kelangan ko daw ng mga sumusunod: ●Company profile (my employer) ●COE indicate ko daw yung total years sa right margin ●Diploma ●Training records, lagay din daw total time sa right side ●E-mail exchanges
In short bigo ako makausad, after 3 days na ako nakabalik (inabutan ng weekend)
5.So i get back as soon as i completed the requirements.So diretcho kay madam, nakangiti nagdadasal na sana makalusot na,(in my 2 days kasi sa POEA madami akong nakilala na paNZ, most of us pabalik balik kay mam edna, and daming hinahanap na mga documents, most of them from province pa kaya yung isa inabot na ng 3 weeks, naatat na nga daw employer niya) well balik sa kwento, so pinakita ko mga documents na hinanap niya and then kwento ko paulit ulit, na galing na ako NZ kasi pinapunta ako for training so she felt convinced na legitimate talaga at big time employer ko kasi sinagot nila lahat ng expenses ko on my trip, kaya inOK na rin papers ko.
She then endorsed me sa secretary niya, sabi ng secretary wait ko lang daw name ko sa labas tatawagin daw ako, inabot na ako lunch di pa din ako natawag so i decided to have a break. So again i waited till 3pm wala pa rin kaya pinuntahan ko na yung secretary,yung papers ko pala ibinalik niya ulit kay mam edna, kasi chinek pala ulit lahat ng papers ng paNZ. Luckily inuna daw ni mam edna yung sakin kaya pwede na daw akong painterview kay Dir. Doquez.
Atty ROsemarie Doquez Director II -Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) under Licensing & Regulations Office (LRO) 4th Floor POEA Bldg.
6. So upon approval of miss Edna i proceeded to AIRB for another interview but again, pila na naman daw, tatawag na lang daw after 3 days. Ayun uwi pa ring bigo, but still happy na rin at least i move one step ahead.
So after 3 days (March 19) tumawag ako ayun try daw akong isingit sa March 23, kasi 24 onwards leave daw si madam kasi magtratravel daw siya pa Cambodia, the reason i dont know, ang daming kailangan iinterview nakuha pang magtravel, omg! pano na lang kaming nadedelay sa pagalis dahil sa sistemang pinapatupad nila. And take note what if di maaprove yung documents sa kanya e di sayang yung pagaantay.
In summary hanggang ngayon Phase I pa din ako. After passing kay dir doquez chaka pa lang maeendorsed na mag PDOS. Im still optimistic kaya tommorow balik ako POEA baka maisingit nila ako sa interview,kasi daming oras na ang nasasayang dahil sa makupad na sistema na pinapatupad nila.
|
|
|
Post by DocMacabebe on Mar 20, 2015 7:40:51 GMT 12
anakngduke if u will follow my previous post makikita mo ang similarities ng pinagdaanan ko. Last wave po yan then after that finally you & your employer can get you a plane ticket. Sakin Qantas kinuha namin. just remember patience is a virtue n prayers can move mountains. Good luck.
|
|
|
Post by thatar on Mar 23, 2015 22:42:16 GMT 12
nakakalungot naman ung process dyan sa POEA tsk tsk tsk
|
|
|
Post by anakngduke on Mar 24, 2015 5:03:53 GMT 12
Sobrang di ko na talaga matake ang procedure ng POEA for PDOS, lalong lalo na pag NZ bound ka.. After nilang iset na March 23 sked ng interview ko kay dir. Doquez, bigla naman nilang inendorse kay atty Celso ang assessment ng mga NZ bound. Ang masaklap pa nito, early in the morning palang hanggang lunch tinanong ko ng paulit ulit yung secretary ni dir. doquez,kung maiinterview ako, at ang sabi wait lang daw kasi nasa meeting pa si madam at may nirurush pa nga daw dahil aalis pa cambodia. Pinagantay pa nila ako ng boung maghapon para lang ipaalam na naiendorsed na pala sa iba yung pagiinterview. Grabe wala silang pakialam sa oras ng iba. I understand na busy talaga sila pero ang laking time sana naspare ko kung sinabi agad.
Absent si atty celso kaya yung tao nila sa legal office ang kumausap sakin. Thursday at friday lang daw nila maasikaso yung mga papers ng NZ bound. Then sarcastically she asked me, san ba daw online nakikita yung mga trabaho sa NZ ng makapagaply daw siya, then i answered siguro mam may internet naman kayo bat di niyo po kaya itry magsearch. Ang bottom line di daw sila pabor sa direct hire kesyo wala na daw magagawa pag nagkaproblema, kasi nangyari na daw sa iba. I simply answered, bakit po nageexist yung name/direct hire unit niyo sa 2nd floor kung di kayo pabor, and ive been there to NZ i said, i met some Pinoys there and they look absolutely fine, and most importantly i already met my employer, who just shouldered all my expenses for the job interview, and process my working visa, how come na lolokohin ako ng mga taong ito. Grabe talaga policy na yan,applicable daw yung additional interview sa lahat ng country pero how come NZ bound lang ang pumipila sa kanila.
#stressful #PDOSsaPOEA
Question ko lang po, pag work to residence visa nakaindicate po ba sa visa natin? Permanent position po kasi ang offer sa akin ng employer ko. Kasi itry ko po sana sa CFO just in case tumagal pa po sa POEA. Many thanks po.
|
|
|
Post by ModM on Mar 24, 2015 7:12:05 GMT 12
anakngduke work visa from accredited employer ang hubby ko pero kahit sa ganun ang nakalagay sa visa ay work visa tapos very specific na position and company tapos may duration na 2.5 years so talagang pinapasa nila sa POEA. Sa CFO nag PDOS ang hubby ko. I think binruskohan niya lang doon. Tinanggihan siya kasi una punta niya sa CFO tapos ipinasa siya sa POEA. Ang di ko sure is if pumunta ba siya POEA or bumalik siya ng CFO with a vengeance na lang na peg. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by DocMacabebe on Mar 24, 2015 10:22:06 GMT 12
anakngduke sinabi mo pa grabe dyan parang ayaw ka paalisin sa pinas kasi si mismong director ng poea ang nag set ng policy dyan na sinasabi nya lhat ng direct hire daw ay illegal kya ganyan sila pero tama ka bkit may "direct hire" pa na section d ba? Share ko sayo hindi ka nagiisa ang dami bound to nz pinahirapan makaalis including us tsinaga lng namin maglamay dyan sa poea. ok sana kung hinuhuli yung mga illegal pero pati legal pinahihirapan dahil dko lam system nila magulo eh pano mo mahuhuli yung totoong illegal kung ganyan kagulo yun system mo
|
|
|
Post by anakngduke on Mar 31, 2015 17:09:22 GMT 12
Sa tingin ko po sa amin na nangyari ang pinakamahirap na proseso ng pag PPDOS sa POEA. After ng interview ko sa lawyer i think it went well, pero pag balik ng papers ko sa name hire dumaan kay OIC, then sa Director II, after all of a sudden need daw na maverify pa sa higher level yung documents namin. So naforward yung documents namin kay Nini A. Lanto Director IV - Pre-Employment Services Office. Sa level niya di pa rin satisfied so dinala pa ulit kay Liberty T. Casco Deputy Administrator, Employment and Welfare.This day tumawag ako sa secretary ni DA Casco, binalik daw yung papeles namin kay Nini A. Lanto Director IV para gawan daw report, then ifoforward na kay Admin Hans Cacdac. May nabanggit yung secretary ni DA Casco na possible ipaverify yung contract namin sa Philippine embassy sa NZ. Nakakapagtaka din dahil pag nagtatanong ako walang sinasabi basta daw may problema, kako simple lang naman sabihin kung anong documents ang kailangan iprovide para masitisfy sila.
Grabe close ko na lahat ng opisyal ng POEA hindi pa rin nakakapagPDOS. Inabutan na nga ng mahal na araw. Matindi na po ang mga pinagdadaanan ng mga NZ bound workers jan sa POEA, inconsistent po yung mga procedure. May papainterviehin sa Legal nila yung iba naman pinapakuha ng RED RIBBON, yung isang nakilala ko kailangan daw pumunta ng employer sa POLO Australia para iverify ang kontrata. Hindi na po malaman kung anu ba talaga ang tamang procedure para makapagPDOS. Grabe pong inconsistency, ang mangyayari po nito mawawalan ng trabaho ang maraming Pilipino. Dasal na nga lang po namin lahat na sana hindi mainip ang mga employer namin.
May isa ding fellow applicant pala from CDO pa, 2 weeks ng nagpoproseso nawala daw nila papel niya so pinaguulit siya ng mga documents, anung klaseng serbisyo yun diba. We are all helpless sa kamay ng mga taong ito, hopefully they are doing their job righteously.
|
|
|
Post by rhapza21 on Mar 31, 2015 17:36:22 GMT 12
Matinde dito ah.. Eto bang mga isyu na nararanasan nyo mga kabayan eto yung may mga work na pagdating ng NZ.? Kakaapproved lang ng visa namin and plano namin kumuha nito bago kame umalis ng pinas. Wala bang magiging problema kung Resident Visa ang kukuha ng PDOS.? Same procedure lang din bah.? Pansin ko kase sa taas mga panay working visa or direct hire sila..tama bah.? Salamat!
|
|
|
Post by DocMacabebe on Mar 31, 2015 19:38:45 GMT 12
I can emphatise with you anakngduke pero magpakatatag ka Bro. Sobra dasal namin nung si Dir. Duque na nag interview samin tapos finally kinausap din kami ng officer sa 2nd floor at sarap ng pakiramdam nung pinayagan na si wifey mag PDOS. During that time parang nanghihina na kami pero sabi ko kay wifey ngayon pa ba tayo manghihina lalo na at nakapag resign na si wifey sa work at ako so a months time na kaming self supporting. Nabenta na sa murang halaga yun bagong car at ride ko atbp. You have to be strong lalo na at asa huling phase na ng laban. Mapasa mo yan all will be well. Pray and remember patience is a virtue. You fail the moment you give up. I will pray for you Bro but you have to be strong and persevere prove them wrong.
|
|
|
Post by DocMacabebe on Mar 31, 2015 19:43:05 GMT 12
Ganito po rhapza21 pinahirap sa pinas ang "name hire" or direct hiring from NZ. Mas madali yung sa ibang pathway compared sa direct hire. If you will back read our post experiences you will see na na classify ni POEA Admin Cacdac as illegal ang direct hire. Dapat dumaan daw sa recognised POEA Recruitment Agency.
|
|
|
Post by anakngduke on Apr 1, 2015 5:44:01 GMT 12
DocMacabebeSalamat po sa advise and support. hopefully something positive will happen soon..
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Apr 1, 2015 8:29:48 GMT 12
Thank you for sharing your experiences anakngduke and DocMacabebe. Maganda i-note natin yung experience ninyo para sa iba na interested din mag-job hunt while nasa Pinas. Sobrang hirap pala ng proseso.
|
|
|
Post by ModM on Apr 1, 2015 9:06:23 GMT 12
Should we do something about this? Maybe share the experience with our Consulate or Embassy?
Pati yung ibang officemate ng asawa ko na nahire rin from Pinas pinahirapan sa POEA. Accredited employer sila ng INZ but I do not think accredited agency sila ng POEA.
|
|
|
Post by DocMacabebe on Apr 1, 2015 11:34:26 GMT 12
Should we do something about this? Maybe share the experience with our Consulate or Embassy? Pati yung ibang officemate ng asawa ko na nahire rin from Pinas pinahirapan sa POEA. Accredited employer sila ng INZ but I do not think accredited agency sila ng POEA. Exactly. Kasi nga po Sis ModM hindi pabor ang nz employers sa pagbibigay ng fees sa in-between agencies additional big gastos sa kanila dito sa Pinas kaya direct hire sila. They can manage without it and no redundancies. The hired employee would just have to follow yun sa representatives nila dito sa Pinas. But itong si Admin POEA wants is that the approved POEA Recruitment Agencies have a piece of the pie. Without them need mo dumaan sa mga Directors and follow yung "no definite path" na policy ng POEA Administrator.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Apr 1, 2015 14:24:54 GMT 12
Oo sis ModM. I think maganda kung makapag-investigate tayo ng mabuti or makapag-bigay ng feedback sa kinauukulan. Kung sakali mang gustong i-discourage ng Pinas ang direct hiring, dapat malaman din ng accredited employers dito sa New Zealand yan. Nakakapangit kasi ng impression sa bansa natin yung ganyan kung hindi malinaw ang proseso.
|
|
|
Post by bmmmos on Apr 1, 2015 21:00:25 GMT 12
Not sure kung dito ko dapat ipost tanong ko, pero nagpa-medical ba kayo ulit as required by POEA or pumayaw na sila iwaive dahil nagpa-medical na as part ng requirements ng INZ?
|
|
|
Post by DocMacabebe on Apr 1, 2015 21:33:59 GMT 12
bmmmos dati po may mga recognised or accredited na medical for nz pero ngayon i think emedical na which is St. Luke's.
|
|
|
Post by bmmmos on Apr 1, 2015 21:41:45 GMT 12
Hi DocMacabebe...rephrase ko lang po question ko ...nagundergo na po ako ng e-medical sa St. Luke's...since may requirement si POEA (when registering as direct hire) na kailangan ng medical certificate from a DOH-accredited medical clinic, need pa ba mag-pamedical ulit? Or kikilalanin na nila yung results ng emedical with St. Luke's? TIA
|
|
|
Post by DocMacabebe on Apr 2, 2015 5:35:00 GMT 12
Sensya na bmmmos i don't know about e-medical pero if it is somehow like yung accredited medical before like doon sa amin we did sa Abakus the answer is "NO...NO NEED" na po i-repeat or ulitin sa POEA basta may time frame yung validity para magamit mo yung medical mo am sure hindi ka lalagpas na gamitin ito agad nman. I think one year ata yun validity just back read na lang sa thread.
|
|
|
Post by allune on Apr 2, 2015 18:27:11 GMT 12
Wow. Pahirapan pala umalis sa atin.
Question lang, if yung current visa (PR, RV, Work) was acquired when you are already overseas (student, working holiday) what would happen when you visit the Philippines? Would they look for the PDOS cert when you leave?
|
|
|
Post by ModM on Apr 2, 2015 22:18:25 GMT 12
allune yes you will still be required to register with CFO if you have your RV/PRV na. When I visited last year, I registered na sa CFO and took my PDOS. You can only be exempt from PDOS if you have been living in the country for 2 years or more but you are still required to register with CFO
|
|
|
Post by rhapza21 on Apr 2, 2015 23:40:48 GMT 12
@modm Ask ko lang nagsign up ako sa kanila through online pre-registration after 2-3 weeks nakakuha ako ng notification na ireretain nila for a month lang yung record na kineyed in ko sa system nila. Ibig ba sabihin nito after a month at di pa kame nakapag PDOS eh magfififll up ulet ako.? Na-print ko na yung mga details namin na kineyed in ko kaya lang yung deadline na 1 month sinasabe na stay sa system nila di kame aabot sa biningay na date. Ask ko lang wala bang kaso yun since meron na kame hard copy at finafinalize ko na lang din yung iba pa needs then uuwe kame sa pinas para umattend nitong PDOS. Wala bang problema dun.? Nabasa ko din dito di naman ganun karame umattend bound to NZ. nakalagay kase dun sa schedule nila eh max lang ng 60 tuesday and thursday lang 2-4pm. Ask ko na rin from Quirino station lrt panu pumunta dun.? anu landmark po.? mas madali ba kung may sasakyan or mag commute.? Salamat marame..
|
|
|
Post by ModM on Apr 3, 2015 0:15:03 GMT 12
Whoa!!! Hinay hinay lang mahina kalaban. The best people to ask would be those from CFO. If you read through this thread you will find their contact details. I will try however to respond to your inquiries @modm Ask ko lang nagsign up ako sa kanila through online pre-registration after 2-3 weeks nakakuha ako ng notification na ireretain nila for a month lang yung record na kineyed in ko sa system nila. Ibig ba sabihin nito after a month at di pa kame nakapag PDOS eh magfififll up ulet ako.? Answer - I dont know. I didnt try online pre registration. What I remember though is the form they have online is different from what they asked me to fill out in person. I guess they will have you fill out a new form. Na-print ko na yung mga details namin na kineyed in ko kaya lang yung deadline na 1 month sinasabe na stay sa system nila di kame aabot sa biningay na date. Ask ko lang wala bang kaso yun since meron na kame hard copy at finafinalize ko na lang din yung iba pa needs then uuwe kame sa pinas para umattend nitong PDOS. Wala bang problema dun.? Nabasa ko din dito di naman ganun karame umattend bound to NZ. nakalagay kase dun sa schedule nila eh max lang ng 60 tuesday and thursday lang 2-4pm. The PDOS for NZ is clustered together with PDOS for Australia. I went on a Friday. There were about 20 of us only. Ask ko na rin from Quirino station lrt panu pumunta dun.? anu landmark po.? mas madali ba kung may sasakyan or mag commute.? Salamat marame.. Hmm. I took a taxi on both times I went. I don't know how to get there by car or lrt. I just saw the building on the website and immediately recognised it. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by rhapza21 on Apr 3, 2015 0:20:00 GMT 12
@modm Salamat sa info.. sige tawag na lang kame dun and ask namin yun sa form bago kame pumunta.
|
|
|
Post by ModM on Apr 3, 2015 9:30:48 GMT 12
rhapza21 do not worry so much about the form kasi wala pa 5 mins need to fill them out. Hindi naman ako nakarinig na may nauubusan ng slot. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by rhapza21 on Apr 3, 2015 10:38:54 GMT 12
@modm Salamat muli. Mabuhay ka!
|
|
|
Post by ModM on Apr 3, 2015 17:54:14 GMT 12
Pang easter yang linya mo ah. Joke. Parang patay na binubuhay!
Wag ka magworry about the PDOS lalo resident ka. Hassle lang kung work visa. Magulo process.
Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|