|
Post by paolhen on Mar 4, 2014 4:26:58 GMT 12
rhapza21 ung sa NBI namen ng partner ko na dito kami nagpa-fingerprint sa SG eh "Visa New Zealand" ung nakalagay sa purpose nung inissue na samen. saka inattach dn kasi namen ung ITA letter nung pinadala at pinasubmit namen sa NBI HQ.
|
|
|
Post by rhapza21 on Mar 5, 2014 4:11:59 GMT 12
rhapza21 Gano katagal ba ung bakasyon mo sa PH? Ilang days bago nakuha ung NBI ni Mrs? Kasi db dahil sa new system ata mas tumagal ung pag process ng NBI? Kung gusto mo dito knlng nagpa finger print sa PH embassy sa SG then padala mo Kay mrs para sya mag submit sa NBI HQ. My dedicated counter kasi for Pinoys abroad. No need to queue. Then babalikan nlng Nya para kolektahin. Not sure sa purpose, I'll check mine later Paguwe Kung "travel to NZ" nga dn ba ung samen paolhenokay. sensya na medyo late naging busy lang tong weekend si misis inabot lang ng 1 hour yung pagkuha nya ng NBI nagonline sya wala namn naging problema. Sa pinas na lang ako kukuha ng NBI since kumuha na ako dati at nakuha ko din within a day. Ayun mga 3 weeks lang ako nandun para ayusin pa din yung ibang requirements. Namention mo meron dedicated lane san toh.? sa mismong NBI office ba toh sa taft.? Salamat!
|
|
|
Post by rhapza21 on Mar 5, 2014 4:15:58 GMT 12
rhapza21 ung sa NBI namen ng partner ko na dito kami nagpa-fingerprint sa SG eh "Visa New Zealand" ung nakalagay sa purpose nung inissue na samen. saka inattach dn kasi namen ung ITA letter nung pinadala at pinasubmit namen sa NBI HQ. paolhenokay okay. sige agree din ako sa sabe ni abish it doesn't matter din naman kung anu purpose mahalaga daw yung sa criminal records nung tao. okay lang din naman. Pag kumuha na lang ako papalgay ko kung pwede "Visa New Zealand" ako din kase yung main applicant eh. Salamat Muli!
|
|
|
Post by rhapza21 on Mar 5, 2014 4:20:01 GMT 12
Hello po magandang umaga sa inyo magtatanung lang ako tungkol sa pagkuha ng NBI as part ng requirements sa ITA namin po. Kumuha po kase si misis ng NBI clearance today at napansin ko nakalgay yung PURPOSE is TRAVEL NEW ZEALAND tinanung ko bakit ganun yung nakalagay instead for Immigration . Ang sabe yung sa mismong NBI kung Migration daw dapat yung address hinde sa pinas iba daw meaning hinde nakadress yung tao sa pinas. tama lang ba yung purpose is Travel NEw Zealand ayaw kase pumayag as for Migration or Visa purposes.? Then, eto pa yung surname ni misis eh yung pagkadalaga nya pa nakalagay although married an yung status nya dun. nakastate naman din yung name ko as husband same thing yung address ko. thinking kase di naman pwede basta basta magpalit ng name lalo kung may HITS na bigla iba na name mo. meron bang implication toh gusto ko lang maliawanagan baka may mali dun sa NBI Clearance na kinuha eh kulay green yung color nung form. Salamat po.! hi po. nung nag file ako ng nbi clearance sa pinas last dec, ganun din. naka specify na dapat apelyido nung dalaga ka pa ang ilagay. though may field naman na ilalagay mo rin name ng husband mo. pero di ko na nakita result nung nbi ko kase nagpalit sila ng system before ma release ang certificate ko and sabi nila need ko apply ulit. di daw nila malipat information na nakuha sa old system sa new system. talaga namang ang sarap mag taray noh? pero what to do ika nga? lalala lang and maka hurt ka pa ng tao na di naman nila kasalanan din. so, sa SG embassy ang bagsak ko. in which, apelyido rin sa pagkadalaga ang pinalagay sa form and lumitaw sa certificate ko. HTH @rycel Salamat sa info parehas din pala ng case mo yung kay misis kahit sa pinas or dito kumuha same lalagy dun sa field na ang apelyido ay yung pagkadalaga. okay na thanks!!!!
|
|
|
Post by paolhen on Mar 6, 2014 22:03:25 GMT 12
rhapza21 ung dedicated counter po para sa OFW na pinadala or pinaasikaso sa kamaganak. After 15days pwde na makolekta. Not sure if Ganon pdn ngaun kc nag iba nga pala sila ng system.
|
|
|
Post by chichay79 on Mar 7, 2014 2:42:13 GMT 12
rhapza21 ung dedicated counter po para sa OFW na pinadala or pinaasikaso sa kamaganak. After 15days pwde na makolekta. Not sure if Ganon pdn ngaun kc nag iba nga pala sila ng system. hi po...ung akin po 5days lng..sa abrod ngfingerprint den pndla ko s nbi pinas.after 5days ay release npo.
|
|
|
Post by rhapza21 on Mar 7, 2014 22:14:11 GMT 12
paolhen, chichay79Okay. Salamat sa info sige balitaan ko kayo pag nakakuha na ako ng NBI kase kay misis one day lang kuha na.
|
|
|
Post by chichay79 on Mar 9, 2014 6:20:01 GMT 12
paolhen, chichay79Okay. Salamat sa info sige balitaan ko kayo pag nakakuha na ako ng NBI kase kay misis one day lang kuha na. one day lng po pg "no hits" (un walang kpngalan n my criminal record);pg my hits ay 5 days po...pero kng nasa abrod ung mgppa NBI ay 5days dn po..
|
|
|
Post by rhapza21 on Mar 9, 2014 19:40:03 GMT 12
|
|
|
Post by itsmenong on Mar 11, 2014 14:26:20 GMT 12
Magandang umaga po,
Kakapasa lang po namen ng requirements sa NBI Manila, ofw based in Sg po ako, i followed the procedures na nabanggit, pero just to make sure tumawag nrin po ako s NBI office, bale ung addressee po na si Macalit po ay pinalitan na. I-addess nyo na po kay Miss Sandra Sobida. Same address and same procedure as above po. Naiba lang ung name ng officer na mag aayos ng clearance.
I hope this will help po.
Good luck sa ating lahat
God bless po;)
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Mar 12, 2014 10:16:57 GMT 12
Thank you for this itsmenong and welcome to PinoyKiwi! Quoted you on the first post for everyone's info.
|
|
|
Post by itsmenong on Mar 13, 2014 15:23:40 GMT 12
Please read item number 6 on this official NBI FAQ page link. Sis Abish, dagdag ko na din po to.. DOCS: a. NBI form no. 5 will come from the Philippine Embassy b. Bring 2 passport size pictures sa Embassy c. Photocopy of passport bio data page and Singapore IC/EP d. Include an authorization letter para sa mag-aayos ng docs nyo sa NBI May two options tayo para mag-process ng NBI Clearance pag nasa abroad: 1. Send above docs (A-C) directly to NBI, see below address. They will mail your NBI clearance via airmail. See sis Abish's link kung panu un bayad, link2. Or Send a representative to NBI with above docs (A-D) to process and collect the NBI clearance. You can send your request directly NBI, or tell your representative to proceed to: MS. JULIE MACALIT Mailed Clearance Section, 2nd floor NBCS Bldg., NBI Taft Ave., Ermita, Manila NBI Mailed Clearance Section opens 8:00am to 5:00 pm. They do not issue a queue number. Your representative can drop by anytime during office hours on above address. Then pababalikin na lang sya after 5 days to collect. Ganyan ginawa ng brother ko, saglit lang at hindi na sya pumila. Galing sa NBI email support yung info na hindi na kailangan pumila at diretso na lang sa Mailed Clearance Section ang rep natin. HTH! May nakalimutan po pala akong idagdag, Bale what we did po on our NBI clearance we followed these steps na galing narin NBI website and Philippine Embassy Singapore, pero dahil sa alam naman naten na mabagal ang airmail ng Pilipinas, I asked Ms. Sandra Sobida (siya po yung pumalit kay Ms. julie Macalit) if there is anyway na mas mabilis ung pagpapadala nila ng NBI clearance sa akin dito sa SG, Ms. Sandra Sobida told me that they can send the clearance through DHL, mag sama lang daw po ako ng additional na 750php sa courier with the requirements, at sila na po bahala mag send pabalik using DHL. Bale ang laman ng courier ko papuntang NBI ay ung requirements mentioned above, 110php (processing fee) at 750php (DHL courier fee). In 5 days po, nareceive na namen dito sa SG yung NBI clearance. Salamat po, sana makatulong po itong info sa mga medyo gahol na sa oras.
|
|
|
Post by Pa0pa0 on Mar 19, 2014 16:17:57 GMT 12
@all ask ko lang po kung advisable po ba na kumuha ng NBI clearance dito sa Pinas bago ako umalis pa NZ? I-honor po ba ng mga employers diyan sa NZ ang NBI Clearance na kinuha dito sa Pinas? Kahit nakalagay dun eh for "Work Abroad"? Baka may idea po kayo regarding dito? Thanks po.
|
|
|
Post by mpz on Mar 19, 2014 16:47:25 GMT 12
@all ask ko lang po kung advisable po ba na kumuha ng NBI clearance dito sa Pinas bago ako umalis pa NZ? I-honor po ba ng mga employers diyan sa NZ ang NBI Clearance na kinuha dito sa Pinas? Kahit nakalagay dun eh for "Work Abroad"? Baka may idea po kayo regarding dito? Thanks po. Yes, kuha ka na dyan. Sabihin mo sa NBI officer para sa Immigration New Zealand.
|
|
|
Post by Pa0pa0 on Mar 20, 2014 18:34:16 GMT 12
@all ask ko lang po kung advisable po ba na kumuha ng NBI clearance dito sa Pinas bago ako umalis pa NZ? I-honor po ba ng mga employers diyan sa NZ ang NBI Clearance na kinuha dito sa Pinas? Kahit nakalagay dun eh for "Work Abroad"? Baka may idea po kayo regarding dito? Thanks po. Yes, kuha ka na dyan. Sabihin mo sa NBI officer para sa Immigration New Zealand. mpz ok po salamat!
|
|
|
Post by medrion on Mar 28, 2014 8:30:24 GMT 12
to all
eto po try lang nag-online ako for NBI, may binigay silang code. Sabi sa website pakita lang po iyon sa any NBI office. So once nakauwi kami sa Pinas tignan ko if mabilis na po yung proseso. Sabihin ko po sa inyo kung ano mangyari once matapos kami.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Mar 31, 2014 11:33:19 GMT 12
medrion Naku napanood at nabasa ko nga yan sa news. Nag-online form filling out na pero pagdating sa NBI eh ganun pa rin ang proseso. Nag-suggest sila na sana yung mga nagfill out na online ay may sariling queue. Palagay ko medyo malapit na tayo sa full automation process. Pakunti-kunti lang talaga dahil ang daming takot sa technological changes specially sa ahensya ng gobyerno.
|
|
|
Post by medrion on May 15, 2014 12:29:17 GMT 12
to all eto po try lang nag-online ako for NBI, may binigay silang code. Sabi sa website pakita lang po iyon sa any NBI office. So once nakauwi kami sa Pinas tignan ko if mabilis na po yung proseso. Sabihin ko po sa inyo kung ano mangyari once matapos kami. follow-up ko lang po pala ito yung nangyari sa amin... ayun sinabi lang na appointment dahil nagfill up ka ng form thru sa website at print.. Wala pong pagkakaiba sa wala kang appointment diretso ka lang sa office kuha ka ng form sulat mo at pumila, mainis at magbayad ng fee.. parehas na parehas
|
|
|
Post by ModM on May 15, 2014 17:15:28 GMT 12
Hay naku bakit kasi nabago ulit ang process. Nung kumuha ako mga April last year I did online process and in less than 30 minutes I was out of there na. Iba ang pila ng online and diretso picture taking na kasi bayad na rin naman eh.
Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by tinker jhings on May 16, 2014 1:01:41 GMT 12
thanks @sirmikee for sharing. talagang sinubok ang pasensya mo no? hehehe... for sure madaming matutulungan yun post mo na ito! who knows baka kelanganin din namin in the near future.
|
|
|
Post by ModM on May 16, 2014 9:36:17 GMT 12
@sirmikee ayaw ko tapatan ang kwento mo ng hassle bit kaso might as well share na rin nangyari sa amin.
kami na siguro ang isa sa may pinakamahal na nagastos dahil sa NBI Clearance. so here goes -- 35NZD each for form and fingerprinting sa Consul Office here in Auckland x 2 = $70 NZD sending the form to Pinas to my biyenan - $48 NZD she processed our NBI Clearance sa probinsya - PHP 3,000 siningil sa kanya!!!! (discounted pa daw yun kasi dapat daw 3,900 kasi 1,800 kada isa) she received a paper lang that said received from her name amount of PHP 3,000 the receipt daw will come kapag claim time na ng clearance. she argued bakit ang mahal -- kesyo daw sa Manila pa iprocess yun so will spend pamasahe at pameryenda pa ng tao nila na pupunta. anyway, we wanted her to pin them down for corruption kasi never nila inexplain sa kanila na pwede naman sa Manila etc if she wants to do it and it only costs PHP 200. Hindi rin kasi kami nakapagcommunicate with her as much so she proceeded lang on her own. she didn't want to make an issue out of it - wala sya pakialam how much she paid she is more afraid na kesyo baka balikan siya. Maliit lang yung probinsya and everyone knows where they live -- the typical na ah si ano ah yung unang bahay sa ganito along the highway tapat ng ganito ganyan kind. she received the NBI Clearance and sinend na nya ng registered parcel mail yata from Post Office ba yun -- and parang she paid malaki rin na amount parang PHP 1000 kaso pinaretract namin and thankfully nakuha naman before naisend and sa LBC nya sinend and she spent parang 2K yata for it.
Nakakahiya na nakakainis pero it is what it is. Grabe ang corruption sa atin. And they will prey on older people na walang malay or people na di magrereklamo for whatever reason.
The other reason pala na okay na sa kanya magbayad ng malaki kasi alam nya na yung pangalan ng anak nya daming hits -- common kasi and JR pa ng tatay nya. Yung dad kasi ng asawa ko naharang na at di nakabiyahe because of his name.. and pati hubby ko naharang din minsan pero nakalusot lang kasi they checked and the crime was made when he was still 12 years old. Bad trip lang kasi ang records ng NBI for criminals walang middle names kaya hirap for people with common names.
Anyway laki kinita nung NBI sa probinsya kasi they have a copy of our NBI clearances -- mine was about 7 months old and my hubby's less than a year old.
|
|
|
Post by medrion on May 16, 2014 11:13:58 GMT 12
sakit sa ulo nyan ModM.. meron din akong kwento last 2012 lang to nangyari in between NBI, Phil Bureau of Immigration and Malabon City Hall Criminal Records siguro nga kanya-kanyang trip ang mga Government offices 2007-2012 OFW nako labas masok sa Pinas twice a year kung umuwi.. so ayos lang 2012 December thru immigration bigla tinatakan yung passport ko ng you have to get Certificate of not the same person. Kumuha daw ako sa Bureau of Immigrations sa may Intramuros, kasi nga malaki yung kaso ng kapangalan ko. Pumunta ko dun, ang siste pagpunta dun requirements din nila ang NBI at kasama din ng clearance sa barangay at city hall kung saan nakafile yung kaso, which is sa Malabon. (salamat sa google map pano kung sa Mindanao patay na) So wait ako ng 7-10 days ata para makuha ko yung NBI. Nung nasa NBI nako wala naman akong hit sinabi ng officer ok naman daw, so thanks you! Pumunta naman ako sa Malabon nung pinakita nila sakin yung record nila, with transmitted date name and surname yes pareho. Pero yung middle name magkaiba kami, so sabi ng taga city hall "eto ang linaw x ka and y itong middle name. So bakit ka nila ihohold saka clear ka sa NBI, binigyan naman nila ko ng clearance. Natanggal ako sa trabaho dahil dito as in sinipa na ako ni bosing dahil akala nila ineextend ko lang yung vacation ko dito sa Pinas. Binigyan ako ng certificate ng Bureau of immigration yearly daw nirerenew yun. Mahaba pa sana yung kwento, pero paikliin ko nalang. 2013 Feb Paalis na kami, Pinas immigration hindi ko nilabas yung certificate na galing sa Bureau tignan ko kung hahanapin. Anak ng.... tinatakan ng departure date yung passport namin ni kumander hindi man nagtanong samantala nabasa nya yung note sa passport ko. Mukha naman daw akong hindi kriminal. 2014 vacation as OFW- Sabi irenew yung Certificate since malapit sa school namin yung Bureau sinabay ko na. Binigyan ako ng printed note with ref number na cleared na yung name ko. Ok na daw na wag irenew kumuha din kasi ako ng nbi nasa taas yung kwento. So immigration ulit, hayun hinanap yung certificate of not the same person hindi daw kami makakaalis pag wala yun. Pinatabi pa ko sa gilid kausapin ko daw yung Hepa este Hepe. Gusto ko isampal yung printed sheet galing sa Bureau of Immigration. Inabot ko nalang saka nagsmile .. "buti nalang meron ka nito" yun lang sabi... nagtataka lang ako two weeks na simula nung galing ako sa Bureau hindi nila inupdate yung system nila sa airport ang daming labas masok sa Pinas.. Tama talaga yung slogan "More Fun" kesarap at kesaya!
|
|
|
Post by ModM on May 16, 2014 12:33:51 GMT 12
medrion lesson for the day -- pag nagpangalan tayo sa mga anak natin lalo na kung ang ating apelyido ay common na, yung medyo kakaiba. Yung isang anak ko medyo common pa ang name pero ewan ko na lang yung isa kasi X nagsisimula. In my case pasalamat ako na hindi kasing common apelyido ko and my full name is also unique dahil nung niregister ang birth certificate ko yung magaling na clerk dinagdagan ng i yung name ko. My parents wanted plain Antonette as my second name pero dinagdagan ng i naging Antoniette. Growing up everyone thought it was Antoinette - a common french name because of Marie Antoinette. Anyway, I was once included in a hold departure list sa Bureau of Immigration -- magaling na director ng eskwelahan ko nung high school ipinadala buong listahan ng lahat ng graduates ng school namin. We almost took her to court kaso niretract nya yung list. Funny thing is hindi online ang Bureau of Immigration records. Years after -- may nahaharang pa rin sa mga schoolmates ko sa Cebu airport. Hassle talaga. Buti ako quick to have my name deleted before pa nya naretract kasi ayaw ko magkahassle sa immigration. eh yung issue ng photo natin sa NBI clearance??? Hindi kamukha eh. Parang distorted yung photos lalo na yung mga lumang clearance.. Joke time. Another more fun dyan sa Immigration sa airport -- isang immigration officer tinext yung isang babae na maganda at nagpakilala na sya daw yung immigration officer nagprocess sa passport nya earlier that day -- toinks! it was in the news. joke time.. more fun nga!
|
|
|
Post by aBiSh @admin on May 16, 2014 16:17:26 GMT 12
Talk about "HIT" usung-uso yan sa mga DOST scholars. Hahaha.. Kapag nag-sign ka kasi ng scholarship papers automatic may hold departure order na kami. Once na-clear tsaka lang kami pwedeng tanggalin sa listahan. Alala ko nung nag-sign kami ng papers, talagang pinag-isip muna kami ng mabuti kung gusto raw ba namin tanggapin yun dahil hindi kami makakalabas ng bansa. Isip namin "go lang" dahil wala pa kaming balak haha.. Malay ba naming pati pagkuha ng NBI clearance eh HIT kami everytime! Haha.. Bad trip yan. Ikaw na nga ang mahirap pero nag-aral ng mabuti (kunwari lang haha) ikaw pa papahirapan makakuha ng clearance. Dapat talaga magkaroon tayo ng unified database kung saan naka-connect lahat yung NBI, BIR, SSS or GSIS for starters para isang lookup na lang sa kahit saang network kiosk, kahit sinong may access makakapagsabi criminal ba to? Pwede ba to umalis ng bansa? Sis ModM now it makes sense na sobrang dami ng hit kasi wala palang middle name system sa NBI hahaha.. Sinong napakatalinong nag-design ng database architecture ng NBI? Bigyan ng award yan. Sorry sa rant. Na-inspire lang ako sa posts ninyo hahahaha..
|
|
|
Post by ModM on May 16, 2014 21:35:25 GMT 12
Sis aBiSh @admin truly kapag DOST scholar nga. Ngayon hindi lang college or graduate scholars pati mga high school isinali na nila yata. Yung sa amin ang bad trip kasi more than 10 years na kaming graduate at naisipan nya ipadala all our names. Gusto nya lang magcontact kami to inform them if we abided by a contract we signed when we were 12 years old kami na Science courses ang kukunin. In the end she retracted kasi pwede namin sya kasuhan for what she did. Re - one database - ewan ko din ba kasi bakit ayaw ng mga aktibista ng national ID. Kung ako gobyerno eh di gawin national ID number ang birth cert number. Hindi yung iba iba lahat ng number. Tuloy kailangan ko magmemorize lahat ng SSS, PRC, passport number etc ko. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by felipe on Jul 4, 2014 14:24:12 GMT 12
Please read item number 6 on this official NBI FAQ page link. Magandang umaga po, Kakapasa lang po namen ng requirements sa NBI Manila, ofw based in Sg po ako, i followed the procedures na nabanggit, pero just to make sure tumawag nrin po ako s NBI office, bale ung addressee po na si Macalit po ay pinalitan na. I-addess nyo na po kay Miss Sandra Sobida. Same address and same procedure as above po. Naiba lang ung name ng officer na mag aayos ng clearance. I hope this will help po. Good luck sa ating lahat God bless po;) Hello po, thanks for all the info. Is there something wrong po with the link? it seems to be dead po. thanks!
|
|
|
Post by mikenify on Jul 13, 2014 21:25:31 GMT 12
Ito yung process ng pagkuha ng NBI Clearance abroad, email sa akin ito ng NBI Clearance Section
---------------------------------------------------------------------- Please secure and accomplish NBI Form 5 at the Philippine Consulate General Office where you are. Request their assistance/endorsement for the police agency in your locality to have your fingerprints impressed (ROLLED IMPRESSION) on the appropriate spaces. The person who fingerprinted you should sign his name and state his official designation on the space provided for in the card. Attach your latest 2x2 photo.
Upon completion, mail to:
MS. SANDRA P. SOBIDA Mailed Clearance Section National Bureau of Investigation Taft Ave., Ermita Manila 1000
Enclose Money Order in the amount of Php200.00 Philippine currency, bank draft or a postal money order which is negotiable in the Philippines payable to the NBI Director. You can also send us cash of the same amount to the above-mentioned address though Western Union and the likes.
NBI will mail to you the corresponding clearance certificate after it has processed your application paper via an ordinary mail. You can also send us returned prepaid address envelope of your choice of courier. Processing of clearance normally takes place five(5)working days upon receipt excluding days of transit.
If mailed to a relatives/friends in the Philippine attached an authorization letter authorizing him/her to transact on your behalf, a photocopy of your passport,and an old nbi clearance for references (optional). Tell them to proceed or mailed your application to the above mentioned address for further assistance. Application abroad are process only at our main office. --------------------------------------------------------------------------- Note: Kung sa Police HQ kayo magpa-fingerprint kailangan nyo bumalik sa Philippine Embassy, sila ang ang mag-authenticate ang magdidikit ng Photo
Sa SG sa Police Cantonment kami pumunta para sa fingerprint $15 ang fee (Mon-Fri 2 - 5 pm), We send our application forms thru DHL, after 3 weeks na received na namin yung result.
200 pesos yung pinabayaran nila per application pero sa resibo 115 pesos lang nakalagay....
|
|
|
Post by paolhen on Jul 13, 2014 22:32:16 GMT 12
mikenify sa embassy kami (SG based dn) nagpa fingerprint din. Walang bayad. Papa sked ka nga lang. Wala na ba silang fingerprinting ngaun sa embassy?
|
|
|
Post by mikenify on Jul 13, 2014 23:53:29 GMT 12
Hi paolhen, meron sa embassy sa police kami nagpa-fingerprint ng wife ko kasi ang tagal nung binigay sa aming appointment kaya napilitan kami sa police magpafingerprint
|
|
|
Post by paolhen on Jul 14, 2014 14:20:18 GMT 12
mikenify ah ok, thanks, pero nung pina authenticate nyo po sa embassy para sa photos nyo, walk-in nlng po kayo? Hnd na kelangan pa sked pa?
|
|