|
Post by kaoru on Jan 13, 2015 20:22:15 GMT 12
Akala ko last step na talaga ako sa application ko which is awaiting for the release of my visa kaso nagkaproblem pa ako sa school ko. Kakareceive ko lang email from them na kulang daw ng more than 1000nzd binayad ko. Nangalambot mga tuhod ko kasi nag make sure pa kami ng agency ko na sinobrahan namin payment kasi nga sa exchange rate na rin. Ang nakakapagtaka may receipt naman akong sinend din sa kanila from my bpi transaction of payment, pero sabi nga kulang daw. Matatanggap ko pa na around 100nzd ang kulang ko pero more than 1k nzd, hindi biro biro yun. Kaya wait ko pa reply ulit ng school nyan. Sana hindi ako magkaproblema sa IO. Kasi nagsend na ako ng receipt of payment ko na galing sa banko na sinend ko sa IO kaso wala pa receipt from school talaga yung sinend ko sa IO eh..
|
|
|
Post by kelmanuel on Jan 13, 2015 20:39:11 GMT 12
Kia ora! Anong school mo kaoru? Shortfall tawag diyan. Buti nalaman mo ng maaga. Ako din e nagkulang ng i think $395 dito ko nalang nalaman. Yung exchange rate ba na binigay mo galing sa banko? Ako kasi nuon, ako mismo nag sabi sa banko kung magkano php to usd tapos sinakto ko, e pagdating dito sa school kulang daw nareceive pero may receipt naman. Baka lang kaya nagkukulang eh by the time na nagpadala ka nag fluctuate ang palitan. Not sure ah pero pedeng maging reason. Napapaisip din kasi ako kung paano nagkulang yung pinadala ko. Okay naman ang NTEC very accommodating ang mga staff at si mr jerry lam mabait sa pinoy hehe. Bakasyon pa ngayon sa 27 pa talaga start ng class pero may 2weeks prof. skills devt na ginagawa which is to prepare us for everything here hehe. Goodluck sa mga applicants! Godbless.
|
|
|
Post by kaoru on Jan 13, 2015 21:23:22 GMT 12
Salamat kelmanuel ha. Atleast medyo nabawasan pag woworry ko. Shortfall nga daw. Ako din nagsabi sa bpi ng exchange rate from NZ to peso pero nakakapag taka kasi talagang nagpasobra pa ako. Ang pinaka nakakapagtaka bakit naman more than 1000nzd ang short ko samantalang malinaw naman sa receipt ko na sobra pa binayad ko. Matatanggap ko pa kung more than 100nzd lang pero more than 1k, thats too much.. Nag send na ako ng reply sa IO ng receipt ko sa bpi transaction ko pero not the receipt from ntec. Wala namang inindicate kung from school receipt ang kelangan nya, sa tingin mo enough na yun para masatisfy ko nirerequire ng IO sa akin? Tska kelan ko kaya marereceive passport ko with visa stamp? Hanggat di ko pa kasi narereceive hindi pa rin ako mapanatag kasi
|
|
|
Post by wimbee23 on Jan 13, 2015 22:11:50 GMT 12
kaoru,parehas tayo sinobrahan ko yung bayad sa tuition fee ko pero kailangan ko pa magbayad ng $456 pagdating ko sa NZ nextweek.Ang kailangan talaga ng IO ay yung course fee receipt issued by the school at sapat na yun para sa Approval of Visa.Ako kasi via agency ang study visa application ko kaya ang sinend ko ay yung transaction receipt ko sa Metrobank tapos natanggap ko na yung visa ko after three days..Sis! be still,God is with you.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 14, 2015 8:48:00 GMT 12
Parang dodgy naman yan. Laging may kulang? Same school ba kayo nitong nagkulang? O sa exchange rate talaga yan?
Imbestigahan natin. LOL
|
|
|
Post by ModM on Jan 14, 2015 11:31:37 GMT 12
When you do bank transfers lagi nyo tanungin yung fees from both sides. Some banks charge a flat rate while others charge percentages.
Nung nagpasend ako mga 2K plus NZD to my BNZ account dito I had to ensure na may 15NZD pasobra para sa fees dito na side pero nagkulang pa rin mga 30NZD dahil sa exchange rate. Malaki nga yung mga 1K na shortfall. Yung mga 300 plus NZD understandable sa mga 20K NZD na padala mo.
Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 14, 2015 16:03:56 GMT 12
I created a separate thread for this shortfall topic para maipon natin. So kung tama ako, both kaoru and kelmanuel are going to attend NTEC and wimbee23 will attend Cornell. All three will pay shortfall. HHmmmmm..
|
|
|
Post by wimbee23 on Jan 15, 2015 11:58:20 GMT 12
Tama po kayo aBiSh @admin .. Gusto ko nga malaman kung lahat ba ng international students ay naka-experience ng shortfall.
|
|
|
Post by krismorales on Jan 15, 2015 14:30:13 GMT 12
Naku ang daming tapon pala di alam san napupunta. Sa mga magbabayad palang kagaya ko, mukang maeexperience ko din yan ah. Well, to avoid that nag-email ako sa BNZ (foe those na mag-aaral sa NTEC kasi sa bank nayan irereceive yung Telegraphic transfers) to know what are their rates and to give me possible figure kung ang course fee ko is 14,250.
|
|
|
Post by kaoru on Jan 15, 2015 14:32:34 GMT 12
Salamat po admin sa thread na ito
|
|
|
Post by kaoru on Jan 15, 2015 14:36:27 GMT 12
Same pala tayu ng course fee krismorales.. Pero yung binayad ko kasi pinasobra ko talaga pero masyado pa ring malaki talaga yung 1000nzd na kulang ko. Up until now wala pa ring reply yung ntec tungkol sa shortfall ko.. Pero pinag submit na nila ulit ako ng enrollment contract ko. Nagwoworry na ako kasi kahit visa wala pa aku, nung friday ko pa naisubmit yung nirerequire sa akin ng IO thru email
|
|
|
Post by krismorales on Jan 15, 2015 21:22:28 GMT 12
Relax lang. kapag nakakuha ako ng reply sa BNZ sabihan kita. Sana nag-email ka nalang directly kay Sir Jerry Lam ng NTEC. Magkano ba tuition fee mo dun na NTEC kaoru?
|
|
|
Post by krismorales on Jan 16, 2015 14:27:30 GMT 12
For everyone studying in NTEC. Heres the reply from BNZ..i hope this one helps.
Dear Mrs Morales
Thank you for your enquiry about transferring money from overseas to BNZ.
To ensure that the funds are correctly processed into the payee's account, there are specific details that the sending bank requires. This information is:
1. BNZ's BIC / SWIFT Code: BKNZNZ22 (for all countries except USA).
2. The Account holder’s name, physical address and full account number:
3. The address of the Account holder’s BNZ store:
In regards to the correct amount of money to allow, you would need to check with your Bank in the Philippines at the time of arranging the Telegraphic Transfer for their rate for NZ dollars, and to also allow for the fees as in the below details.
Please let us know if the funds are being sent from the United States, as you will need additional important information.
There is an inwards processing fee of NZD $15.00 by BNZ to receive funds directly from an overseas bank. This fee is generally debited from the amount transferred. Please note if funds are sent via another NZ bank, they will debit a fee to process this payment. In this instance BNZ will not debit a fee. The overseas bank (and/or intermediary bank) may also charge a fee to process the transfer.
|
|
|
Post by kelmanuel on Jan 16, 2015 16:14:37 GMT 12
Wag masyado mag alala sa shortfall. Pagdating naman dito bago magstart ang class madami pa kayo fifilupon sa school (ntec) duon ko nalaman na may kulang pero meron din yung mga kasabay ko na may overpay. In their case iababalik sa kanila yun kasi lahat ng binayad natin e may resibo sa kanila.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 20, 2015 10:39:34 GMT 12
Ngayon ko lang napansin yung mga username ninyo nagsisimula sa "k" SOT kelmanuel kung may overpayment at nagre-refund okay yun. Mas napanatag ang loob ko. Parang kaduda-duda kasi.
|
|
|
Post by kaoru on Jan 20, 2015 19:32:54 GMT 12
Naiiyak ako guys. Nag confirm na ang ntec at tlagang shortfall ako ng 1300nzd. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Galit na galit si hubby kasi biruin nyo almost 50k pesos na sa atin yun. Pinag tataka ko talaga, nag confirm pa ako sa agency ko ng exchange rate at nagpasobra pa talaga ako para maging safe na rin as advised na rin ng clerk sa bank. Question ko nga pla. Kasi nung naka receive ako ng email sa IO na approve na visa ko, sabi nya din sa email na isend ko copy ng receipt of payment of tuition ko. Bale sinend ko muna yung transaction ko sa bpi kahit wala pa yung receipt from school talaga. Sinend ko na kasi wala naman sinabi yung io na receipt from school eh. Dapat ba may mareceive pa akong email sa io na ok na yung tuition payment ko? Kasi wala pa rin reply sa akin yung io, kaya di ko alam kung irerelease pa ba nila ang visa ko
|
|
|
Post by ModM on Jan 20, 2015 20:33:48 GMT 12
kaoru how much in NZD ba yung need mo send sa NTEC? Ang laki nga ng 1300nzd Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by kaoru on Jan 20, 2015 20:53:00 GMT 12
14250nzd po ModM Bale more than 11k USD yun nung sinend ko kc kinonvert muna ng bank to USdollar then NZ dollar yung peso account ko.. Sobra pa yun kung tutuosin.. Kung magkulang man, i doubt kung aabot ng 100nzd ang maging kulang ko..
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 21, 2015 8:57:06 GMT 12
Hi kaoru. It will be good to start collecting all info and review all the math. Either sila or ikaw ang nagkamali ng computation. Magkano ba talaga ang final na tuition? Lahat lahat? Ano ang basis mo for this amount? Ipunin mo yung emails or confirmation ng mga dapat bayaran. Magkano pinadala mo in NZD altogether? Dapat kasi pagdating sa pera maging systematic tayo and super organized. If you've proven na enough yung pinadala mo, sumulat ka ng formal dispute sa NTEC to review attaching all documents to support your claim kasi hindi biro yung ganyang halaga.
|
|
|
Post by ModM on Jan 21, 2015 12:28:13 GMT 12
kaoru talagang maraming pera nawawala sa exchange rate. In my case sa 2000NZD plus lang I needed na masend sa account ko, nagkulang na ng 30NZD. So if by simple ratio naisip ko nga na siguro mga up to 300 NZD normal yun pero kasi pala ang source money mo is not USD? or USD ba ang original mo? Kapag kasi from Peso to USD to NZD - twice ka talo sa exchange rate. Tsaka minsan nga ang banks iba iba ang fees sa transfer. Yung iba fixed rate yung iba by percentage. Pero kapag over 1000NZD masyado mataas.
|
|
|
Post by kaoru on Jan 21, 2015 15:47:03 GMT 12
Hello everyone! ^_^
Truly God is really awesome, nabawasan ang shorfall ko from 1300nzd to 300nzd nlang. Super happy namin ni hubby, para kaming nabunutan ng tinik, hehe. Sinend na namin kagad sa IO and nag reply kagad ang IO. Hopefully this week mareceive ko na visa ko. Thank you so much dito sa PK. Makakahinga na ako ng medyo maluwag, hehe.. Salamat talaga ng marami sa inyo ^_^
|
|
|
Post by ModM on Jan 21, 2015 19:05:52 GMT 12
kaoru buti naman nalinaw na nila at nasa mga 300nzd lang ang shortfall mo. Parang nahulaan ko yung 300 nzd ah. Hehehe. See you in NZ. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 22, 2015 9:31:00 GMT 12
Hi kaoru! That's good to hear. Although hindi mo nabanggit paano bumaba sa 300nzd yung shortfall mo. Sinong nag-confirm?
|
|
|
Post by kaoru on Jan 22, 2015 16:34:30 GMT 12
uu nga ModM, sa hula mo atleast nagka idea kami ni hubby kung magkano talaga dapat possible kong shortfall lang which is yun nga, ehe.. bale 389nzd lahat ng shortfal ko. ang NTEC or should i say NIE ang nag confirm, binigyan na nila ako ng tuition receipt at yun ang sinend ko kagad din sa IO together with my bank transaction. praise God nag reply kagad ang IO ng "attachments received. thank you" :-) sobrang happy and thankful talaga kami ni hubby at marerelease na sa wakas visa ko. sana lang matanggap ko na this week, hehe.. thank you so much talaga PK ^_^
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 23, 2015 9:30:06 GMT 12
So initially sabi ng NTEC 1300 ang shortfall mo. Tapos sabi nila bigla 300 lang ang shortfall mo nung nagtanong ka? Tama ba? Buti pala nagtanong ka. Kung hindi nadenggoy ka ng malaking halaga. Akala siguro nila hindi ka magco-complain. May nabiktima siguro ulit sila.
|
|
|
Post by kaoru on Jan 23, 2015 15:02:02 GMT 12
Kaya nga @abish gail.. Nakuh, talagang nagtanong ako kasi di biro biro yung more than 1300nzd, almost 50k pesos na sa tin yun, kaya talagang naloka kaloka kami ni hubby nung una. Kinulit ko ng kinulit yung agency ko kasi talagang di ko matanggap na ganun kalaki. More than a week din bago nag confirm ng talagang shortfall ko ang ntec eh. Anyways, sa school ko na daw mismo bayaran shortfall ko kaya nabawasan na alalahanin ko bukod sa 300nzd na lang sya, hehehe
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 23, 2015 15:05:13 GMT 12
Ganyan pala ang mga modus operandi ng ibang schools na target ay international students. Sabi ko na nga ba at dodgy itong shortfall na ito eh.
|
|
|
Post by lnce on Jan 24, 2015 5:05:49 GMT 12
Hmm nice to know about this. Kakabayad ko lang ng tuition last tuesday yata yun, I hope wag mashortfall and kung mangyari man eh ipapaexplain ko talaga sa kanila
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 27, 2015 10:37:36 GMT 12
Oo. Lesson learned ito para sa mga susunod na students natin. Maging systematic and organized sa lahat ng computation para kapag may ganitong extrang singil ay malalaman natin kung magkano talaga ang totoong kulang at merong proof if we complain. Also, katulad ng sabi ni sis ModM, look for direct PHP to NZD na transaction para isang bawas lang ng foreign exchange.
|
|
|
Post by lnce on Jan 27, 2015 19:18:53 GMT 12
Shortfall ako 215 nzd. Doon ko na aayusin with the school para maexplain nila ng maayos.
|
|