|
Post by kelmanuel on Nov 27, 2014 20:43:00 GMT 12
May thread po ba dito about FTS aBiSh @admin? Kung wala po e dito nalang ako magpopost. After 11 working days nag email na ang INZ na kelangan ko daw mag fts. Nakakalungkot na balita. Binigyan ako hanggang Dec 4 to open and deposit $15,000 sa ANZ Bank sa Makati. Bale ang mangyayari yung pang tuition ko sana yun na muna ang gagamitin ko tapos saka ko na problemahin ang pampalit. Kasi 1 step closer nalang ako sa stud visa. Hingi lang po sana ako ng info kung paano ang buong process nito. Salamat.
|
|
|
Post by depatures14 on Nov 28, 2014 0:23:17 GMT 12
May thread po ba dito about FTS aBiSh @admin? Kung wala po e dito nalang ako magpopost. After 11 working days nag email na ang INZ na kelangan ko daw mag fts. Nakakalungkot na balita. Binigyan ako hanggang Dec 4 to open and deposit $15,000 sa ANZ Bank sa Makati. Bale ang mangyayari yung pang tuition ko sana yun na muna ang gagamitin ko tapos saka ko na problemahin ang pampalit. Kasi 1 step closer nalang ako sa stud visa. Hingi lang po sana ako ng info kung paano ang buong process nito. Salamat. Hi, tanong ko lang, bale yung show money mo ay tuition fee + NZD 15,000? Ano kaya dahilan bakit ka na FTS? Para malaman rin namin at makapagprepare. Thanks.
|
|
|
Post by kelmanuel on Nov 28, 2014 1:58:15 GMT 12
Ang sponsor ko kasi yung tito ko. Medyo malayong tito magkapatid lola namin. Siya naisip ko kasi my business siya, gasoline station. 1.3m yung dapat na show money (tuition fee + 1 yr living cost) satisfied naman yung io sa pera kasi yung last na bank statement na pinasa ko e umabot pa ng 1.7m kaya lang nagkaproblema sa relationship ko daw sa kanya. Ang sabi ng io hindi ko daw napatunayan na tito ko nga talaga siya. Although kumpleto pa docs na kinuha ko sa kanya. 6mos bank statement, ID, Mayors at Business permit, ITR, birth cert all original pero sumabit parin.
|
|
|
Post by kuvira on Nov 28, 2014 2:57:25 GMT 12
hi kelmanuel what is your next plan will you push through with the FTS? I hope everything would work in your favor. My agent ka ba? Have you discussed this with your family already? To be subjected to FTS is one of my greatest fear at the moment also.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Nov 28, 2014 12:42:51 GMT 12
What's FTS kelmanuel? Lol sorry di ako familiar sa student route. Nag-aaral pa lang din ako gaya ninyo.
|
|
|
Post by kelmanuel on Nov 28, 2014 13:03:47 GMT 12
kuvira yun nga talaga yung kinakatakot ko noong una palang at ayun nangyari nga. Ituloy ko nalang daw kasi gumasto narin kami eh (medical, agent at visa fee).. Hello aBiSh @admin ito po www.immigration.govt.nz/branch/India/studentinfo/fundstransferscheme.htmin short ang mangyayari yun pong $15k na living cost (which is show money lang sana) for 1 year ay kelangan ideposit sa ANZ bank under my name tapos monthly pede ko iwidraw is $1250.. Nadoble ang gasto kasi ung naprepare na pera pang tuition yun na ang magagamit sa fts. All in all kelangan ko ng 1m pati tuition namomroblema tuloy family ko. Malinaw po ba pagka explain ko?haha pasensya na..
|
|
|
Post by butchhh on Nov 28, 2014 13:27:01 GMT 12
kelmanuel I think meron na nagsabi dito sa thread to prepare more than PHP1m if you're going for the student route dahil di tayo sigurado sa FTS. Sana mafulfill mo yung requirements sayang din gumastos na. Tumawag ako ngayon sa VIA(Visa Information and Application Centre) and asked them if absolutely necessary yung requirement for a couple to live together before one can apply for a work visa under the other's student visa. In our case we're getting married this December and my soon to be wife will be the principal for the student visa for March intake. Discretion na daw ng IO kung tatanggapin yung application ng partner since di nagsama for a year although married na. Attach na lang daw ang supporting documents sa application ng principal to explain why we haven't live together. Meron ba sainyo umabot sa ganitong sitwasyon?
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Nov 28, 2014 13:52:33 GMT 12
Hi kelmanuel! I created this thread for FTS. Dito natin ituloy yung discussion ninyo. I met a Pinoy couple here who went through that FTS (sorry ngayon ko lang naalala o na-realize) and ang pagka-explain ay katulad ng explanation mo kelmanuel. They deposited this big money and they can withdraw just a portion on a regular basis. Siguro kaya ka pinag-FTS dahil hindi immediate family yung sponsor mo. Also anong mga birth certificates ang binigay ninyo? Mukhang maraming birth certificates ang kailangan isubmit to show ang malayong tito and connect your relationship. Kung gusto mo talagang mag-pursue mukhang kailangan mo ngang pag-ipunan ulit o delihensiya yan. Ang laking pera.
|
|
|
Post by kelmanuel on Nov 28, 2014 19:45:38 GMT 12
Yung birt cert lang po niya ang pinasa ko at yung sa akin hindi ko na pinakita o pinatunayan na talagang relative kami pero magka lugar po kami. Kaya siguro hindi satisfied yung io. Oo nga eh ang saklap lang kasi $15k lang talaga ang naipon na pera pang tuition ko sana tapos ganun pa ang nangyari kaya kelangan pa ulit maglabas ng $15k within 1 week pang fts.. Gumagawa parin ng paraan parents ko kasi i already signed the letter na i accept the fts. Ayun nga nag open na ako ng account online tapos pag okay na telegraphic transfer ko na yung pera tapos yung ANZ na mag confirm sa embassy. Salamat aBiSh @admin sa pag create ng thread na to. Sana madami pa magbigay ng input para makatulong din sa mga future applicants.
|
|
|
Post by kuvira on Nov 28, 2014 23:56:21 GMT 12
hi po sa inyung lahat, wala ba option na mag-provide nalang ng additional documents para mas ma-prove relationship nyu ng sponsor mo? sana maging maayos ang lahat. hoping all the best for you kelmanuel
|
|
|
Post by kelmanuel on Nov 29, 2014 0:11:34 GMT 12
Wala eh. Tips po pra sa lahat. Mas magandang gawin iprovide na siguro lahat ng supporting docs once you are ready to submit to INZ para hindi na magkaproblema kagaya ko.
|
|
|
Post by sarahprinsesa on Nov 29, 2014 1:20:29 GMT 12
Kalungkot naman kelmanuel diba may agency ka? Sayang. Kaya mo yan!
|
|
|
Post by kelmanuel on Nov 29, 2014 2:08:24 GMT 12
Uu. Nag agency ako sarahprinsesa. Sabi naman ng agency ko kapag daw ganung case sa aus denied na kaagad application kasi wala silang option na fts. Ewan ko lang kung totoo. Pero nababasa ko sa NZ lang talaga yun. Eto pa mas nakakalungkot, sabi sa website ng INZ hindi pa daw sure na magrant ang visa kahit pina fts ka. Kapag unsucessful iwiwidraw mo ulit yung pera. Ang hirap no? Parang sinusugal mo yung pera mo.
|
|
|
Post by kuvira on Nov 29, 2014 2:28:02 GMT 12
kaya mo yan. upon reading your post last night i called my agent and opted to defer my intake date to feb. 26 instead of jan. 8 hindi pa muna ako mag-lodge at dadagdagan ko pa supporting documents ko. salamat kelmanuel sa pag-share ng mga insights. kaya mo yan pray lang tayo.
|
|
|
Post by sarahprinsesa on Nov 29, 2014 2:30:51 GMT 12
kelmanuel saklap naman nun! Kalungkot. Di ka ba inadvice ng agency mo na mag provide ng iba pang documents na makakapag sabi na malayong magkamag anak talaga kayo before ka mag lodge? Ang laking sugal nyan! Think positive nalang kel. Pray ka nalang na maging ok ang lahat.
|
|
|
Post by kaoru on Nov 29, 2014 3:22:13 GMT 12
God will provide kelmanuel. Aku man din parang nafifeel ko ipapa fts nila din ako kasi wala mang 3months sa bangko yung tuition and proof of funds ko pero pinag lodge na kagad aku ng agency ko. Na transfer mo na ba sa anz? May parang nabasa ako sa student visa thread na may na fts din na student pero naibalik din kagad nya yung pera sa family nya, paki check na lang ulit thread na yun para kung sakali mapakiusapan mo tito mo na pahiramin ka muna nya ng pang proof of funds mo. Ang gastos talaga mag aral ulit, pero trust in the Lord, kaya yan, malaki pa rin chance mo maapprove, pray ka lang. Godbless sa ating lahat sa application natin
|
|
|
Post by kelmanuel on Nov 29, 2014 11:37:42 GMT 12
Yung letter from INZ wala naman nakalagay na magprovide pa ng docs ang sabi lang mag open ng account sa ANZ. Naku kaoru dapat 6mos yung bank statement pero malay mo makalusot.
|
|
|
Post by asthiem on Nov 29, 2014 12:19:33 GMT 12
Kaya mo yan kelmanuel. Bago Lang Ako dito, basa2 muna ako para maka kuha ng mga useful info. Salamat sa pag share. with God everything is possible.
|
|
|
Post by divhon on Nov 29, 2014 17:44:54 GMT 12
Guys don't fear FTS. here are some food for the thoughts para saten.
Depende sa galing, swerte, at pananalig sa diyos hindi niyo magagalaw yang pera na yan kung makakahanap ka agad ng part time work at mamumuhay ka lang ng payak. iipunin mo lang yan at ibabalik lang din lahat sa sponsor mo.
Kung gusto mo talaga makarating dito at subukang baguhin ang kinabukasan mo eh no choice need mo mangutang at iprovide yan. Nung nagproprocess pa lang din ako eh takot na takot ako jan, talagang tinibayan ko na lang ung mga supporting documents ko and pinalaki proof of funds.
Nung pagdating ko dito last July USD 1,200 lang seed money ko and fortunately nasustain ko naman up to now na hindi nako nanghingi pa, mga USD 900 lang nagamit ko in a month then snuwerte nagkawork nako after a month. So can you imagine if na FTS din ako then monthly binibigay ung FTS ko wla nako ginagawa kung hindi hinuhulog ko lang pabalik sa pinas ung pera. (I have a friend pagdating niya dito winithdraw niya raw lahat ng FTS niya then binalik niya sa India 1 month lang din nakahanap na siya ng work. ewan ko lang kung totoo nagawa niya un pero cool ung friend ko na un he won't lie to me ng ganun lang).
ung sa pinay ko naman na friend 6 months pa lang siya naibigay na sa kanya lahat nf FTS niya so ngaun natutulog lang pera sa account niya, ang problema naman puro kiwi bf ang inaatupag at tamad maghanap ng work so unti unti nauubos FTS niya, well ok lang un anak mayaman naman un.
so bottom line eh kung need ka ma FTS sugal na pati pato at panangulo kasi malamang naman sa panalo dito...
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Dec 2, 2014 10:06:34 GMT 12
Thanks divhon for your input. Really appreciate it.
|
|
|
Post by kelmanuel on Dec 3, 2014 7:50:10 GMT 12
Nadeposit ko na yung pang FTS. Thank God nakahabol kasi hanggang bukas nalang sana yun. Bale hintayin ko nalang feedback ng INZ kung okay na at kung kelan naman magbayad ng tuition.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Dec 3, 2014 12:45:30 GMT 12
Wow ang bilis mo mag-deposit kelmanuel. Mukhang malaki ang kaban ng kayamanan natin diyan ah. Hehe.. God bless sa iyo! Sana magtuluy-tuloy ka na! Paramdam ka pag nandito ka na?
|
|
|
Post by sarahprinsesa on Dec 3, 2014 13:51:28 GMT 12
Goodluck kelmanuel Pray ka lang at nagiging ok din ang lahat. God bless
|
|
|
Post by belle on Dec 27, 2014 17:04:04 GMT 12
most likely talaga nirerequire ung FTS sa mga students. nakita ko ung sponsorship form parang close relative lang ung andun. ung friend ko kasi biniro ako na sponsoran ko sya sa pagpunta nya dito. unfortunately kakasponsor ko lang sa mommy ko for a visitor visa. saka un nga di pede kaibigan, close relative dapat. im not sure if it works for uncles, aunties, etc.
ung 2 housemates ko na students dito, ng FTS ung isa, ung isa naman hinde. pareho silang walang relatives dito. ung isang walang FTS, kasama nya yung hubby nya pagpunta dito as visitor naman who eventually landed on a job in Christchurch. not sure kung dahil sa show money na pinakita nila like land titles, properties, etc. ang alam ko mejo well off sila sa pinas. and Yolanda victims nga pala sila as in directly hit un lugar nila and I heard parang naawa din ung officer during interview ksi isa sa reason nila un bakit gusto nila lumipat dito. probably naging factor din yun na wala silang FTS? it all depends pa din on the officer.
saka ung nga monthly naman mawiwithdraw ung FTS. they just want to make sure na gagamitin un to support ur stay here. grabe ang laking pera nga nsa 1M plus including tuition fee. nakakaduling hehe
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jan 5, 2015 11:34:06 GMT 12
Oo nga sis belle. Sobrang laki ng FTS. Ang daming zero! Hehe.. Papunta na pala mommy mo? Weee! So excited for you sis. Naku SOT
|
|
|
Post by lnce on Jan 22, 2015 2:49:28 GMT 12
Hi! Ask ko lang gaano ba katagal usually bago maopen ang acct with ANZ?
Nagapply ako ng acct online noong jan 16, friday. Until now i haven't received any response from them.
Binayaran na namin yung tuition ko, as advised by my case officer. We're just waiting for the fts acct to be opened para mapondohan. Pero bat ang tagal? Hehe
|
|
|
Post by chaaarm on Jan 31, 2015 14:13:29 GMT 12
Hi! Bago lang po ako dito Tanong ko lang po kung lahat ba ng nag aapply for student visa nirerequire ng FTS? Thank you po!
|
|
|
Post by kelmanuel on Jan 31, 2015 15:40:22 GMT 12
Hello lnce mga two weeks ata sa akin noon. Be patient my friend Hindi naman lahat e na pa pa fts chaaarm pero most likely kapag yung sponsor mo eh hindi yung parents mo. Sa akin kasi tito ko kaya na fts ako. Pero i think it also depends sa IO kung satisfied siya na magagalaw mo nga yung show money mo o hindi pagdating mo dito. Cheers!
|
|
|
Post by chaaarm on Jan 31, 2015 22:35:29 GMT 12
|
|
|
Post by lnce on Feb 19, 2015 6:36:15 GMT 12
Ang fts ba eh pwede na natin agad maaccess as soon as we land in nz?
Plano ko kc magdala lang ng 200USD para mairaos ko yung flight and budget na din for a few days hehe. Wat u thnk?
|
|