|
Post by cherrie on Jul 11, 2014 15:55:05 GMT 12
Hi everyone! Ask ko lang, para sa mga nag-aral sa University of Auckland, nag-submit kasi ako ng requirements for admission. Nako pinapa-resubmit ako ng Birth Certificate and Transcripts ko. Ang weird lang, kasi original copies ang sinubmit ko nun. Isip ko since meron naman akong extra copies ng original, yun na lang submit ko kaso pa-notary ko pa. Pero ngayon pinapa-resubmit ako kasi di raw naka-notary. Need pa ba pa-notary kahit original? Inemail ko na rin sila to ask, wait ko pa reply nila. Pero di ba usually ang pinapa-notary lang pag photocopy ang pinasa? Pa-help naman oh. Pa-share ng experience. Nako pag di talaga nila tanggapin another P1,300 down the drain to...
|
|
|
Post by Genean on Jul 11, 2014 15:57:51 GMT 12
Hello! Photocopy lang then pa Justice of Peace mo. Meron sa Grafton Hall (dormitory) or you can ask the international office kung saan ang malapit na JP along Symonds St.
|
|
|
Post by cherrie on Jul 11, 2014 21:18:35 GMT 12
nasa manila pa kasi ako ngayon. yung certificates and diploma ko pina-photocopy ko then pina-notary ko dito sa pinas. inaask ko pa if pwede na sa kanila yun. kung ok na sa kanila yun, and kung talagang ayaw nila yung pinadala kong original copy, ipho-photocopy ko nalng lahat and papa-notary ko dito. padala ko nalng ulit kahit mahal wait ko pa reply nila kung i-acknowledge nila yung original na padala ko. nako sana pwede na.... di nga ako nagpadala ng ID photo sa kanila eh. nagsulat ako ng letter sa kanila sabi ko sa post shop nalng ako malapit sa university magpapa-picture para sure tama sa standard nila. pero sa sept pa ko dun eh, sana ok din lang sa kanila mahirap ba makapasok ng UoA? super nag-aalala kasi ako, ang pangit kasi ng performance ko sa literacy and numeracy exams di mataas yung numeracy ko and di ako natapos dun sa literacy part. parang nagmental block kasi ako habang nag-eexam. test anxiety siguro. eh sabi pang-shortlist nila yun ng mga iinterview-hin. i am hoping they consider my grades sa transcript ko. sana may chance makapasok.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jul 15, 2014 8:40:47 GMT 12
Hi cherrie. Usually they don't need notary for original copies so maganda kung i-emphasize mo na original yung ni-send mo. Sana nga maging okay na yan.
|
|
|
Post by cherrie on Jul 18, 2014 18:18:18 GMT 12
kaloka! nagreply na sila. yung birth certificate ko daw tatanggapin nila. ang ayaw nila tanggapin yung transcripts?! mukha daw kasing photocopy, like yung pirma daw photocopy?? eh original talaga yun eh. nasa yellowish green na paper pa nga and may seal ng school. haiz. tapos nag-email ako. sabi ko ok sige papadala nalang ako uli ng certified copy. pero para sure, ask ko na rin if accept nila yung ibang pinadala ko. like yung mga diploma and certificates ko. puro xeroxed copies kasi yun pero pina-notary ko. pag ok na kasi sa kanila yun, ganun din papadala ko sa transcripts. nako after 2 days sumagot sila. yung buong help desk articles ba naman ang binigay sa akin~ eh simple lang naman ang tanong ko, if ok na yung ibang pinadala kong documents. kasi transcripts lang ang kinomplain nya sa akin, pero yung status ng ibang documents sa application ko incomplete pa rin.
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jul 21, 2014 11:10:24 GMT 12
Haha nakakatawa naman ang University of Auckland. Parang minus pogi points yan for me ah. LOL Yung original daw ay mukhang photocopy? Nakakagigil lang.
|
|
|
Post by Genean on Jul 21, 2014 15:05:13 GMT 12
cherrie habaan mo na lang patience mo. hehehe just comply to what they need. After all you do not have any problems naman proving yourself to them. =) cheers!
|
|
|
Post by ModM on Jul 22, 2014 3:33:25 GMT 12
cherrie yung birth certificate at transcript mo ba nakasecurity paper? Explain mo na lang na original yun mga yun. Actually photocopies naman sila talaga ng original but on security paper kaso dapat may signature din ng issuing office. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by cherrie on Jul 22, 2014 18:36:54 GMT 12
ganun na nga. haha habaan lang ng patience ModM: yung birth certificate ko tinanggap na nila. pero yung transcript talaga ayaw. ah di ko alam, security paper ba tawag dun? may pirma naman ng school yun, pero sabi nya mukhang photocopy daw yung pirma. haha! natawa tuloy ako. till now wait ko pa ulit reply nila. inemail ko sila uli nung sunday. ginawa kong simple ang question ko. if accepted na nila yung diploma ko. if sinabi nila yes, naka-photocopy and notary yun dito, then papadala ko na yung transcript ko na naka-ganun din.
|
|
|
Post by ModM on Jul 23, 2014 18:36:40 GMT 12
cherrie yes. It is called security paper or secpa for short. Yung dating transcript sa UP naalala ko na hindi naka secpa pero nung mga nirequest ko na in more recent years ay naka security paper na. Supposedly parang currency kasi yun na may mga security features. As to what specifically those are di ko sure. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by cherrie on Jul 23, 2014 19:49:59 GMT 12
ah i see. haha so turns out yung ganun pala mukhang photocopy sa UoA. hehe maybe better nga lahat may tatak ng notary. lesson learned!
|
|
|
Post by cherrie on Jul 24, 2014 14:55:28 GMT 12
nako ha, niloloko ata ako ng mga student rep na sumasagot sa query ko eh! ginawa ko na nga simple ang tanong ko, after 3 days of waiting, HELPDESK na naman ang sinagot sa akin?! eh ang tanong ko lang naman if ok na sa kanila yung ibang sinubmit ko na hindi nila binanggit nung hiningian nila ako ulli ng transcripts. tapos ang sagot sa akin, kung ito ang status ng document, ito ang ibig sabihin, etc etc. hay nako, i wonder if mahintay nila na pumunta na lang ako dun para dun na ko sa may university mismo magpa-notary. kaloka talaga!
|
|
|
Post by cherrie on Jul 25, 2014 4:08:25 GMT 12
i'm thinking of calling UoA once and for all para magkaintindihan na kami (hopefully). ask ko lang if mag-long distance ako sa nz diretso dial na ba? eto nakita kong number nila: +64 9 308 2386. thanks!
|
|
|
Post by ModM on Jul 25, 2014 9:18:26 GMT 12
Hi cherrie. Yes. That is the correct number. PM me if you think hindi talaga masqueeze out yung gusto mo information. I can make a call or visit them if they are in the Central auckland campus. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by ModM on Jul 29, 2014 9:31:08 GMT 12
HI cherrie check my PM for you. Inactive na yung phone number na nakuha mo above. I got you the right number and was able to speak to someone. Yun nga lang they can not tell me anything kasi hindi ako authorized to receive information - mahigpit sila dahil sa Privacy Act.
|
|
|
Post by cherrie on Jul 30, 2014 15:25:44 GMT 12
ModM: i just finished my call to UoA. ok naman, sabi naman ng nakausap ko pag original transcript ok na. sabi ko kasi nag-email ako twice sabi sa akin resubmit eh. sabi ko pupunta ako dun ng 1st week of Sept this year, kung dun na ko pa-certify kung di talaga pwede. ok daw better daw yun. sabi ko abot naman noh, or di naman yung tagal sila wait ng requirements ko? sabi nya ok lang naman since plan ko next year january pa enroll if ever. yung mga ibang documents ko na naka-photocopy and certified ok na rin daw. grabe nung una lakas pa ng loob ko tumawag eh. ok naman yung nakausap ko, bait naman nung guy. yun nga lang, may dead air! may ilang seconds na expect ko sasagot sya pero silent lang sya. parang need nya ng time i-digest yung question ko? kaya ako naman, unti-unti naging kabado. tapos feeling ko naubusan din ako ng english, haha na-conscious pa ko nung na-realize ko pati grammar ko mali-mali na. napa-stutter tuloy ako. awkward feeling talaga every time may dead air. at sa sobrang kaba ko, nakalimutan ko ask sino kausap ko! there goes my first conversation with a Kiwi....
|
|
|
Post by aBiSh @admin on Jul 30, 2014 15:30:08 GMT 12
Haha okay lang yan. There's a good chance na student din nakausap mo na nagwo-work part time. Or kung permanent staff talaga siya baka hindi alam na overseas yung call mo. Don't worry. Magiging okay naman yan pagdating mo. Tapos pag nandito ka na magkakaroon ka ng mas maraming opportunity to talk to Kiwis hehe...
|
|
|
Post by cherrie on Jul 30, 2014 15:38:54 GMT 12
yeah! minsan kasi mas kabado pa ko pag di ko nakikita yung taong kausap ko. haha mas comfy pa ko pag harap-harapan kong nakikita yung tao. hehe!
|
|
|
Post by ModM on Jul 30, 2014 20:38:14 GMT 12
Yung number na binigay ko is the number to call if you are from outside NZ so they expect the calls to be overseas on that number I guess. I think the other party is trying to digest your English. Tama si aBiSh @admin it is likely they are student assistants. When I called the main UoA trunkline the voice prompt said something about wait for student assistants to receive my call. Bring your originals here na lang. If you are in the city (i.e. CBD) go to the library to have them photocopied and certified by a JP or justice of the peace (usually 12nn-2pm) or at the District court. PM me if your friend can't join you. I hang out sa lib kasi di ako makawork minsan sa house. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by cherrie on Jul 30, 2014 20:42:17 GMT 12
thank you so much! i'll be in touch pagdating ko dyan
|
|
|
Post by ModM on Jul 30, 2014 21:12:17 GMT 12
Sure sis cherrie no problem. Last week nga sinamahan ko magshopping for their home needs 2 students from Pinas and Sri Lanka. Ganun ako kabored hahaha. Message kita if natuloy ako uwi Pinas end of Aug or early Sep. Likely sa Ortigas ako na area titira near my old office. Meet up? If I have space pa sa luggage ko I'll let you know pero mukhang dyan ako shop for my family's needs. Mahal ng clothes dito eh. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by cherrie on Jul 30, 2014 21:31:13 GMT 12
baka pumunta ako ng china sa aug 20-23. samahan ko mom ko mag-prayer worship. thought ok din to go and pray muna before i go to auckland and start my adventure. sept2 naman nasa auckland na ko. medyo sagad yung time pero let's see
|
|
|
Post by cherrie on Aug 13, 2014 5:19:56 GMT 12
nakatanggap ako ng email ngayon from student services na kelangan ko magpainterview sa skype ng aug 21! hala yun ang araw ng alis ko to china! i emailed them back saying i can't make it on the 21st kasi may scheduled trip sa china. i requested for a reschedule, anytime before 21 and after 25. sigh, im hoping hindi ito maging bad shot sa application ko any tips on the interview?
|
|
|
Post by ModM on Aug 13, 2014 9:29:17 GMT 12
Goodluck cherrie. Buti okay na admission documents mo. Maybe si Genean makakasagot. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by Genean on Aug 13, 2014 13:42:37 GMT 12
Hello cherrie! Base sa aking experience, hindi ako nainterview via Skype, face-to-face interview kasi ang nangyari sa akin. NZ-MFAT representative made the screening here sa Pinas. I am not sure if this would cause something negative on your part. It's just that you are not available the time they scheduled the interview. Okay na yung nagsuggest ka ng dates kung saan ka available, after all di ka nila iinterviewhin kung hindi nila gusto credentials mo. =) Positive vibes lang tayo =)
|
|
|
Post by cherrie on Aug 13, 2014 14:07:18 GMT 12
ModM: actually wala pa silang binabanggit tungkol sa mga admission documents ko. maliban sa transcripts and certificates ko actually hinihintay ko pa yung isang referee form ng isang prof ko ang tagal nyang ibigay eh. sana matandaan na nyang ibigay sa akin this weekend. Genean: nag-email back na yung taga UoA, ok lang daw i-resched pero wala pa silang definite date kung kelan daw. I also told them I'll be in Auckland sa Sept and ok din sa akin ang in person interview. Sabi nya ok din yun, inform nalang daw nya ako ulit pag may date na. honestly mas prefer ko nga ang in person interview eh. unang-una, di ako marunong mag-skype! kagabi lang ako nag-install ng skype at medyo kakapa-kapa pa ako on how it works. tsaka i feel uncomfortable sa harap ng webcam. hehe mas gusto ko pa face-to-face interview, feeling ko mas makakadiskarte ako
|
|
|
Post by ModM on Aug 13, 2014 15:29:40 GMT 12
I think better nga na mag face to face interview ka na lang. It will also show na sincere ka sa pagpasok sa Uni. I'm excited for you.
|
|
|
Post by cherrie on Aug 15, 2014 6:04:51 GMT 12
nako sana nga maging ok. next step ko actually is trying to find people working in ECE field para ask ko yung tungkol sa actual na gawain sa mga preschools. para naman di ako clueless pagdating ng interview. kaya lang umayaw yung isang centre na kinontact ko eh natanungan ko isang friend ko, pero sa australia sya nagwowork. kung sabagay siguro somewhat similar naman ang sistema ng aus sa nz, at least may nakuha na kong info. kaba-kaba...
|
|
|
Post by ModM on Aug 15, 2014 8:25:36 GMT 12
cherrie took me a while to think ECE and preschool? I always linked ECE with Electronics and Computer Engg kasi then I realised.. ah.. Early Childhood Education. Yun pala yun. Sent from my GT-I9505 using proboards
|
|
|
Post by cherrie on Aug 15, 2014 17:01:14 GMT 12
haha yes, early childhood education yun. haha! i can never be an engineer kasi super bad sa math and mahina ako sa mga figures until now nga di pa rin ako marunong tumingin ng abstract shapes.
|
|